Bullet 40

1362 Words
PERTH DEZRAIL'S POV: "Are you sure you want me as her bodyguard?" tanong ko kay Grei nang papuntahin niya ako sa kanyang opisina - ang Montenegro Empire. "You know how much I like your sister." Hindi lingid sa kaalaman ni Reiden na gusto ko ang kapatid niya at alam kong mahigpit siya pagdating kay Ernaline. "This is all I can do Dezrail. One of these days I will go to Montenegró because those geezers are pissing me off. They want me to be there and if I don't face them, they will snatch my position as the CEO of this empire." "You can build your own empire." suhestiyon ko rito pero matatalim na titig lang ang napala ko. "I will trust my sister to you Fynrell. And I know you will protect her not because I said so but because you love her." Napatingin ako dito. "So, payag ka na ligawan ko ang kapatid mo?" "Should I cut your head?" Inangat ko ang dalawa kong kamay na tila sumusuko. Masyado siyang bato sa ganitong usapan lalo na kung ang kapatid niya ang nakasalalay. He heaves a sigh as he leans his back on his swivel chair. "Do whatever you want Fynrell but promise me you won't hurt her or I will hunt you down even if you hide in the pits of hell." "Tangina mo! Pumayag ka nga pero may pagbabanta naman?" "What can I do? She's my everything and I will do whatever I can just to make her happy. Kapag napaibig mo siya, you can have her and I won't be a hindrance, but if you hurt her I will kill you. Mark my word Fynrell." Dumating ang araw, muli kaming nagharap ni Ernaline when her brother introduce me as her bodyguard. Mukhang walang ideya si Ernaline na ako ang dating lider ng banda na kinabibilangan niya ngayon. Nagpasya akong sumama sa kanya sa condo na tinutuluyan nila na pagmamay-ari ni Senri at alam kong hindi nila magugustuhan ang pagpunta ko. Umalis ako ng walang pasabi, tapos bigla na lang ulit akong magpapakita sa kanila. I know they are mad at me. Nang umakyat si Ernaline patungo sa kanyang kwarto, isang suntok ang bumulaga sa akin. Napaupo ako sa sofa at hinawakan ang panga kong nasaktan. "That's what you get for abandoning us, you asshole." galit na mukha ni Kyle ang bumungad sa akin. Prente akong naupo sa sofa at dumikwatro habang kaharap ko silang lima including Saviel. "I build this band for her so don't blame me. Hindi naman pwedeng magkaroon ng dalawang bokalista ang BlackHand kaya umalis ako." "Nang hindi man lang sinasabi sa amin ang dahilan? Kung hindi lang kita kaibigan, baka napatay na kita." gigil na sagot naman sa akin ni Kaizen. Kaizen, Kyle at Jasper is one of my rarest friends. Nakilala ko sila nang iligtas ko sila sa isang grupo na hindi ko alam na grupo pala ng isang gang. At meron ding grupo sina Kaizen kaya lagi silang napag-iinitan sa undergound. "Just do me a favor dude, don't tell her that you know me. Act as if were strangers to each other because I have a mission to fulfill." "Ang maging bodyguard niya? Hindi lingid sa kaalaman namin ang death threats na natatanggap ni Ashleigh." ani ni Jasper kaya naman napatingin ako dito. "What do you mean by that?" kunot noong tanong ko rito. Bumaling ang paningin nila kay Saviel na agad namang tunalima ang babae at lumapit ito sa isang secret compartment dito sa sala. Isang shoe box ang inilapag ni Sav sa coffee table at binuksan yun. Tumambad sa akin ang mga sobre na puno ng hate letters and death threats. "Who delivered these things?" "Yun ang hindi namin alam." Sagot sa akin ni Sav. "Hindi namin pinaalam kay Ernaline dahil baka sarilinin niya lang at hindi niya sabihin sa amin ang tungkol dito. Actually, si Senri ang tumatanggap nito dahil nakadirekta sa kanya lahat ng concerns sa front desk kaya maaga naming nalaman na merong nagpapadala ng ganitong bagay kay Ernaline." Hindi na ako sumagot pa at nakapagdesisyon na ako na hahanapin ko ang nagpapadala ng ganito kay Ernaline kaya naman kinausap ko siya at binigyan ng kondisyon na sa malayo ako magbabantay sa tuwing may gig sila o mall show. Pero hindi ko inaasahan ang isang pagkakataon na nakapagpagimbal ng buong pagkatao ko. May dumukot kay Ernaline sa mismong teritoryo ko at hindi ko alam kung sino 'yun. Kaya nang makarating kami nina Senri at Saviel sa HuPoFEL, ang galit na mukha ni Grei ang bumungad sa akin. I thought he was in Montenegró. "I trusted you but what have you done?" sigaw sa akin ni Grei nang bigyan niya ako ng malakas na suntok pagkapasok pa lang namin sa loob ng HuPoFEL. Dinaluhan ako ni Sav para sana tulungang makatayo pero agad itong nawala sa tabi ko nang haklitin ito ni Boss sa kanyang braso. Tumingin ako kay Grei nang pigilan ito ni Senri na makalapit sa akin. "I did my job as her bodyguard like what you've asked me to do so but you didn't tell me that she has a lot of death threats delivered through her name every day. How can I fulfill my job if you didn't tell me whose behind those threats?" Natigilan si Grei. "For f*****g sake I don't know who's behind those useless threats but Ocampo called me and told me that she had my sister that's why I talked to Gun and let him fetch me from that filthy country! And I am asking myself what are you doing, why did that f*****g Ocampo get my sister!?" "Ocampo?" "Renal Ocampo, the leader of a boy band named Boys of Creation." sagot naman ni Senri. Hindi ko kilala ang tinutukoy niya. Tumayo ako mula sa sahig at hinarap sila. "Calm down Grei, I will make sure he will pay for this just give me a little bit of time on how should I capture that f*****g rat." NAPAG-ALAMAN kong ang Ocampo na tinutukoy ni Grei ay ang lalaki mismong dumukot kay Ernaline nang humingi ito nang tulong sa amin. Astyr told me about it that the girl we rescued that night was Ernaline though I know she's Reiden Grei's sister. Pero dahil masyadong ukopado ang utak ko noon ay hindi ko pinansin kung sinong tao ang pinapatrabaho sa akin. Kasalukuyan kaming nagkatipon-tipon dito sa loob ng conference room ng HuPoFEL para pag-usapan ang pwede naming gawin para makuha si Ernaline mula kay Renal. "Hinalughog na namin ni Astyr ang property ni Renal pero wala kaming nakuha kahit anong clue." sagot ni Griffin bago sumandal sa kinauupuang silya nito. Kaming tatlo lang ang narito sa conference room nila dahil hindi sila pwede sa taas kung saan naroon ang main office ni Aqueros. May sariling conference room ang HuPoFEL na siyang ginagamit naming Elite Members pero walang ideya si Astyr at Griffin na isa ako sa mga head ng organisasyon. Naihilamos ko ang sarili kong palad sa aking mukha. Bumalik na rin si Reiden Grei sa kanyang kompanya kasama si Kastiel. Hindi ko alam kung bakit magkasama silang dalawa pero uunahin ko muna ang misyon ko bago ang problema ng ibang tao! Nakatitig lang ako sa mga private properties na meron si Ocampo at wala akong ideya kung saan niya dinala si Ernaline. Imposible namang dalhin niya sa ibang bansa si Ernaline dahil wala itong travel history sa loob ng five years bukod sa pagbabanda nito na sa Pilipinas lang naglilibot. Naiangat ko ang paningin ko nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Aqueros dahilan para hindi magkandarapa sa pagtayo mula sa kinauupuan nilang silya sina Astyr at Griffin para magbigay galang sa aming Boss pero agad itong sinenyasan ni Aqueros na huwag na kaya naman agad na naupo ang dalawa na parang tuta. Gaya nga ng sabi ko, he won't let us bow down our heads every time we saw him. Ang dami niyang arte sa buhay. "Do you need something?" usisa ko rito. Napatingin sa akin si Astyr at Griffin na tila nagtataka kung bakit walang pag-galang sa tanong na ibinato ko kay Aqueros pero hindi ko sila pinansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD