"Mikaela, bakit nandito ka sa labas? Nasa loob silang lahat ah.." napatingin naman ako kay Ate Martha. "Nagpapahangin lang ate," "Ahh, may dapat ba akong malaman tungkol d'yan sa puso mo?" Nagtaka naman ako pero ngumiti lang siya. "Mahal mo pa?" Nagdagundong naman ang puso ko sa sinabi niya. Mahal ko pa? Oo. Pero, hindi na pwede! Hindi na dahil bawal. Bawal magmahal kong ang taong mahal mo may mahal na. Masakit! Pero titiisin ko, kasalanan ko naman. Kasalanan ko! Umalis ako, nagsawa siya sa kahihintay. Napapagod ang tao, kaya hindi ko siya masisi kong sumuko na siya at nakahanap ng iba.. "P-po?" "I can see it, even you deny it. Hindi mo ba alam na mas una pang nakakaalam ang tao sa paligid mo pag inlove ang isang tao? Well, ikaw ang unang nakakaalam non pero tinatanggi mo lang sa sar

