Bullet 8

1366 Words
ERNALINE'S POV: "And this is Rent," turo ni Kuya Calvin sa lalaking may hawak ng ipad at abala ito sa sariling mundo kasama ang gadget. "This is Thunder," dugtong pa nito sa katabing lalaki ni Kuya Rent na mukhang baby face. "This is Trev, Cassius, and Gun." pakilala niya sa lahat. "Hello po." magalang na bati ko but those guys landed their gaze on me without uttering a word kaya naman nawala ang ngiti sa labi ko at binalingan ko si Kuya. "They are all my friends, don't worry they won't bite." ani ni Kuya Reiden bago ako nito inakbayan sa balikat. "We're going and you will be coming with me." nabaling ang atensyon namin sa lalaking kausap ni Saviel na muntik ko ng makalimutan ang presensya nilang dalawa. "Gusto ko ng umuwi!" giit ni Saviel na tila naiinis na sa lalaking kausap nito. "Then, we're going home." sagot nito. "Quit arguing with me Hyuga!" "Wow! Ako pa talaga? Bigwasan kita eh. Alis nga dyan!" Naglakad si Saviel at binangga pa nito sa balikat ang lalaking kausap hanggang sa makalabas ito ng pintuan ng opisina ni Kuya. "She's tough." rinig kong komento ni Kuya Thud. "Tough as rock." natatawang sagot naman ni Kuya Gun. Akala ko mga estatwa sila na hindi nagsasalita dahil hindi man lang nila ako kinausap kanina. Ang sasama ng ugali! "Should we eat first?" sambit naman ni Kuya Trev. "Mukha kang pagkain Trevon Dwayne." banat naman ni Kuya Calvin. "Sa nagugutom 'yong tao eh." "Kuya gusto ko din kumain." bulong ko kay Reiden. "Let's go to Trev's restaurant." anyaya ni Kuya Reiden. "Ayon! Dyan kayo magaling, ang yayaman niyo pero puro kayo palibre?" angal ni Kuya Trev. Kuya Gun and Kuya Thud laugh at him. "Kasalanan mo naman kung bakit restaurant ang itinayo mong business. Atleast nakakalibre kami ng pagkain, diba?" "Whatever." Walang nagawa si Kuya Trev nang isa-isang lumabas ang mga kaibigan mula sa opisina ni Kuya Reiden kaya sumunod kami dito. I didn't know that Kuya Reiden knows this amazing people. Habang papunta kami sa elevator, pinagtitinginan kami ng mga empleyado pero binabati pa rin nila kami. Kulang na lang ay dumugin kami since kasama namin si Kuya Senri bilang myembro ng BlackHand na gumagawa ng sariling pangalan sa mundo ng musika. This will be a kind of roller coaster in my life. Meeting Kuya Reiden's friends change my way of life. "Bakit ba kasi kailangan mo pa akong ihatid? Nagsasawa na ako sa pagmumukha mo Kuya." pumadyak ako sa loob ng sasakyan kung saan kami naroon ni Kuya. He decided to go with me at CDC Entertainment before he goes to Montenegro Empire. Kahit weekend, pumapasok si Kuya dahil worry siya na baka mabawasan ang yaman na meron ang Montenegro. "Quit throwing me your tantrum Ashleigh. I can do whatever I want." aniya habang nakahalukipkip sa upuan habang ang phone nito. "Tigilan mo nga ang kapatid mo Reiden Grei," rinig kong sabi ni Mommy mula sa kabilang linya. Tumawag kasi si Dad kaninang umaga to check on us and he's scolding Kuya Reiden when he permits me about entering the showbiz with their names. Malamang isa rin akong Montenegro at gusto kong gumawa ng sariling pangalan; hindi sa larangan ng negosyo kundi sa mundo ng showbiz. "Mommy kasi araw-araw na lang ganito si Kuya. Ni-grounded niya ako ng one week tapos gusto niya pang sumama sa audition ko!?" sumbong ko kay Mommy. "It's his responsibility because he gave you permission without asking us. Malaki ang tiwala namin sa Kuya mo kung paano ka niya alagaan at tratuhin ng maayos, princess." sagot naman ni Daddy. Napanguso ako. "Nakakainis kasi siya." Inilayo ni Kuya ang telepono sa bibig ko at siya na ang kumausap sa parents namin. "I will Dad, don't worry about it. Montenegro Empire is doing fine...yes..yeah, about that? I close the deal and they are willing to start immediately." Napairap na lang ako sa kawalan at humalukipkip sa gilid ng pintuan ng sasakyan. Makalipas ang ilang minuto nakarating na kami sa harapan ng CDC Emtertainment at nakaramdam ako ng kaba ng