Mukhang tinatamaan na din si Daniel kay Amara simula ng sumali itong bilang binibining Pilipinas. Hindi lang ito makapag tapat kay Amara dahil palagay n'ya alam din ni Daniel na wala itong pag-asa pero hindi s'ya puwedeng mag pakakampante. Hindi s'ya nag hintay ng mahabang panahon para lang sukuan si Amara. Nag papahinga lang s'ya kaya nanahimik gusto muna n'yang bigyan ng chance si Amara na makapag isip-isip pero kung dalawa naman agad na lalaki ang naka abang kay Amara parang gusto n'yang mag wala. Pagkatapos lang talaga ng mission nilang ito. 'Di na s'ya papayag na mahalin lang ito mula sa malayo. He will make sure na Amara will definitely fall in love with him by hook or by crook. “Kung ako sayo kilos-kilos din pag may time boss baka madagit ng iba ang prey mo. Wag tutulog-tulog sa

