CHASING MY PROFESSOR EPISODE 12 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. “Lucianna, diba sa harapan ka nakaupo palagi? Bakit nandito ka na sa likod ngayon?” takang tanong ng aking kaklase. Napakagat ako sa aking labi at nag isip ako kung ano ang aking idadahilan kung bakit ako lumipat ngayon ng upuan sa likuran. “Uhm, kasi… uhm… feel ko lang muna na dito ako sa likuran. Wala naman tayong seating arrangement eh. Okay lang naman siguro kung dito ako umupo sa tabi mo, diba? Hindi ka naman siguro magagalit sa akin,” sabi ko sa aking kaklase na hindi ko alam ang pangalan o apelyido man lang. Ngumiti naman ito at tumango. “Okay lang naman, Lucianna. ‘Wag ka lang masyadong maingay dahil hindi ako makapag focus sa klase eh,” sambit nito. Tumango naman ako at inayos na ang aking sarili dito sa aking inuup

