CHASING MY PROFESSOR EPISODE 19 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. “Arthur, bawal kang umalis dito sa tabi ko, okay? Dito ka lang!” Napa Kamot sa kanyang ulo si Arthur at walang magawa kundi ang sundin ang aking utos. Binayaran ko na ang buo niyang oras kaya pwede na siyang hindi magtrabaho ngayon. Kailangan ko lang talaga muna ng kasama ngayon habang papunta dito si Gabriel. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako sa mga mangyayari ngayon. Alam ko na galit si Gabriel dahil sinigawan niya ako. Bakit ko ba kasi siya tinawagan? Ang bobo ko talaga! “Ma’am Lucianna, bakit ka ba pupuntahan ng professor niyo? Gabi na at hindi na ito oras ng klase. Close ba kayo ng professor niyo?” tanong sa akin ni Arthur. Nako! Kung hindi lang siya pogi at mabait ay kanina ko pa siya kinurot sa tagiliran eh dah

