Chapter 1

1981 Words
"YOU'RE going to marry Euzon as soon as possible." Hindi makapaniwala si Marilyn sa narinig niya sa kaniyang ama na si Don Philip. Hindi pa naman siya nasisiraan ng bait pero ang sinabi nito ang siyang nagpapabaliw ngayon sa kanya. "What? Are you serious, Dad? Ipapakasal niyo ako sa best friend ko?" gulat na tanong ni Marilyn sabay lingon sa best friend niyang si Euzon na kanina pa tahimik magmula ng kausapin sila ng Mom at Dad niya. "Yes, hija. That's our final decision. Napag-usapan na rin namin 'to ng mga magulang ni Euzon. We want to expand our growing business at kung magpapakasal kayong dalawa ay mas lalo pang lalakas at uunlad ang business natin." sabi ni Don Philip na ikinailing ni Marilyn. "This is ridiculous! Ni hindi nga namin mahal ni Euzon ang isa't-isa dahil magkaibigan lang kami tapos ipapakasal n'yo pa kaming dalawa? Hindi n'yo man lang ba naisip ang nararamdaman ni Euzon?" naiinis na sabi ni Marilyn dahil mukha yatang tatanda na siya ng maaga sa konsumisyon na ibinibigay sa kaniya ng sariling ama. "Euzon, do you agree with our plan? Para rin naman 'to sa future niyong dalawa ni Marilyn." pagbaling ni Donya Mercedes kay Euzon na mukhang nagulat pa nang tinanong. "O-Of course, Tita Mercedes. Okay lang po 'yon sa akin." Napanganga sa pagkagulat at pagkabigla si Marilyn dahil sa sinabi ni Euzon. Papayag itong matali sa kanya? Hindi naman nila gusto ang isa't-isa, ah? "Euzon, alam kong naiipit ka lang sa sitwasyon ng pamilya natin dahil sa business nila pero 'wag kang papayag na magpakasal sa babaeng hindi mo naman gusto. Paano na 'yong girlfriend mong si Jessica? Masasaktan siya sa oras na malaman niya 'to." Pakiusap ni Marilyn kay Euzon na tiningnan siya ng mariin. "Marilyn, matagal ko nang alam na naka-arranged marriage tayong dalawa at tinanggap ko na lang 'yon dahil wala na rin tayong magagawa. And about Jessica, nagbreak na kami kahapon so I'm nowsingle at handa na akong pakasalan ka." seryosong sabi ni Euzon na ikinagulat ni Marilyn. Hindi niya matanggap ang mga sinasabi ng kaniyang matalik na kaibigan. Handa siyang pakasalan ni Euzon kahit alam rin nitong may gusto siya sa pinsan nitong si Gabriel na ngayon ay nililigawan siya. Paano na lang ang mararamdaman ni Gabriel sa oras na malaman nitong gusto siyang pakasalan ni Euzon na pinsan nito? "W-What? You're insane, Euzon! I don't love you kaya bakit kita pakakasalan? I love your cousin-" "Is that Gabriel? Hija, what do we expect from their family? They are rich but not as rich as Euzon's family at isa pa ay mas palagay ang loob namin kung si Euzon ang makakatuluyan mo. Cut your connection with that bastard or else ay grounded ka sa bahay natin!" May pagbabantang sabi ni Donya Mercedes kay Marilyn. Hindi na napigilan ni Marilyn ang emosyon niya at tuluyan siyang umiyak sa harapan ng mga magulang niya at kay Euzon. Para bang pinagkakaisahan siya ng mga ito at wala na siyang ibang magagawa kundi ang sundin ang mga ito. Hindi na niya kinaya pa at patakbo siyang umalis papunta sa loob ng kaniyang kwarto. Narinig pa niyang tinawag ng mga magulang niya ang kaniyang pangalan pero hindi na niya pinakinggan ang mga ito. Ibinuhos ni Marilyn ang sari-saring emosyon na gusto niyang pakawalan. Nag-uumpisa pa nga lang sila ni Gabriel na matagal na niyang gusto simula pagkabata pa lang nila ay saka pa mangyayari ang arranged marriage na hindi niya hiniling sa buong buhay niya. Habang patuloy siya sa pag-iyak ay bumukas ang pintuan ng kwarto niya at pumasok sa loob si Euzon na nakapamulsa. Tinitigan niya ng masama ang lalaki na hindi naman natinag sa kaniyang ekspresyon. "You're a traitor! I thought you were my best friend pero nagkakamali pala ako." puno ng hinanakit na sabi ni Marilyn. "Oh? Best friend? Ganyan lang naman ang tingin mo sa akin, e. I tried different girls including Jessica, but I still want you, Marilyn." Biglang tumindig