Nakatingala ako sa langit habang pinagmamasdan ang mga fireworks na sunod-sunod na sinindihan ni Kuya Dado. Pati sa mga kapitbahay namin ay may mga fireworks din. Nagliwanag ang langit nang dahil dito. Napangiti ako. Ilang minuto na lang Bagong Taon na naman. Matatapos na ang buwan na gusto kong tanggalin sa kalendaryo. Sa tatlongpu’t isang araw sa buwan na ‘to, isang araw lang ang gusto ko. ‘Yung araw ng anniversary namin ni Gavin. Kanina pa ako nabati ng Happy New Year ni Gavin at sigurado akong abala siya ngayon dahil may New Year’s party daw sa bahay nila, kasama ang buong pamilya niya. Lahat ng mga tito, tita, lolo, lola at mga pinsan niya ay naroon. Hindi nga lang daw niya ine-expect na darating pati pamilya ni Kelly. Kung pwede nga lang daw, gusto niyang pumunta ako roon, para maip

