CHASING MY PROFESSOR EPISODE 14 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. “Lucianna, hindi ako makapaniwala na pinapansin mo na ako ngayon. Akala ko ay hindi mo na talaga ako papansinin, kailangan ko lang pala talagang maghintay sa tamang panahon para mangyari ito.” Hindi ko mapigilan na mapangiwi nang sabihin iyon ng aking kaklase na si Adrian. Iba-iba ang mga nagiging mga kaklase ko sa aking mga subjects, pero si Adrian lang ata ang kaklase ko na kaklase ko sa lahat ng subjects. Ilang ulit niya akong kinausap at kinaibigan pero hindi ko siya pinapansin kasi hindi naman ako nandito sa university para maghanap ng kaibigan eh. Nandito ako para kay Gabriel at ayokong makita niya ako na may kasama na ibang lalaki. Pero ngayon ay wala akong choice kundi ang kausapin si Adrian at lapitan dahil meron kami

