"Waaaag, wag na kasi! Anthony! Ano ba! Tumigil ka nga!" Nakakaasar! Sana hindi ko nalang sinabi!
Ito ako ngayon at pinipigilan siyang umalis, pagkatapos kong e kwento lahat sa kanya bigla nalang siyang tumayo at GALIT NA GALIT!
"Don't stop me Kae, makakapatay talaga ako ngayon." Hindi ko si binitiwan at hinahatak pabalik kahit no use.
"Wag na kasi! Kong ganito lang din naman ang reaksyon mo sana hindi ko nalang sinabi sayo! Nakakainis ka naman eh! Tumigil ka nga sa paglalakad ano ba!!" Nasa harap na kami ng elevator at tumigil na nga siya.
"f**k. Okey fine! Just don't be angry.." sabi niya at tinitigan ako sa mata.
Why his acting like this? Bakit nagkakaganito siya? Hindi ko siya maintindihan! Kaya naman pala titig na titig siya saakin kanina kasi may pasa ako sa labi. Nakuha ko siguro nong sampalin ako ng EX niya. Asar!
"Nakakainis ka naman kasi! Wag na nga diba? Tsaka hindi mo ba ako narinig kanina? Ang sabi ko, kailangan kitang layuan dahil mapapahamak lang ako sa kagagahan ng girlfriend mo! DAHIL SAYO!" Kong hindi lang kami nag pretend-pretend na mag jowa! Hindi sana mangyayari to! Kong sana hindi niya sinabing Fiance niya ako! Haist! EWAN!
"She's not my girlfriend!" Madiin na sabi niya kaya nagtitigan kami yong parang may apoy ang bawat mata namin sa inis at galit.
"Oo na! Pero dahil parin sayo!" Dahil sa kanya maaga kaming magkikita ni kamatayan! Huhu!
Naglakad ako paalis pero bigla niyang hinatak ang kamay ko tsaka pinaharap niya ako sa kanya. Kunting kunti nalang maglalapat na ang labi namin sa sobrang lapit ng mukha ko sa kanya.
"Try to avoid me. Bubuntisin kita ng hindi mo ako iwasan.." those lines give me shiver.
"T-tumigil ka nga!" Utal na sabi ko at tinulak siya at napaatras naman siya ng kaunti. Ngumiti siya at hinapit ako palapit sa kanya sabay sinunggaban ako ng halik.
"See you wife." At eksaktong nagbukas ang elevator ay agad na pumasok siya at iniwan akong nakatunganga!
Dapat ba akong kabahan?
***
Maaga akong nagising O sabihin na nating hindi ako natulog -_-
Lumabas na ako ng unit at pumunta sa parking lot. Salamat kay Anton at ligtas ang kotse ko, buti at siya ang nakakita, kong iba pa yon malamang sa malamang tinakbi natong kotse ko. Knowing people, madalang nalang ang mapapagkatiwalaan mo!
I was about to start the makina ng may kumatok sa window ng kotse ko at hindi ko makita kong sino dahil tuwid itong nakatayo.
"Yes?" Sabi ko pagkababa ko ng window.
"Come with me. Now!" Kong makautos naman to! Akala mo kong sino!
" may trabaho ako." Sabi kolang at inandar na ang makina pero agad na naglakad siya sa harap ng kotse.
"Umalis ka dyan!" Sigaw ko at umiling lang siya habang naka cross arm pa.
"Ayaw mo ah." Pinatakbo ko ito ng kaunti at napaatras siya.
"Sasagasaan mo talaga ako?" Hindi niya makapaniwalang tanong.
"MALAMANG! Ano ba dapat ang ginagawa sa taong nasa harap ng papaalis na kotse? Ha?" Nanggigigil talaga ako sa.. nakooo!
"Okey. Please kae, come with me... please?" Magkadikit naman ang palad niya habang sinasabi niya yon.
Pinatay ko ang makina at sinarado ang bintana ng kotse tsaka lumabas.
"Ano pang ginagawa mo diyan?" Nakataas kong kilay na sabi.
"Tangina, under ako." Bulong niya pero hindi ko narinig.
"May sinasabi ka?" Ngumiti naman siya at umiling tsaka giniya ako sa kotse niya na katabi ng ng pinagparkingan ko.
Nandito kami ngayon sa bahay niya at magbibihis pa daw siya.
