“Sino daw?” salubong ang kilay na tanong ni Brent ng mapagbuksan ang katulong na kumakatok sa pinto ng kuwarto nila. “Amara daw po sir.” lalo ng nag salubong ang kilay ni Brent ng marinig ang pangalan ng babae na hindi niya inaasahan na magiging bisita. Napapakamot na lang ng ulo, ano kay kaya ang kailangan nito. “Si Amara?” Sagot ni Brent ng marinig ang boses ng asawa na nag tatanong kung sino ang nag hahanap. “Sabihin mo wag s'yang abala. Bumalik nalang s'ya ng ibang araw. Gumagawa kami ng bat——- Aw!” napayuko si Brent ng batukan ng asawa na binuksan ng malaki ang pinto saka lumabas at lumabas ng pinto. “Sino hinahanap? Ako o si Taguro.” tanong pa ni Misty. “Si Sir Brent po.” alanganin na sagot ng katulong na ikinalingon ni Misty sa asawa. “At ano naman kailangan n'ya sa asawa ko.

