Pagkabasa ko ng profile ni sandro nagasumot ko to at saka itinapon ko sa sobrang inis ko sa lalakeng yun , manloloko
Nakalagay sa profile neto na married na eto at meron ng isang anak ,, haaayyy para akong mababaliw , pano bang hindi ko naisip alamin ang profile neto kaya pala ayos lang dito na itago namin ang aming relasyon at hindi naman kame gaanong kadalas lumabas, dahil bihira pa sa patak ng ulan kung yakagin ako neto ng date ,
haaaahh pano niya ako naloko ng anim na buwan ,,, humanda talaga sya sakin , matitikman niya ang galit ng isang sofia alcantara ,
Binalingan ko naman ng tingin si shane , na halatang nabigla at devastated dahil alam niya na sya ang nagpumilit sakin na sagutin ang sandro na yun, pero diko naman eto sisisihin dahil diko rin naman talaga naisip na alamin ang totoong pagkatao neto,
" sofia , i'm sorry ako may kasalanan neto "si shane
" ano bang sinosorry mo dyan , we don't all know kaya wag kang maistress dyan, " pagpapakalma ko dito ,
" what we gonna do now , next week na ang famiy event niyo,"
" diko parin talaga alam"
" haayyyy" shane na Napa buntong hininga na lamang
" sige na buntis, umuwe kana , past 5pm na , you need to rest "
ani ko , at nagbaling naman eto ng tingin sakin na hindi ko mabasa kung anong ekspresyon ng muka neto ngayon, alam niya na hindi ako uuwe sa condo ,
" matulog ka ng maaga ha , lock mo yang pinto, padadalhan kita ng dinner kay alex pag nakaluto ako mamaya " anita shane na alam na alam na ang ugali ko ,
" ok po buntis , ingat ka ha, sarapan mo luto mo , baka sakaling mawala problema ko " pagbibiro ko dito sabay binigyan ko eto ng isang tawa na parang baliw , para di na to magisip pa
" oh sige, lutuin ko paborito mong kaldereta , oh sige na nasa baba na si alex, sige bye, take care ok , see you tomorrow , " paalam neto , tumayo naman ako at lumapit dito at nagbeso ,
Lumabas na eto, ang tunog ng pagsara ng pinto , nagbigay sakin ng lungkot at diko alam kung anong nararamdaman ko ngayon, halo halo na,
Past 8 na , dito parin ako sa office , dito na ako matutulog ngayong gabi , dito ako nagpapalipas ng gabi pag hindi ako ok, sa twing may problema ako, pag sobrang lungkot ng nararamdaman ko , pakiramdam ko kasi kasama ko si daddy pag nandito ako sa hospital, sobra ko na syang namimiss ,
pumunta ako sa may glass window ng office ko , mula dito tanaw ang mga building , mga ordinaryong bahay at mga ilaw na nagmumula dito , habang pinagmamasdan ko ang mga eto ,
diko na namamalayan na unti unti ng tumutulo ang luha ko hanggang sa tuluyan na akong napahagulgul ng iyak,
" aaaaaaaa daddy , anong gagawin ko , how iwish you are here , i miss you so much ,, aaaaaaaa "
" sobrang lungkot ang nararamdaman ko ngayon daddy , gusto na kitang makasama, aaaaaaaaaaaaa"
Napaupo ako sa may sahig dahil parang nakaramdam ako ng matinding panghihina dahil sa matinding emosyon na nararamdaman ko ngayon , ramdam ko na naman ang matinding pangungulila sa aking mga magulang ,,, napakupkup nalang ako sa dalawang hita ko at patuloy na umiyak, naalimpungatan ako ng tumunog ang telephone ko na nasa table , agad akong bumangon at sinagot eto ,
" yes , hello ,, ok , iwan niyo nalang guard sa may pinto , kukunin ko po maya maya ," ayoko kasi na may makita sa muka na ngayon ay namamaga na dahil sa pagiyak ko ,
maya maya pa kinuha ko na sa may pinto ang dinner na pinadala ni shane , buti nalang laging nandyan ang kaibigan ko ,
itinigil ko na ang pagdadrama ko at ibinuhos ko nalang ang nararamdam ko sa pagkain ,,
pagkatapos kong kumaen , inihanda ko na ang sofa at ginawa etong bed , pinilit ko ng matulog ,
KINAUMAGAHAN:
Roberto POV
Habang pinagmamasdan ko si mama , nagiging emosyonal ako , diko alam kong anong gagawin ko kung may nangyareng masama dito,
na kahapon lang ay nasa bingit na ng kamatayan , salamat sa doktor niya ,
" sorry mama, muntikan ka ng mawala sakin dahil sa wala akong pera para sa agarang operasyon mo , pangako ko sayo mama , pag natanggap ako sa korea , ibibigay ko sayo ang maranyang buhay ," sabi ko sa isip ko habang hawak ang kamay ng mama ko at diko na napigilan ang mga luha ko na kanina pang gustong magpakawala,
habang nakatungo ako , nagising na pala si mama ,
" anak , bakit ka umiiyak " si mama na mahina pa ang boses