ang balahibo ni Marilyn sa mahinang sinabi ni Euzon at unti-unti itong lumapit sa kaniya. She can't figure out what's wrong with his best friend. Iba ang ikinikilos nito. "What do you mean?" naguguluhang tanong ni Marilyn na ikinangisi ni Euzon. "Isn't that obvious? I love you, my dearest best friend and I want us to get married as soon as possible like what your Mom and Dad said." Parang malalagutan ng hininga si Marilyn sa sinabi ni Euzon at hindi niya inaasahan na masasabi nito ang mga ganitong bagay sa kanya. _He loves me? But I thought we're only best friends like what he said before?_ "Baliw ka na, Euzon. Your cousin Gabriel is now courting me-" "I don't care! Inaagaw ka niya sa 'kin dahil ano pa bang papel niya sa buhay ko kundi agawin ng agawin sa akin ang lahat ng gusto ko! Kahit pa ikaw ay naagaw rin niya kaya hindi ako papayag na magkatuluyan kayong dalawa." madiing sabi ni Euzon. Sa tagal nilang magkaibigan ni Euzon ay hindi akalain ni Marilyn na may lihim na inggit at insecurities pala si Euzon kay Gabriel. Magkasundo naman ang magpinsan sa tuwing nakikita niya ang mga ito pero ayon pala ay palihim ang galit at pagkamuhi ni Euzon kay Gabriel. "Kailangan mo na siguro ng Psychiatrist para sa tama sa utak mo. Ikaw lang yata ang may imaginary hater dahil hindi ka naman inaano ni Gabriel!" singhal ni Marilyn kay Euzon na hindi nagustuhan ang sinabi niya. "What did you say? Don't talk to me like that, Marilyn because I'm your future husband at wala ka nang magagawa dahil ipapakasal na tayong dalawa. Forget your Gabriel dahil hindi kayo uubra sa 'kin. Sa akin ka na mapupunta at itatak mo 'yan sa kukote mo!" sigaw ni Euzon at pagkatapos ay malakas na isinara ang pintuan nang lumabas ito sa loob ng kaniyang kwarto. Sa inis ni Marilyn ay pinagtatapon niya ang mga unan niya sa sahig. Ngayon lang siya nainis kay Euzon nang ganito at kung makapagsalita ito ay para itong obsessed sa kanya. Ang akala niya ay lubos na niyang kilala si Euzon pero nagkakamali pala siya. His true colors are now showing kaya kailangan niyang mag-ingat at sa binabalak ng pamilya nila na ipakasal silang dalawa. HATING gabi na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin makatulog si Marilyn ng maayos. Kanina pa siya tinatawagan ni Gabriel pero hindi niya ito magawang sagutin. Natatakot siyang kausapin ito lalo na't paniguradong may ideya na si Gabriel sa arranged marriage na mangyayari sa kanilang dalawa ni Euzon. May problema nang pinansyal ang Pastry business ng pamilya nila Gabriel at ayaw na niya itong abalahin sa kinakaharap niyang problema. Kinabukasan ay maagang dumating sa bahay nila si Euzon at ang mga magulang nito. Nagpapasalamat siya at walang pasok sa trabaho ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Genesis kaya may karamay siya sa pagpipigil ng kasal na pinagpaplanuhan. "Mom and Dad, Marilyn is only 22 years old at kakagraduate niya pa lang ng college. We don't need to force her on their marriage dahil masyado pang maaga para doon!" Genesis said to their parents. "Hijo, Marilyn and Euzon are not a teenager anymore. Puwede na silang magpakasal at para na rin mapabilis na ang-" "Mapabilis ang ano? Ang expansion at pagpapatayo ng buildings n'yo para sa business ninyo? At ang kapalit? Ang kalayaan ni Marilyn. I can't believe you!" hindi makapaniwalang ani Genesis sa harap ng kaniyang mga magulang at mga magulang ni Euzon. Mabuti pa ang kaniyang kapatid ay naiintindihan ang kaniyang nararamdaman samantalang sarado na ang utak at puso ng mga magulang nila maituloy lang ang kasal na ayaw niyang mangyari. "Genesis, its for Marilyn and Euzon's sake. Nag-iisang anak lang rin namin si Euzon kaya siya lahat ang magmamana ng mga ari-arian at business namin na puwedeng pagtulungan nila ni Marilyn. Isa pa, Euzon admitted to us that he loves Marilyn kaya gagawin ng anak ko ang lahat mapabuti lang ang lagay ng