“Aalis ka o mapapahiya ka.” bulong ng isang tinig na ikinahinto ni Amara sa balak na pag-alis. Wala naman sana s'yang balak na sumama sa party ni Zian pero kailangan dahil bilang anak ni Benjamin Torres, kasabay na rin nilang dumating si Rupert at 'di na ito umalis sa tabi n'ya mula pa kanina buti na lang may mga lumapit rito na kakilala kaya nakatakas s'ya. Na iilang s'ya sa dami ng tao at halatang puro mga bigatin personalidad sa bansa. Karaniwan puro may posisyon sa gobyerno ang mga bisita ng lolo ni Zian. Humalik at bumati pa ito sa kanya na parang wala itong ginawang pag babanta sa kanya na akala mo napaka ulirang Lolo. Hindi lumingon si Amara dahil kilalang-kilala n'ya ang boses ni Zian. Inabot n'ya ang isang cocktail drinks iinumin na sana n'ya iyon ng basta na lang nitong inagaw

