Dahan-dahan na iminulat ni Amara ang mata n'ya. Ilang beses na n'yang ginagawa iyon 'di na n'ya mabilang pero sa huli matutulog lang ulit s'ya dahil iyon ang gusto ng katawan n'ya pero this time parang kaya na n'yang gumising ng tuluyan bahagya pa siyang umungol dahil sa panunuyo ng lalamunan niya. “Amara.” Halos sabay-sabay na tawag sa kanya ng buong team n'yang naroon. Napangiwi pa s'ya sa lakas ng boses ng mga ito, ano't naroon nanaman ang mga kaibigan na mukhang matagal na siyang iniintay na magising. “Amara.” usal pa ni Zian na mahigpit na hinawakan ang kamay niya sabay halik pa ni Zian. “Ang sakit ng buong katawan ko.” daing n'ya ng tangkain n'yang bumangon pero nagkikirutan ang buong katawan niya sa sakit. “6 days ka ng tulog ng tulog. Ano gising ka na ba?” tanong ni Rodney. “

