Church
"Aalis ka na? Mamaya na, sabay na tayo."
Umahon ako sa pool at hindi nakinig saka inabot ang roba na nakalapag sa recliner at ginamit ang dulo nito upang pamunas sa basa kong buhok habang nakatingin kay Zera na ayaw pang umahon doon.
"Hapon na at lumalamig na din."
Nagpatuloy ako sa pagtutuyo ng buhok at nang wala nang tumutulo doon ay ipinalibot ko iyon sa sarili.
"You just got back last week, Ate Aina at wala pa naman si Kuya."
Pinanood ko lang si Zera doon, ayaw pang umahon. Nauna kasi ako dito at medyo late na ng dumating ito. Mas bata siya sa akin, I'm 17 and she's just turning 16.
Nakilala ko ito dahil kababata ko ang mga pinsan at ang mga kapatid nito. Mas napalapit lang kami dahil sa pareho naming hilig sa arts.
"And besides, hindi ko na maalala kung kailan ako huling napadpad dito."
Naiiling akong tumayo saka lumapit doon sa gilid ng pool at umupo, tanging ang mga paa ko lamang ang nasa tubig at naglalaro doon.
Narito kami sa isang hotel uptown at napag-usapang magswimming. Kasama namin ang iba pa niyang mga pinsan at ang ilang mga kaibigan ko ngunit nauna na ang mga itong umalis dahil hinihintay pa namin ang sundo niya at doon din ako sasabay dahil sa parehong subdivision lang naman kami.
"Lumalamig na, pagagalitan ka ng mga kapatid mo."
Nagkibit balikat lang ito saka umiling habang iginagalaw pa rin ang mga paa at kamay, pinapalutang ang sarili sa tubig.
"It's alright if it's Kuya Primo."
Nailing ako sa sinabi nito. Then I looked at her flatly.
"And if it's Charley?"
May ngiti sa labi itong lumingon sa akin saka nagtaas ng kilay. Nagsalubong naman ang mga kilay ko sa kaniya.
"Then that's great, magkikita na ulit kayo."
I snorted out at what she said then she just grinned and laughed at me afterwards. Noong nakaraang linggo lamang ako nakabalik ng bansa, nagkaroon kasi ng problema si Dad sa business at kinailangan naming umuwi ng Pilipinas. Halos tatlong taon din akong namalagi sa Canada.
At kahit ayaw ko ay wala akong nagawa nang mapagpasiyahan nyang dito ko na ipagpatuloy ang senior ko.
"Hapon na, Zeraphine."
Sabay kaming napalingon sa nagsalita at nadatnang palapit sa amin ang nakatatanda niyang kapatid.
Inalis ni Primo ang magkabilang earphone nito sa tainga saka humito doon sa gilid malapit sa amin. Tumayo naman ako upang lumapit doon.
"Ang tagal mo." reklamo ko saka kinuha ang bag sa recliner nang makitang umahon na si Zera.
"Hey, a*s. Hindi mo kasama si Kuya Charley?"
Tanong ni Zera sa nakatatandang kapatid na nakaupo ngayon sa recliner at mukhang pagod. Galing siguro ito sa isang photoshoot.
Primo is an idol, singer and model to be exact. Magkaedad lang kami at magkababata.
"Siya ang inutusan ni Mommy pero hindi pa nakakabalik mula nang umalis." nagkibit balikat ito saka nailing, "May date iyon ngayong araw, e. Iyong nireto ni Harper noong nakaraan."
I didn't expect that jerk to grow up and became an asshole in those past years. Hindi iyon ganon dati, sa kaniya ako pinakamalapit noon at kilalang kilala ko ang gagong 'yon.
"Magbibihis lang kami." paalam ko saka binalingan si Zera,
"Let's go, Zera."
Nauuna si Zera at nakasunod ako dito habang naglalakad patungo sa restroom. Sabay kaming pumasok at ang magkatabing cubicle ang pinili.
"Ang swerte naman ni Elise, nakadate niya iyong grade 11 na sikat sa block nila."