"And.. kae?" Napatingin naman ako sa kanya.
"Bakit?" Nakita ko siyang nagaalangan kong sasabihin niya ba o hindi.
"Bukas mo na lang sabihin, okey lang ako dito. Take your time " I said sarcasmly.
"Sorry. Kasi may family gathering ngayon sa bahay namin and they say every couple should wear couple dress or shirt. Kaya..." ahhh yon naman pala! Ano naman ang kinahihiya niya don?
"Yun lang naman pala, akala ko bukas mo pa sasabihin eh. So saan na ang susuotin natin?" Ngumiti naman siya.
"Come on." Sabay kaming umakyat sa taas at maghintay ako sa labas ng kwarto niya.
"Here, take your time changing.." I just answer him a smile at pumasok na sa katabing kwarto.
It's a gray cultured shirt and a tattered black pants then white vans shoes. Hindi niya naman pinaghandaan no?
I decided to ponytail my hair, kasi nakalugay kanina. Ng matapos na ako agad na lumabas na ako para sa baba ko nalang siya hintayin kong hindi pa siya tapos. Pero hahakbang na sana ako ng makita ko siya sa dulo ng hagdan na nakatayo na parang hinihintay ako.
Why so pogi?
He then smiled to me at bumaba na ako.
"Ano? Pasado naba maging misis mo?" Tanong ko ng makaharap ko na siya.
"Pasadong-pasado."
"Pwedeng selfie? Dapat maganda ha? Dyan, dyan. Seat there tapos sa gitna ako ng hita mo..." ginawa niya naman. May whole body merror kasi sa harap namin kaya magandang kumuha ng picture.
"Pahiram narin ng phone." Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod at hinalikan ang ulo ko, hindi ko nalang pinahalata. Naiilang naman na tumayo ako.
(Dress nila tsaka yong selfie ^_^)
"Cellphone mo oh," at una na akong naglakad palabas.
***
We arrived at exact nine in the morning sa bahay nila at sabi niya sakin mostly na nandito side ng mom niya pero meron ding side ng papa niya.
"Hi mom." Nag beso sila tsak sunod naman ako.
"Hello po tito." Nginitian naman ako ng mama niya.
"Hello and hi my son and to you dear, maya-maya lang darating na ang uncle and tita mo Anton." Ang kwento kasi sakin ni Tony eh, kinasal ang uncle niya sa states eh dahil biglaan daw ang kasal yong iba nilang kamag-anak hindi nakapunta kaya nag Family gathering nalang sila para e celebrate ang bagong kasal.
"Okey mom, hahanap lang kami ng seat.." tumango lang ang mommy niya at naglakad na kami. Tama nga ang sabi niya, malalaman mo talaga pag mag couple dahil naka couple shirt ang lahat katulad namin pero magkakaiba ang designs. Soooo, walang bawian ng partners. Haha!
"Insan, siya na ba?" tumigil naman kami ng salubungin kami ng pinsan niya siguro dahil 'insan' ang tawag sa kanya.
"Yeah," nag bro hug pa sila.
"Ahm, honey? This is Francisco.." pakilala ni Tony.
"Eh Francis mo naman insan, lakas maka pang matanda eh!" Reklamo ng pinsan niya kaya natawa ako.
"Nice to meet you Francis, I'm Mikaela Dilreal.." at nakipag kamay ako sa kanya tsaka ngumiti siya.
"Tama na yan. Ayaw mo pang bitawan.." reklamo naman din ni Tony.
"Haha, Tumigil ka woy! May asawa na ako, Asan na ba yon?" Nagpaalam naman siya para hanapin ang asawa niya. Sira!
"Ang ganda lang no? Dahil nagkakaisa kayo magkakapamilya kahit na hectic ang time nyo, kahit sobrang busy nyo na, naglalaan parin kayo ng time para sa mga ganito, yong Family Gathering.." maninimula ko pa, habang umuupo na kami.
"Well, it's the rule of the family, Always have a time to the family especially pag Family gathering na ang usapan, humanda ka nalang kong hindi ka makadalo." Ngumiti naman ako sa sinabi niya.
"Sana lahat..." bulong ko at biglang lumambot ang ekspresyon niya.
"Don't worry. I am here," sabi niya at pinasandal ako sa balikat niya.
"Hi my dear!" Napatingin naman ako sa babaeng nasa harap namin ngayon!
Bailyn.