" aaaahh mama ok na ba pakiramdam mo" tanong ko agad dito at pasimple kong pinunasan ang mga luha ko ,
"ok na ako anak ,parang maalwan na ang pakiramdam ko ngayon"
" ah mabuti ma , sobra akong nagalala sayo kahapon, buti nalang magaling ang doktor na nagopera sayo, "
" teka , san ka nga pala kumuha ng pambayad sa operasyon "
oo nga pala , diko pa ulit ako nakakapunta sa billing section , diko parin talaga alam kung saan ako kukuha ng pambayad , haayy , ubos kasi ang savings namin ni mama dahil sa lake ng nagastos ko sa pagaapplypara makapagtrabaho ako sa korea as a factor worker ,
" dipa ulit ako nakakapunta sa billing section ma , diko parin alam kung magkano ang halaga ng ginawang operasyon sa inyo"
" anak , pasensya kana ,binigyan kita ng malaking problema "
" mama, wag niyo sabihin yan , nakuha mo siguro yan dahil sa pagtatrabaho mo , ako dapat magsorry sayo mama , hayaan mo ma , sigurado naman akong makakaalis ako para makapagtrabaho sa korea "
" anak pwede ka sigurong magbigay muna ng promisory note sa hospital, habang dipa tayo nakakahanap ng pambayad ,"
" mama, ako ng bahala dun ha , wag ka na magisip, kaylangan mo magpalakas "
Tumayo na ako para pumunta sa billing section ng makita kong papunta ang doctor at nurse sa may gawi namin , eto pala yung nagopera sa mama , teka sya yung nakabangga ko kahapon sa may hallway ah , patay doctor pala yn , diko na namukaan sya kahapon dahil sa pangyayare kahapon kay mama , habang palapit na ang mga eto napaatras nman ako dahil iba ang tingin neto sakin ,
SOFIA pov
Oras na ng round namin , pero una kong bibisitahan si nanay na inoperahan ko kahapon, papasok na kame sa ward kung nasaan ang ginang , Agad kong nakita ang lalake na pawang aalis eto dahil nakaharap eto sa sa amin , pero habang papalapit kame panay ang atras neto , siguro natatandaan na niya ako , kaya tininganan ko pa eto ng masama , napapangiti naman ako sa isip ko dahil bakas sa muka neto na paranag may ginawa syang kasalanan , nakalapit na kame at binati ko agad ang ginang na ngayon ay gising na ,
" hello po nay , kamusta na po ang nararamdaman niyo ngayon , " tanong ko dito at nakangiti naman to sakin at maaliwalas na ang awra ng muka ngayon habang ibinaling ko ang tingin ko sa lalake at nakatungo lamang eto , at napansin naman eto ni shane at bumulong sakin
" fia, sya yuing lalakeng bumangga sayo kahapon diba" bulong ni shane
tumango nalang ako
" maayos na ang pakiramdam ko ngayon dok , salamat sa pagdugtong ng buhay ko " ani ng ginang
" responsibilidad ko po yun nanay bilang isang doktor ," sagot ko dito at ginantihan ko eto ng ngiti ,
bumaling naman ako sa nurse na nakaassign dito ,
" kamusta ang blood pressure niya , naibigay niyo na ba ang gamot sa kanya " tanong ko dito
" stable naman po dok lahat , yes po nainject ko na sa kanya "
" ok good, update mo agad ako kung may hindi magandang reaction sa kanya ang dosages ng gamot ha ,"
" yes doc ," nurse
Hhumarap na ulit ako sa ginanag ,
" nay , within 4 days po pwede na kayong madischarge, basta maging ok po laha ng test niyo at walang naging infection ," sabi ko sa ginang , bigla naman naglilim ang muka neto
" ah doc, sa ngayon, po dipa kame nakakahanap ng pera para pambayad sa hospital" ani ginang
" mama , gagawa agad ako ng paraan bago ka madischarge , wag mo ng alalahanin yun ha " ani ng lalake , ang bait na anak siguro neto,
"pero anak , "
" ma, ako ng bahala" pagpipigil neto sa kanyang mama ,
"nay , tama po ang anak niyo , kaylangan niyo na magpahinga para sa fast recovery niyo" ani ko dito at naramdaman ko ang pagbuntong hininga neto ,
" sige na po nay , maground muna kame" paalam ko dito
" sige po doc , salamat po" ang lalake , na hindi halos makatingin sakin ,
" manang parin ba tawag mo sakin ngayon" tanong ko dito , napatingin naman saming dalawa ang mga nurse
" pasensya na po dok , sobra po kasi akong ,nagmamadali kahapon kaya diko po kayo napansin kahapon , tyaka muka po kasi kayong,, ah ibig ko po kasing sabihin dipa po kasi kayo naka white gown kahapon"
nakita ko naman si shane na hirap na sa pagpipigil ng kanyang tawa , dahil sasabihin na naman ata ng lalakeng eto ang salitang manang,ˆ
Umalis nalang ako at iniwan na si shane , nakita ko namang sumunod na ang mga eto