May pumasok na tatlong babae at kahit na walang interes ay walang magawa kundi ang marinig ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Si Montefalcon? Iyong ex nitong si Selene?"
"Hindi si Harper, sobrang babaero naman iyon, e, at saka hindi na iyon grade 11."
"Tumigil nga kayo, ilang taon na rin naman baka nagbago na 'yong tao."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi ng isang babae. I don't like prying into other person's business but I can't help but to snort out at what she said. Dahil gago naman talaga ang isang 'yon. That guy they are talking about is the selfish, liar and asshole childhood friend of mine.
"Tigilan mo nga, Selene. At saka ang tinutukoy ko ay 'yong pinsan niya, si Charley."
Tumigil ang mga ito sa pag-uusap dahil sa malakas na pagdabog mula sa katabi kong cubicle. Binilisan ko ang pagbibihis nang mapagtantong si Zera iyon.
"Zera—"Hindi ka pa tapos, Ate?"
May kumatok sa pinto ng cubicle kung nasaan ako, binuksan ko iyon at kaagad na lumabas dahil sa pag-aalala. What happened?
"You alright? What happened?"
Napansin ko ang tatlong pares ng mga mata na nakamasid sa amin at hindi nakatakas sa akin ang pag-ikot ng mga mata ni Zera sa mga ito bago bumaling sa akin.
"Let's go, Ate."
Tumango lang ako saka sumunod na dito palabas. Nang makarating sa labas at kasalukuyan nang naglalakad patungo sa parking lot kung saan naghihintay si Primo sa amin ay bigla na lang itong nagpapadyak at nasa mukha ang iritasyon.
"I went here dahil nakakasawa ang mga gossips tungkol sa mga pinsan ko tapos ay meron din pa la kahit dito."
Hindi ko mapigilan ang mahinang matawa habang pinagmamasdan ito.
"Hindi ka pa nasanay, si Primo lang naman iyong medyo ilap sa babae."
Pinanood ko itong lalong sumimangot habang naglalakad kami. Zeraphine's almost as tall as me, her body is curvy at bumagay iyon sa maldita niyang mukha. Her brown hair that's flowing at her back was added to make her resting b***h face stand out.
"Patago lang iyong si Kuya Primo kung lumandi."
Bumuga ito ng hangin na nagpaangat sa mumunting bangs na tumatabing sa noo niya.
"I don't even wanna start with my other brother, masyadong maraming naloloko sa suot na salamin."
Seems like a lot happened while I'm away in those three years. Wala din naman kasi akong gaanong balita sa kanila ngunit nang bumalik naman ako ay gaya pa rin ng dati ang iba.
"May hotel naman tayo, bakit dito niyo pa gusto?"
Naiiling si Primo nang makarating kami sa sasakyan nito kung saan ay naroon ito at nakasandal habang naghihintay.
"Mas malapit dito at konti lang ang pumupunta, Kuya and besides, ayaw kong makita ang mga babae ni Kuya Charley at ng mga gago, mga feeling close."
Nasa boses ni Zeraphine ang iritasyon na tinawanan lang ni Primo habang ako ay naiiling lang habang nakikinig sa mga ito.
Sumabay ako sa kanila at dahil mauuna ang bahay namin sa kanila ay ibinaba nila ako doon. Kumaway ako kay Zera na ibinaba pa ang bintana ng sasakyan upang muling magpaalam sa akin nang makababa ako.
"Tomorrow, Ate. Sa church."
Ngumiti ako. "See you!"
Nang makaalis na ang mga ito ay tumalikod na din ako saka binuksan ang hindi kataasan naming gate saka pumasok sa loob.
"Dad, I'm home!"
I announced my presence and just put my bag at the couch, nagtungo ako sa kusina nang hindi madatnan si Daddy sa living room at wala din ito sa study niya.
"Dad,"
Lumapit ako dito nang madatnan itong nagluluto sa kusina upang humalik sa pisngi niya.
"Welcome home, Shekhaina Eve."
Umupo ako sa stool sa island counter saka ito pinanood habang kumakain ng oranges.
"Nanggaling ako kina Messiah kanina, Amethyst's asking for you."
Tumango ako sa sinabi nito habang kumakain pa rin ng oranges. Kaibigan ni Daddy si Attorney Messiah, ito ang humawak sa annulment nila ni Mommy at dahil malapit ang mga ito ay naging kaibigan ko din ang anak ni Attorney at dahil na din sa madalas kaming magkasama sa mga pagtitipon.
"Maybe I'll call her later,"
Tumango lang si Daddy at nagpatuloy na sa pagluluto. Nang matapos ay tinulungan ko ito sa pag-aayos ng mesa at sabay kaming naghapunan.
"How's your girl bonding with your friends?"
Nilunok ko muna ang nginunguyang pagkain bago nag-angat ng tingin kay Daddy nang may ngiti sa labi.
"It was amazing, Dad."
I started telling him how my day went and he just listened to me attentively, sharing his reactions and opinions.
Ganon ang naging daloy ang hapunan namin hanggang sa matapos kami. Ako ang nagpresintang maghugas ng mga ginamit habang si Dad ay nagtungo sa office niya upang i-finalize ang ilang papers.
"As far as the east is from the west, so far has he removed our transgressions from us."
Muling napadpad ang kamay ko bibig nang muli akong humikab. Hindi ko alam kung pang-ilan ko na 'to ngunit namamasa na ang gilid ng mga mata ko dahil sa antok.
"Stop that already, Shekhaina nagmimisa pa si father."
Natatawang saway sa akin ni Amethyst na bahagya pa akong siniko. Ilang beses kong ikinurap ang mga mata bago siya nilingon.
"It's really not a good idea to be here, Thyst." mababa ang boses na sabi ko.
Tinawanan lang ako nito habang naiiling saka ako sinabihang makinig na lang at huwag matulog. Matatapos na din naman ang misa kaya't pinagtiisan ko na.
Kasama ko sa isang pahabang upuan na kahoy si Dad at ang pamilya ng kaibigan niyang si Attorney Eleazar, ang ama ni Amethyst.
I roamed my eyes around out of boredom and then I found someone who accidentally met my gaze. Hindi ako nag-iwas ng tingin at nilabanan lamang ang mga mata nito.
Nasa kabilang hanay ito ng mga upuan at tila mga kaibigan ang kasama. Mukhang may tinignan lang sa likuran nang mapako sa akin.
I tilted my head a little and then fluttered my eyes once before glancing at Amethyst who said something, I just nodded at her and run my fingers through my hair before turning my gaze back at those eyes I left.
Mataman ako nitong tinititigan gamit ang blangkong mga mata. Then slowly, he smiled, showing those not so deep dimples in his cheeks.
Gusto kong mag-iwas ng tingin ngunit sa huli ay wala ding nagawa kundi ang ngumiti ng tipid dito. I'm the one who started this after all at hindi ako snob na tao.
I want a peaceful life without any boys involved ngunit heto nga at mukhang may mabibiktima na naman. I do avoid relationships at kung mayroon mang pagkakataong makapasok ay hindi din nagseseryoso.
Kahit na sa Cadana ay ganon ako ngunit madami pa rin naman ang nakikipaglaro.
"Peace be with you."
Siniko ako ni Amethyst at napatayo ako nang mapansing tapos na ang misa. Humarap ako kay Daddy nang may ngiti saka humalik sa pisngi nito.
Lumapit din ako kay Attorney at nakipagkamay at humalik naman sa pisngi ng asawa nito. Tumango din at ngumiti sa ilang mga kakilalang lumalapit.
"Nakita ko 'yon, ah, Shekhaina you just got back!"
Nanlalaki ang mga mata ni Amethyst sa akin na tinawanan ko lang. Nailing lang ito sa akin at nangiti na din.
"Aksidente lang naman iyon, I'm just bored that's why." natatawang paliwanag ko.
She snorted out ngunit nasa mga labi pa rin ang ngiti. Amethyst is beautiful alright, magkasing tangkad lang kami and she has this not so short wavy black hair while I have a long straight black one.
"Hindi sinasadya ngunit napako ang mga mata sa isa't isa at nagngingitian pa."
Nagkibit balikat lang ako saka mahinang natawa. Naroon na sa ibang kakilala ang mga magulang namin at nakikipag-usap.
"Tignan mo, palapit na."
Nailing ako kay Amethyst saka bumaling sa itinuro niya. Lihim akong nailing sa sarili nang mapansing naglalakad na papunta sa kinaroroonan ko iyong lalaki kanina.
We'll he's not a bad catch naman, he's actually like on my type. Matangkad, gwapo at marunong magdala ng sarili. Let's see about the manners.
He's staring at me the whole time habang ako ay nilabanan iyon. Getting a friend in a church isn't a bad thing, right? Friends lang naman.
"Ate Aina!"
Nawala ito sa paningin ko at napalitan iyon ng nakangiting mukha ni Zera. Ngumiti ako sa kaniya at lumapit.
"Hindi kita nakita kanina,"
"Late na noong dumating kami ni Dad at mukhang maaga kayo." Paliwanag ko.
"It's alright, nahanap naman kita."
Inaya ako nitong pumunta sa banda kung nasaan ang mga pinsan niya at nagpagiya lamang ako matapos magpaalam kay Amethyst na ayaw sumama at nagtungo sa ilang mga kakilala.
"Aina!"
Malaki ang ngiti na sinalubong ako ng yakap ng pinsan ni Zera na si Zebby na siyang unang nakapansin sa amin. Tumugon ako dito nang may ngiti din.
"Wala ka kahapon." sabi ko nang magbitiw.
"Something came up."
Tumango lang ako saka nagtungo na sa banda kung nasaan ang mga kababata ko na nagtatawanan habang may pinag-uusapan.
"Woah, woah, so totoo nga." si Lee ang unang lumapit at yumakap sa akin saka nangamusta.
"Lalong gumaganda ah, mas maganda na sa umaga."
Inikutan ko lang ng mata ang pagbibiro ni Reid, Gabi kasi ang tawag nito sa akin dahil sa second name kong Eve.
Lumapit na din ang iba pati ang mga babae nilang kaibigan. Nagkamustahan lang at syempre hindi mawawala ng mga kantyawan lalo na sa mga siraulo. Talk about particular girls never left the conversation.
"Nagkita na kayo?"
Nag-angat ako ng tingin kay Harper na inakbayan ako. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Sino?"
Ngumisi lang ito saka itinuro ang banda ng pasilyo patungo sa altar. Tinignan ko ang itinuturo niya at nailing saka walang ingay na natawa.
I took a step and walked until I reached the path, huminto ako doon at pinakatitigan lamang ito, hinihintay na makarating sa gawi ko. Mukhang may pinuntahan doon sa unahan at ngayo'y pabalik na.
He's wearing his usual dark faded jeans, long sleeves button ups and his favorite sneakers. He's still wearing those glasses ngunit hindi nabawasan ang dating.
Hindi ko mapigilan ang lihim na mapaikot ng mata, ang gagong Charley na 'to bakit naging ganito?
Huminto ito sa paglalakad nang mapansin ang presensya ko sa pasilyong tinatahak. Nakapamulsa ito at walang mababasang emosyon sa mukha.
I gave him the usual sweet smile and in exchanged, he gave me his usual frown. Mahina akong natawa saka iginalaw ang mga binti upang maglakad patungo sa kaniya.
I was holding the strap of my sling bag, still smiling from ear to ear while taking my steps towards him. Lagi na lang akong naglalakad patungo sa lalaking ito, at hindi manlang gumalaw doon upang salubungin ako.
"I'm back!"
Kumaway ako sa harapan nito nang may malaking ngiti sa labi habang lalo namang lumalim ang gatla sa noo nito habang nakatingin sa akin. Then he sighed and nodded his head.
"I see. Welcome back, Shekhaina Eve." walang kabuhay buhay ang mukha at boses nito.
Napanguso ako saka bahagyang itinulak ang balikat niya.
"Aren't you happy to see me?"
"Kailan ka pa nakabalik?"
Napanguso ako nang sagutin din nito ng katanungan ang tanong ko.
"Last week?" nagkibit balikat ako.
Muli nanamang nagsalubong ang mga kilay nito. He didn't even smile when he saw me, so grumpy.
"Isang linggo ka nang narito ngunit ngayon lang nagpakita." puno ng sarkasmong sabi nito habang tumatango, "Kung wala ka dito ay hindi ko pa malalaman."
Muli akong natawa dito saka lumapit pa lalo sa kaniya, he became far more taller, his teenage features doesn't seem like a teenage. Napansin ko din ang paglaki ng katawan niya, iyong hindi kalakihang muscles na wala noon ay mayroon na ngayon.
"Hindi ko naman alam na kailangan ay ipaalam ko sayo."
He slightly titled his head and then smiled bitterly at me.
"Oh right, bakit ba nakalimutan ko."
Mapakla itong natawa sa sinabi na ikinatigil ko. So he's still at it, but it's been three years. Dapat ay wala na iyon sa kaniya.
"Shekhaina Eve!"
Lumingon ako sa tumawag sa akin at nadatnan doon si Daddy na sinisenyasan akong lumapit dito, may ilang mga kasama din ito na hindi ko kilala. Maybe some relatives or friends again, magpapakilala na naman.
Tumango lang ako dito bago humarap muli kay Charley. I smiled at him, more like grinning.
"Nagtatampo ka ba, Montefalcon?"
Lalong nagsalubong ang kilay nito na ikinatawa kong muli. I reached for his hair and messed it up, tulad ng lagi ko ginagawa.
"Stop it, Shekhaina Eve."
Masama ang mukha nito na hinawakan ang pulsuan ko upang ilayo sa buhok niya.
Since when did he styled his slightly long hair undercut, anyway? Bagay ito sa kaniya ngunit kasama ng salaming suot ay tila naging mas matinik lalo na sa mga babae ang dating.
"Tampo, tampo para kang gago, Charley."
Muli akong tinawag ni Daddy kaya't muli akong lumingon doon bago binalingan si Charley.
"I need to go now, catch up with you later."
Tinapik ko lang ito sa balikat at hindi na hinintay na makapagsalita saka naglakad papunta kay Daddy at sa mga kasama nito.
"Dad, sorry it's Charley." sabi ko nang makalapit kay Daddy.
"It's alright."
Iginiya niya ako paharap sa mga kasama at pinakakilala sa mga ito isa isa. I found out that they are Daddy's colleagues, iyong iba ay college at iyong iba ay business.
"You're very pretty, hija bagay kayo ng anak ko."
Nahihiya lamang ako ngumiti kay Mrs. Yap na tinawag ang anak, they are a half blood Chinese family.
"Ali!"
Napabaling ako sa gawi kung saan ay may sinenyasan itong lumapit ngunit hindi din iyon nakita dahil napunta sa cellphone na hawak ko ang mga mata.
"Shekhaina Eve, this is my son."
Muli kong itinaob ang cellphone at nag-angat ng tingin.
"Hi. I'm Shekhaina Eve."
Sanay na ako sa ganitong sitwasyon dahil kilala din si Dad at maraming kakilala.
"Alistair. Just Ali." tinanggap nito ang kamay ko at kapagkuwan ay natigilan, "It's you, iyong nakaupo doon kanina."
Nilingon ko ang itinuro niya bago bumalik ang tingin dito. Ilang sandali ko itong pinakatitigan hanggang sa mapagtanto kung sino ito.
"Oh, yes. Ako nga."
Alistair is a Chinese, half, but he's not chinky, ganon kay Mrs. Yap ang mga mata nito. Hindi mo mapaghahalataang chinese dahil sa malalalim na mga mata at ang filipino features nito na nangingibabaw.
"Lalapitan sana kita kanina, but, uhm, your friend showed up,"
My lips parted remembering it.
"Oh, ahm, naroon kasi sa ibang banda ang mga kaibigan namin."
"I see."
Ngumiti ito saka pinagtikom ang mga labi, ilang sandali ay nagpakawala ito ng hininga at mahinang natawa habang naiiling.
"May problema ba?" I chuckled to make it lighter.
He seems awkward, nahihiya yata. Lumalabas ang mga butas nito sa pisngi at hindi ko mapigilang mapatingin doon. I love dimples alright, I find it cute.
Nag-iwas ito ng tingin sa akin, naglalaro pa rin ang ngiti sa mga labi. Then he run his fingers through his messy quiff hair before looking back at me.
"Are you free?"
Tanong nito na lihim kong ikinataas ng kilay. He's fast.
"After church I mean." dagdag nito na binasa pa ang pang-ibabang labi, "Nagkayayaang magsine kasama ang mga kaibigan, uhm, wanna join?"
Napakagat ako sa pang-ibabang labi saka umiling.
"I would love to but I have some other plans with my friends."
Itinuro ko ang gawi kung nasaan ang mga Montefalcon at ang ibang mga kaibigan. Nakapagplano na kasi kami nila Zera sa hotel nila after dito sa church for lunch and swimming ulit until dinner.
"You're friends with the Montefalcon, I see."
Tumango lang ako. Hindi na ako nagtaka nang mapag-alamang kilala nito ang mga itinuro ko. Montefalcon is known for a big and influential family, they also owned a Business Empire.
"So, maybe next time?"
Nag-isip ako sandali bago tumango. "Next time then."
Bumaba ang mga mata ko sa cellphone nang magvibrate iyon. I forgot to read the text a while ago noong makalapit si Ali.
Zeraphine M.
Aalis na tayo, Ate
Nagtipa ako ng mensahe para dito bago itinaob ang cellphone at humarap kay Ali. I wetted my lips and then smiled.
"Ahm, I need to go." bahagya kong itinuro ang pinto ng church, "Aalis na kami ng friends ko, e."
Tumango ito at inilabas ang isang kamay mula sa bulsa at pabirong kumaway na tinawanan ko lang.
"Ingat. Let's hangout at some other time."
Tumango ako at ngumiti bago tumalikod at naglakad palapit kay Daddy upang magpaalam na aalis na ako. I already told him about today's plan pero nagpaalam pa rin in case na hanapin niya ako.
"Take care."
Humalik ako sa pisngi ni Daddy bago naglakad palabas, hindi naman ako nahirapang hanapin sina Zera dahil nasa malapit lang ang mga ito sa simbahan at naghihintay.
"I saw you talking to a guy."
Pabiro akong siniko ni Zebby nang makalapit sa kanila, tinawanan ko lang ito.
"Sino 'yon?"
Nakiusyo na din ang iba na tinawanan ko lang habang naiiling saka napatingin sa maraming naglalabasang mga tao.
"Marami palang nagsisimba dito."
Bahagya akong napalingon sa labasan at aksidenteng nagtama ang mga mata namin ni Ali na palabas palang kasama ang sa tingin ko ay mga kaibigan.
Ngumiti ito sa akin at bahagyang kumaway, sinuklian ko ang ngiti niya nang walang ingay na tawa saka tumango dito bago bumaling sa mga kasama ko.
"Ohmygod! That's Alistair Yap."
Napalingon ako kay Zera na siyang nagsalita. Do they know Ali?
Parang nasa tono kasi ni Zeraphine ang bahagyang pagkamuhi dito, or maybe it's just my imagination.
"Yap? Ah, 'yong half Chinise na varsity at top student ng Lazare." si Lee iyon na tumatango pa.
"Iyong intsik na hindi singkit."
Inikutan ko lang ng mata ang nakisabad na si Charley dahil sa sinabi niya.
"Nanliligaw ba?"
Umiling ako sa tanong ni Croissant. "We just met."
"Kung manliligaw, may pag-asa ba?"
Nagkibit balikat ako at biglang pumasok si Alistair sa isip. Well, he's my type and a good catch naman. Plus the manners and, alright the dimples.
I licked my lips before smirking at them who's waiting for my answer. Walang ingay akong natawa.
"We'll see,"