masilayan ko ang building na matagal ko ng pinapangarap na pasukin. "As what I've told you, Ashleigh--" "Oo na. Paulit-ulit ka eh!" pinutol ko ang sasabihin ni Kuya without minding my manners. Narinig ko pa ang pagsaway ni Dad pero wala akong pakialam since wala naman sila sa tabi namin ni Kuya. "Memorize ko na ang sasabihin mo." dugtong ko pa. "What did I say?" panghahamon niya sa akin. "You told me not to wander around and always stick with Kuya Calvin and Kuya Senri. If something bad happens, I won't hesitate to call you or your friends, and mind you I am not a kid to watch over." "You are still the heiress of Montenegro Empire. I am just stating a precaution for your safety." aniya. "Hindi natin alam ang nasa utak ng mga taong gustong pabagsakin ang kompanya ko." "Di naman ako kasali sa away niyo." "Ashleigh!?" naningkit ang mga mata ni Kuya at may dala itong pagbabanta. Napanguso ako. Umisod ako at niyakap ang braso ni Kuya bago isinandal ang ulo ko sa balikat niya. "Mag-iingat ako, promise. Nandyan naman si Kuya Calvin at Kuya Senri eh." "I will tell them to keep an eye on you while I am not around so don't do something stupid to stain your name." "Ang sama mo!" pinalo ko ang balikat ni Kuya pero hindi man lang ito nag-react na parang walang naramdaman mula sa paghampas ko. "Lumabas ka na nga. Mali-late pa ako sa ginagawa mo eh." tinulak ako ni Kuya palabas ng kotse. "Time is precious. Tse!" sigaw ko rito at pabalibag na sinara ang pinto. Hindi ko nakita ang reaksyon ni Kuya since tinted ang salamin ng kotse. Nagmartsa ako papasok ng CDC Entertainment at maraming tao sa paligid ang nadatnan. Karamihan sa mga ito ay may mga sariling bitbit na instrumento at tulad ko, mukhang sasabak rin sila sa audition since naglabas ng public announcement ang page ng BlackHand na magkakaroon nga ng audition for the vacant position as the main vocalist of the band. Lumapit ako sa recieving area at tinignan ang ginagawa nila. Nagpapasulat sila ng pangalan ng participant kaya naman nakipila na rin ako. "Sa tingin mo matatanggap tayo?" usisa ng isang lalaki na nasa harapan ko sa kausap nito. "Ewan? Masyadong high standard ang banda at puro mayayaman." matabang na wika naman ng lalaki. "Baka nga sumikat sila dahil sa pera." patawang sabi pa nito. Napairap ako sa kawalan. Hindi pera ang ginamit ng BlackHand para sumikat. Their vocalist and leader did his job to reach what is BlackHand right now. Nagsimula rin sila from scratch and dagdag points na lang ang gandang lalaki nila at bilang mayaman sa sosyudad dahil sa koneksyon na meron ang mga ito. Nang ako na ang sumunod na sumulat sa papel, napatingala ang babaeng staff sa akin at kunot-noong nakatingin sa akin. "Montenegro ka?" usisa nito. Napatingin pa sa amin ang ibang staff at auditionee na nasa pila na siyang ipinagtaka ko. "Opo. Bakit po?" "May ibinilin lang si Boss Calvin sa amin." nakangiting wika nito at may iniabot sa akin na isang I.D. "This will be your number for your audition later Miss Montenegro. Huwag niyo pong iwawala ang I.D pass ninyo." Tumango ako sa babae bago tinanggap ang I.D pass na binigay niya sa akin at umalis sa harapan nila. Matapos kong makapag-register, naghanap ako ng pwedeng pagtambayan at may nakita akong isang bakanteng silya malapit sa stage at doon naupo. May mini stage kasi dito sa function hall ng CDC Entertainment at mukhang dito gaganapin ng live ang audition na gagawin nila since may nakita akong sound systems at camera. Tahimik na nakaupo lang ako habang nagba-browse sa Ipad na dala ko. Ipad ito ni Kuya Reiden pero hindi niya naman ginagamit kaya ako ang nakikinabang. Nagbabasa lang ako ng favorite novel ko na Harmony of Bullets nang biglang may tumapik sa akin dahilan para maagaw nito ang atensyon ko. "Sabi ko na nga ba ikaw yong nakita kong bumaba sa sasakyan kanina." wika nito sa akin. "What are you doing here Saviel?" Yes, it was Saviel who approached me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD