NANG nasa 2nd quarter na ang laro ng San Lorenzo team laban sa kabilang grupo na San Alfonso team ay nagtime-out muna ang magkalabang grupo para sa water and rest break. Dahan-dahang lumapit si Marilyn sa pwesto nila Ezra, Levi at Gael sa may gilid ng basketball court para abutan ng towel at bottled water ang mga ito. Lumingon sa kanya ang mga basketball players nang makita siya maging pati na rin ang nasa kabilang grupo na kung saan ay nandoon sina Yñigo at Trevan. "Ahm... uminom na muna kayo ng tubig then magpunas na rin kayo ng pawis niyo." ani Marilyn nang makalapit na siya sa San Lorenzo team at kinuha sa dala niyang cloth bag ang dalawang towel at bottled water para kina Levi at Gael. "Salamat, Marilyn." Levi smiled at kinuha ang mga hawak niya. Napangiti rin siya at pilit nilala

