Wala na akong ibang maisip na puntahan kundi si Don Santillan. Tutal sa kanya naman ako may malaking pagkakautang at siya rin naman ang ilang beses nang nag-alok sa ‘kin ng trabaho at siguro panahon na para tanggapin ko ito. May bubong na akong masisilungan, magkakaroon pa ako ng trabaho at magagawa ko siyang mabayaran kapalit ng pagtratrabaho ko para sa kanya. Alam kong matagal bago ko mabayaran nang buo ang pagkakautang ko sa kanya at baka nga abutin pa ito nang ilang taon, pero ayos lang. Sana lang pagdating ko sa bahay niya, bukas pa rin ‘yung alok niya sa ‘kin na trabaho, kasi kung hindi, ‘di ko na alam kung saan pa ako pupunta. Baka magpagala-gala ako nito sa kalsada o baka bumalik ako kay Ate Aida para magmakaawa na tanggapin ako uli. “Pasok ka, Leeanne. Medyo abala kami ngayon d