kapatid mo after their marriage." nakangiting sabi ni Donya Silvana na ina ni Euzon. "Tita Silvana, walang nararamdaman si Euzon para kay Marilyn dahil girlfriend niya si Jessica-" "We broke up, Genesis and I didn't love her." biglang pagsabat ni Euzon sa sinasabi ni Genesis. Napailing si Genesis sa sinabi ni Euzon at tinitigan ito ng masama. "Well, if you didn't love Jessica then mahal ka ba ni Marilyn? You know that she loves your cousin, Gabriel so please don't agree with this f*****g arranged marriage!" Tumaas ang boses ni Genesis sa galit na nararamdaman nito kaya kaagad itong pinakalma ni Marilyn. Her brother was so overprotective with her at alam niyang hindi ito papayag na madiktahan at gawin lang siyang parang robot ulit ng mga magulang nila. Genesis wants to secure her freedom ngayong nakagraduate na siya ng kolehiyo, at kahit may nobya na ito ay hindi pa rin ito nawawalan ng oras para damayan siya sa lahat ng problema niya. "Shut up, Genesis. Don't be rude to your brother-in-law!" galit na sigaw ni Don Philip na ikinatawa ng sarkastiko ni Genesis. Si Euzon naman ay nanatili lang na tahimik at hindi nagsasalita. "Brother-in-law? I will never consider that moron to be my brother-in-law at alam n'yo kung bakit!" Huling sinabi ni Genesis at umalis na sa harapan nila. Nanghihina si Marilyn sa mga nangyayari at hindi niya yata kakayanin pang manatili sa bahay nila dahil sa isang linggo ay kasal na nila kaagad ni Euzon. Ganoon ka-atat ang parents nilang dalawa para ipakasal kaagad sila. Ano pa nga bang bago doon? Sa buong buhay niya ay palagi na lang siyang minamanduhan ng kaniyang mga magulang maging isang perpekto at "Prim in Proper" lang siyang dalaga. Magmula sa mga susuotin niya hanggang sa kursong kinuha niya na business management ay utos iyon sa kanya ng kaniyang mga magulang. Kahit gusto niyang maging guro ay hindi niya iyon magawa dahil tutol ang mga ito sa pangarap niya. Ganoon rin ang nangyari sa kapatid niyang si Genesis pero mabuti at ang naging nobya nito ay kasundo ng pamilya ng mga magulang niya. Nag-usap ang mga magulang niya at ang mga magulang ni Euzon para sa gaganaping kasal nila sa susunod na linggo habang siya ay nag-iisip ng paraan para lang hindi ito matuloy. Nagpunta si Marilyn sa kaniyang kwarto para mag-impake na ng mga kakaunting damit at gamit para sa gagawin niyang paglayas ngayong araw. Simula nang manligaw sa kanya si Gabriel ay pinutol na ng mga magulang niya ang koneksyon ng credit cards niya kaya apat na libong piso na lang ang natitira sa kaniyang wallet. _'Di bale nang maligaw ako sa gagawin kong pagtakas mamaya. Basta't makaalis lang ako sa impyernong lugar na ito at makahanap ng matutuluyan ay ayos na sa akin 'yon._ Walang kaibigan si Marilyn na mahihingan ng tulong dahil wala naman siyang naging kaibigan sa pinapasukan niyang unibersidad kundi si Euzon lamang. Ayaw niya rin na hingan ng tulong ang kapatid niya dahil paniguradong iuuwi lang siya nito sa kanilang mansyon sa oras na malaman nito ang plano niya. Nagsuot ng face mask at itim na cap si Marilyn bago sukbitin ang dala niyang itim na backpack na naglalaman ng kaniyang mga damit at gamit. Dahan-dahan siyang lumabas sa kaniyang kwarto at kaagad tumakbo papuntang exit back door ng kanilang mansyon. Dahil marunong sumabit at umakyat sa puno si Marilyn noong bata pa lamang siya ay madali na sa kaniyang naakyat ang pader ng mansyon nila papalabas. Hindi rin siya napansin ng mga security guards nila na abala sa kung sinomang ka-chatmate ng mga ito sa cellphone nila. Nang tuluyan nang makalabas si Marilyn sa ekslusibong subdivision nila ay tila nakahinga siya ng maluwag at dito na mag-uumpisa ang bagong kabanata sa kaniyang buhay. Kung saan man siya dalhin ng mga paa niya ay ipinapanalangin niyang mapadpad siya sa lugar na payapa at mga taong may mabubuting kalooban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD