Panay ang inhale exhale ni Amara sa likod ng stage. Ngayon lang s'ya kinabahan ng ganito pero alam naman n'yang magagawa naman n'ya ng tama ang talent n'ya dahil alam n'ya sa sarili n'ya na may talent s'ya yun nga lang madalas sa loob lang ng banyo n'ya na gagawa or kaya sa kapag nag lilinis s'ya ng condo n'ya. Mahilig s'ya sa music at sumayaw walang nakaka alam nun maliban kay Tamara na kasama n'ya noon sa kuwarto noong mga bata pa sila. Muli s'yang napabuga ng hangin naka jogging pants lang s'yang maluwag, sport bra na pinatungan n'ya ng puting tshirt na punit-punit style kung baga at simpleng puting tennis shoes. Nang tawagin na ang pangalan n'ya sa stage isa pang buga ng hangin ang pinakawalan n'ya at inayos ang lapel mic na naka lagay sa tenga at dibdib n'ya saka lumabas ng backstage

