Aubrey's Pov Nandito na ako ngayon sa canteen. Kaunti pa lang ang mga estudyante five minutes pa kasi bago mag breaktime. Hinihintay ko na ngayon ang bestfriend ko. Hindi ko na pinasukan ang dalawang subject ko.Ako na makapal ang fes. Nahiya kasi ako sa ginawa kong eksena kanina. Dalawang oras akong nag mukmok sa locker room. Kinikilig padin ako hanggang ngayon. Paulit - ulit kong binabasa ang text sa akin ni Jake. Parang tanga na nga akong ngiti ng ngiti dito. "Bestsis! What happen? Hindi ka na bumalik sa classroom after ng eksena mo kanina." bungad ni Ria ng dumating siya dito sa canteen. "Huwag mo na ngang ipa-alala iyon. At kung aasarin mo lang ako. Huwag ka ng magbalak dahil baka masupalpal kita." - ako sabay ngiti sakanya. "Nagbabanta pero nakangiti?? Anong nakain mo?"

