Chapter 1: Reasons

3458 Words
Journey "Daddy, where is my Mommy? My classmate told me if I have a daddy, I should have a mommy," I asked innocently. Limang taon ako nang tanungin ko si Dad tungkol sa Mommy. Hindi lang simpleng tanong ito na naghahanap sa magulang na ilang oras wala sa paningin ng isang bata dahil sa kaso ko ay hindi ko matandaan kung kailan ko siya huling nakita. Daddy became silent, away from the noisy and childish kind of father I had. According to my babysitter, I inherited his personality. I never met my mommy. Do I have a mommy like my chubby classmate Teddy? Does she love me like how my daddy loves me? Does she care for me like how my babysitter showers me? Daddy did not give me an answer to my surprise. "What was that?" I uttered to myself. I pout my lips. Perhaps he is not in a good mood. Another night comes; my daddy reads me a bedtime story. He is good at tale-telling. He does not have to hold a storybook. His mind can memorize and work faster. My eyelids are slowly closing; forcing them to remain open is not sufficient. Daddy stops. He checked on my body temperature. I forgot I was sick. My body is still, not moving. I breathed heavily. The little me is half asleep. My senses are still working. I can feel the presence of my daddy watching me, caressing my hair. Isn't he sleepy? It is already past eight. Maybe my babysitter was right; an adult doesn't sleep early; an adult loves to overthink at night. Overthinking won't let your eyes close. You are focused on the ceiling, or worse, she says, "looking like a statue stuck staring at nowhere." By thinking of that, I don't want to get old. It is not healthy for my growth. Sleeping late can't make me taller. When I become a big girl, I will schedule my more than eight hours of nap time, and no one should interrupt me, or else I will tell their names to Daddy. Sobs echoed in my room. Is my daddy crying? Did his playmate break his color pens? Do they steal my daddy's candy? His big hands hug my small hand. What is the water doing here? Is it raining? Are my daddy's hands protecting mine from getting wet? My daddy is sweet. "No matter what happens on this night, you are always my only princess. Your daddy loves you," he whimpered. A kiss was planted on my hand and forehead. Despite my sleepy voice, I answered him, "I love you too, daddy." I heard him respond, "I love you more." before darkness invaded me and my heart. That was the last time my ears captured his voice. If only I knew, I would surely open my eyes and make him carry me until I regained my consciousness. If I could only stop the time from ticking before the years take him away from me. He left permanently without bidding goodbye and telling me why. I was left alone in this small hut together with my babysitter. Night by night, I am not sleeping; I am waiting for my daddy. My innocent mind keeps on telling me he will come home—back to me. One time, my babysitter hugged me. She stabs my vulnerable heart by saying, "I am sorry. Your daddy won't make it home tonight. " Until her words turned to, "Stop crying! He is not going to be back! Stop waiting for him! " I cried all night and for whole days. Days turn into weeks, weeks turn into twelve months, and twelve months turn into six years until I understand my babysitter. He is not coming home anymore. Daddy, did you and Mommy abandon me? MAKALIPAS ANG limang taon simula nang iniwan ako ni daddy ay naging pabago-bago na ang ugali ng Old Lady ko, minsan katulad pa rin siya noong una ko siyang nakilala pero madalas siyang magsungit at minsan ay pinagbuhatan ako ng kamay. Nakikita ko rin siyang umiiyak tuwing gabi habang hawak ang isang larawan. Nais kong hawakan siya at patahanin pero alam kong sisigawan niya ako at papagalitan sa hindi malaman na dahilan. Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung nagsasawa na ba siya sa pag-aalaga sa akin dahil kung oo, bibitawan ko naman siya. Ayaw ko maiwan mag-isa rito pero kakayanin ko. Sasanayin ko na rin ang aking sarili pagkat alam kong darating ang araw na iiwan niya ako. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Inaasahan ko na paparating na si Old Lady galing sa hindi niya sinasabing lugar. Umaalis siya nang tatlong beses sa isang linggo. Umuuwi siya sa gabi pero sa tatlong araw na 'yan maghapon siyang wala. Ang alam ko lang ay may mahalagang tao sa labas ng gubat na ito at mahal niya 'yon. "Magandang gabi, Old–" Nabitin ang sasabihin ko nang may lumabas na batang lalaki sa likod niya. Masama ang tingin sa akin ng bata. Ano ang nagawa ko sa kanya para tingnan niya ako nang ganyan? "Siya ba 'yong umaagaw sa 'yo sa amin, Mama?" pagalit na tanong nito. Hinawakan siya ni Old Lady sa balikat. Mama? Anak ni Old Lady? Hindi niya nabanggit sa akin na may anak siya at pamilya. Ipinakilala siya sa akin ni Old Lady at ganoon din ako. Ang sabi ni Old Lady ay huwag ko na lang pansinin ang mga sinasabi ng batang lalaki. Hindi niya nabanggit sa akin na anak niya ito kaya hindi na rin ako nagtanong pa kahit nga ang pangalan ng bata ay hindi ko alam. Nakiusap din siya kung maaari ay rito muna pansamantalang manunuluyan ang bata. Kailangan niya kasi itong alagaan. Pumayag ako sa pakiusap niya. Inisip ko na baka katulad ko rin ito na wala ng pamilya kaya naman inaalagaan din siya ni Old Lady. Hindi naging madali ang mga nagdaan na araw na kasama namin siya. Lagi siyang nanggugulo sa mga gamit ko, lagi niya akong pinapatid sa tuwing daraanan ko siya. Ang sarap niyang kurutin sa pisngi sa kakulitan, akala ko nga noong una ay mas matanda ako sa kanya, hanggang balikat ko lang kasi ang bata pero magkasing-edad pala kami. Sa bilis ng panahon ay ilang oras na lang ay kaarawan ko na. Kung dati ay masaya at nagagalak ako sa tuwing darating ang okasyon na ito ngayon hindi na. Simula nang hindi na umuwi si daddy ay nagbago na rin ako. Ang bawat tingin ko sa mga bagay na mahalaga sa akin noon ay isa na lang simpleng bagay na lilipas din. Isa sa mga nagbago sa akin ay ang pagtulog; pahirapan na sa akin ipikit ang mga mata. Sa murang edad ko na ito ay puno na ng masasamang bagay ang mga panaginip ko, mga panaginip na dahan-dahan na akong pinapatay. Sa sarap ng panahon at kapaguran sa pagbilang ng tupa ay nahulog ako sa pagkakatulog. Hindi na ako umasa na magandang paraiso ang bubungad sa akin sa panaginip. Nakakalungkot na sa murang edad ko ay marunong na ako tumawa nang mapait at magmura sa isip. I'm inside the circle, surrounded by strangers I've never met before, darting me with their sharp eyes and mocking me with a soulless mouth. My heart is about to explode; I can't handle their uproar. Should I beg for them to stop and leave, or should I get up from sitting on this road and run away from the horrifying catastrophe? If I just could, but I can't. My knees are shaky. No one can give a hand to boost, help, and save me; no one will. Some can, but they choose to be strangers. They can, but they shouldn't. I turned my eyes in the other direction, away from where I am right now. There, I saw my mother. Her face is unclear, but I can see how she smirked at me. Besides her, is my father, looking at me unknowingly. They abandoned me and denied me. I smiled sweetly despite the pain that destroys me. I uttered, "Creep, weirdo, and a cursed child. That is how all of you described me. I've done nothing wrong; why do you loath me? I tried to understand all of you until I lost my count, and I'm tired. I'm already drowsy, yet you don't care, and you'll never dare to take care of me. I know how eager you're to see my cold body, but I'll disappoint you this time. Even though I bathed in my blood and my body weakened as the seconds passed, I am not going to give you satisfaction! I'm not going to die! I'll be the nightmare of every single person you know! You ignited my madness, and you can never run away from my wrath. "Are you all ready to face the angel that once you had, but you turned it into a devil persona? If not, good luck, because a time will come when I'll make you pay for every debt you have to me." I looked down and saw my reflection in the splattered blood on the road. It was all coming from me. The creepiest smile formed on my lips before I came back to the real world. NAGISING AKO sa sakit na dulot nang pagkurot sa pisngi ko ng batang lalaki. Umupo ako sa kama at binigyan ko siya ng ngiti na ikinaatras niya. "Kanina ka pa sumisigaw, alam mo ba 'yon? Umiiyak ka rin! Tapos titingin ka sa akin na parang walang nangyari at ngingiti? You are a creep!" Napatigil ako sa tinawag niya sa akin. "Ano ang sinabi mo?" paglilinaw ko. Nawala na rin ang ngiti na binuo ko sa labi. "Alam mo, Bata. Huwag kang ngumiti nang pilit! Huwag kang ngumiti kung may luha rin naman na pumapatak mula sa mata mo!" sigaw niya sa harap mismo ng mukha ko. "Ano ang…" Napatigil ako sa pagsasalita at napalunok ng laway. "Ibig mong sabihin?" pagpapatuloy ko sa tanong ko. Sinabihan niya ba akong creep dahil lang sa pinipilit ko ang ngiti ko? "Huwag mong pipilitin ang ngiti mo," seryosong saad niya. Naalis din ang matigas niyang mukha nang ngumiti siya na ikinagulat ko. Akala ko ba ayaw niya sa akin? "Gusto mo 'kong maging kaibigan, tama ako?" Napatango ako kahit nayayabangan ako sa batang kaharap ko. "Kung gusto mo akong maging kaibigan ay dapat maging totoo ka sa akin. Hindi ka dapat mag-tell ng lies! Bad 'yon!" "Bad ba 'yon?" inosenteng tanong ko. "Oo, bad 'yon!" "Okay, hindi na ako gagawa ng lies." "Good! Halika rito, may hinanda kaming surprise ni mama!" Nagpahila ako sa kanya kahit naguguluhan ako. Habang tumatakbo kami ay nakatingin lang ako sa maliit niyang likod at palihim na nagtatanong kung bakit ang baba ng height niya. Sa loob ko rin ay nagsasaya ako na sa wakas ay may kaibigan na rin ako. Sa gabing din 'yon ay talaga naman na surpresa ako sa munting handa na nakalagay sa mesa. Sa unang pagkakataon simula nang umalis si daddy ay napuno ng halakhak ang kubo. Akala ko dati ay hindi na muli akong tunay na makatatawa at hindi ko na makikita kung gaano kasaya si Old Lady pero simula nang dumating sa buhay namin ang batang lalaki ay nagbago ang lahat. Tunay kaming naging magkaibigan ng bata simula nang araw na 'yon, nalaman din niya na ang pangalan ko pero dahil bata ay hindi naging mahalaga sa akin na itanong kung anong pangalan niya. Mas nangibabaw sa akin 'yong saya na akala ko permanente na. Sa loob ng isang taon na kasama ko siya ay marami kaming nagawa. Hindi na ako mag-isang nag-aaral, kasabay ko na siya. Nang nagtaka siya kung bakit hindi ako pumapasok sa paaralan, wala akong naisagot sa kanya kasi hindi ko rin alam ang dahilan. Pagkatapos mag-aral ay naglalaro kami ng tagu-taguan, habulan at kung ano-ano pa na maisipan. Nainis ako sa kanya nang bigla niyang tanungin kung crush ko ba siya kasi siya crush niya raw ako. Hindi ko alam ang salitang 'yon kaya nagtanong ako sa kanya at ang sabi niya ay alamin ko raw ang kahulugan ng crush sa sarili kong paraan. Tinanong ko si Old Lady pero tinawanan lang ako bilang sagot. Sa kagustuhan na malaman ang ibig sabihin ng salitang 'yon ay binasa ko ang lahat na libro na mayroon ako. Nagkamali ako sa pasya na 'yon sapagkat puro ito educational books. Nawawala rin ang dictionary ko sa hindi malaman na rason. Disidido ako malaman ang kahulugan nito at sa tingin ko ay dictionary ang makakatulong sa akin. Para makabili ng bagong dictionary ay nagpaalam ako na may hahanapin lang sa gubat pero ang sadya ko talaga ay ang bayan na minsan ko nang narating sa palihim na pagsunod kay Old Lady noon. Umalis ako sa bahay kasama ang pera na naipon ko. Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada ay napatigil ako sa nakita ko sa parke. Kinusot ko pa ang mata ko para makasigurado na hindi ito isang imahinasyon lang. Nang makasigurado ay parang binagsakan ako ng lupa sa bigat ng nararamdaman ko. "Daddy Ignacio," bigkas ko sa pangalan ng taong matagal ko nang hinihintay. Dahan-dahan akong lumalapit kung nasaan siya naroon, naninigurado kung tama ba ako at siya ba talaga iyon. Ngunit sigurado talaga ako, ang mukhang nakikita ko ngayon ay parehas sa mukha sa tinago kong larawan at sa imahe sa aking alaala. "Daddy!" This time I shouted it out of my lungs. Mabilis na akong tumakbo papunta sa kanya at walang paalam na niyakap ang bewang niya. Sa kabila nang pag-iyak ay naamoy ko pa rin ang paborito niyang pabango. "Daddy. Daddy, uwi ka na, please," I pleaded. Nawasak ang mundo ko nang dahan-dahan niyang inalis ang mga braso kong nakayapos sa kanya. Pagkatapos ay umatras ang paa niya ng isang hakbang, nakaalalay sa kanya ang babaeng hindi ko kilala. "Daddy? Bakit po? Ako po 'to!" Itinaas ko ang kamay ko para abutin ang kamay niya pero tinapik ito ng batang babae na siyang masamang nakatingin sa akin. Kinagulat ko ito. "Don't touch him. He's my dad, not yours!" "No! Daddy ko siya, eh!" sigaw ko rin. "Ako lang ang anak niya kaya sigurado akong hindi kita kapatid, 'di ka rin naman niya kamukha!" Nagmamadali kong hinawakan ang kamay ni daddy. "Daddy… Daddy, sabihin mo sa kanya ang totoo. Sabi mo noon ako lang ang prinsesa mo kahit ano ang mangyari pagkatapos ay uwi na tayo, Daddy." "Hija," turan niya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya kasi baka iba naman ang tinatawag niya noon. Ayaw kong isipin na ako talaga ang tinatawag niya. "Daddy, uwi na tayo. Please?" Hinila-hila ko siya. "Iha." In my horror, he removed my hands from holding his. "I am not your Daddy. Nagkakamali ka lang yata, Hija." "Paano ako magkakamali, Daddy? Magkamukha tayo! Tumingin ka sa akin, I am your female and younger version." Umiling siya sa sinabi ko. "Hindi na ito magandang biro, Daddy." Napaiwas ako nang tingin sa mukha niya nang hindi man lamang niya ako tiningnan kahit isang beses. Ang luhaang mga mata ko ay napunta sa babaeng katabi niya na ngayon at nakangisi sa akin. Siya ang laman ng mga nightmare ko pero ngayon napagtanto ko nang hindi ko siya kilala at higit sa lahat, hindi siya ang Mommy ko. "Umalis ka na, Hija," pagtataboy sa akin ng babae na ikinakuyom ng kamay ko. "Ikaw ba ang umagaw sa daddy ko mula sa ‘kin?" I sharply asked her. "Wala akong inaagaw sa 'yo." Tumingin siya sa batang babae na tumapik sa kamay ko kanina at sa batang lalaki na bored na nanonood sa amin. "Come here, kids. Let's go to the Mall, bibilhin ng Daddy niyo ang promise niyang toys." Nagtatalon-talon sa tuwa ang batang babae, binangga pa nito ang balikat ko. Ang batang lalaki naman ay tiningnan ako mula ulo hanggang paa bago lumapit sa matandang babae at sa Daddy ko. Ganito lang naman ang senaryo pero bakit ang sakit? Dinudurog ang bata kong puso sa nakikita ko. Daddy, ako ang pipiliin mo, tama ba? Lalapit ka sa akin, at yayakapin ako nang mahigpit. Tuluyan nabiyak ang puso ko nang magtawanan sila sa harap ko kasama ang Daddy. Para bang wala ako rito at walang batang nagpakilala na anak niya. Ang pagtigil ng mundo ko ay natapos nang matauhan ako. Kung kailan malayo na sila sa akin ay saka naman ako nagising; nasa kabilang kalsada na sila, nakaakbay sa isa't isa. Tinanggal ko ang takot na nararamdaman ko; mabilis akong tumakbo papunta sa kabilang dulo. Palibhasa