Aubrey's Pov Kahit kailan talaga pa importante ang matandang yon. Ngayong araw pa na to siya may ganang ma-late. "Matagal pa ba? Anong oras na oh." sa sobrang inis ko napakuyom ko ang mga kamao ko. "Ate chillax darating din yon si kuya baka na traffic you know.". pag papakalma sakin ni Chloe. Kanina ko pa gustong umalis sa lugar na to. Gusto ko ng mag palit ng damit. Gusto ko ng dumihan tong damit na suot ko. "Arrgh!" sa inis ko ginusot ko ang puting dress na suot ko. "Oyy sisteret." sabay tulak niya sa braso ko. "Anong problema mo ha. Nag iinarte ka naman ay maarte ka naman pala talaga, haha. Huwag ka ngang OA darating din yon si papabol Kurt." sabi niya sabay ngiti. "Tigil tigilan mo nga ako diyan mas mabuti ng hindi na siya dumating." inis na sabi ko. "Naku excited ka lang kaya ka na