bata, hindi ako nakahanap ng daan paalis sa gitna ng kalsada. Ang mga sasakyan ay hindi nag-abalang tumigil, wala silang pakialam kung masagasaan nila ako.Nakakalungkot din na kahit ang sarili ko ay wala pakialam kahit ako ay masagasaan. Ang mahalaga sa akin ay ang mabawi ko si Daddy. "Daddy!" lakas loob na pagsigaw ko subalit hindi sila tumigil. Hindi siya tumigil. "Daddy Ignacio Mckenzie!" Napangiti ako nang mapait habang lumuluha nang hindi man lamang lumingon si daddy. "Daddy Ignacio Mckenzie! Daddy, mahal na mahal kita at balang araw babawiin kita sa kanila!" Hindi siya ang lumingon kundi ang dalawang bata. Napatigil ang mga ito at napalingon sa akin. "Kayong dalawa, a time will come when I'll make you pay for every debt you have to me. Ingatan niyo ang Mama niyo dahil hindi siya sasapat bilang kabayaran." Hindi ko alam kung saan ko ba nakuha ang mga salitang binulong ko. Siguro ay dahil sa apoy na namumuo sa aking batang puso. Sinalubong ko ang mga mata nila na ikinaatras nila, at ikinabalik sa paglalakad. Masaya kayo habang ako nalulunod sa kalungkutan at pagdurusa. Nagagawa niyong ngumiti nang tunay. Hindi niyo ba iniisip ang munti kong pusong nasasaktan? Napalingon ako sa kotse na sadyang sa pwesto ko pa daraan. A police mobile car. Sigurado ako na hindi ako matatapos sa ganito lang. Kahit masagasaan ay makakaligtas ako at patuloy na maghihirap sa tunay na kalbaryo ng buhay kaya naman handa akong hagkan ang pansamantalang kamatayan. But my negative thoughts disappeared when a young boy shouted my real name and pushed me away from the scene. Dear Journey, You are a quick-witted lady; I suppose you could understand why I wrote this letter to you. I assume during the time you were holding this, you could not find me in my room. Your old lady's body can't hold on and last too long. Don't look for me; it's hard for you, but do me a favor. I assure you that I am in the right place; either I am enjoying my remaining epoch or I am sleeping peacefully. Don't worry, darling, just let me this time. Don't let your tears drop on this paper. I don't like to feel regret and be sad that I fell into infinite slumber. My darling, don't cross your mind. I abandoned you. I never You are a daughter to me, even though you aren't from my womb. The memories from the time I met you are still clear to me. The first time I set my eyes on you and entrusted me to babysit you, I knew that day you would take a big part of me. You were three at that time, bubbly and chubby. I honestly do miss your baby fat, and I would prefer to see it than your sexy figure. Don't skip your meals and vitamins, even if you are busy as a bee. If you can't sleep, don't drink sleeping pills—you might overuse them. Go to a relaxing place, and there you will find your haven. For me, so as not to get sick worrying about what you are doing, I want you to be back in our hometown and stay in my sister's house. Don't you like it because you're an independent lady? Therefore, I want you to stay in the place next to your aunt's. I bought it for you using your money and, of course, under your name. Asking you to be back in the place you have cursed doesn't mean I am pushing you into your graveyard; all I want for you is to live without running away. Journey Adalee, face them. Make them realize how valuable and lovable the girl I have raised is. Lastly, I want you to be happier. Love, Your Old Lady. My old lady was wrong for no reason why a single tear did not escape my eyes. Instead of tears, a smile creeps on my lips. Everyone you thought you could trust will abandon you someday, alone and broken, no matter how much you cared for them or how much you loved them. Old Lady, could I find peace in the place of haze?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD