Episode 8- Training

1521 Words
“Okay team group yourself into 2.” sigaw ng headmaster para sa bago nilang teambuilding training. 20 silang agent na mag kakasama, na mag uundergo ng massive training sa loob ng 1 week. Kaya nasa training sila ngayon sa Batangas. Lalapitan na sana ni Amara si Diego dahil mag ka partner na si Daniel at Rodney kaya si Diego na lang sana ang papartneran n'ya pero ang bilis ng hitad na si Diego na nakalayo sa kanya at nilapitan si Stefany isa sa bagong pasok na agent pero halatang may ibubuga din. Kinawayan pa s'ya ng sira ulong kaibigan, sakto naman nakasalubong n'ya si Zian na mukhang tinalikuran din ang gustong kunin itong partner at mukhang s'ya ang target mabilis n'yang iniikot ang tingin pero napasimangot na lang s'ya ng makitang pare pareho ng may kapareha ang lahat kaya no choice s'ya kundi si Zian ang kapareha. Masama n'ya itong tiningnan pero ang hudas may nalalaman pang pagkindat sa kanya ng magtabi na sila sa unahan. Ang unang training nila is ability of teamwork pabilisan makarating sa finish line pero napakarami ng obstacles na dadaanan nila bago pa makarating ng finish line. Unang obstacles mga gulong, 2nd alambre dadaan ka sa ilalim na puno ng putik, 3rd Maglalambitin ka sa brass para makatawid sa maputik at matubig na damuhan. 4th lalangoy ka sa tubig na kulay putik na meron linta sa ilalim. Aang pang lima aakyat ka sa mataas na pader na walang kakapitan kundi kapartner mo lang at gagamitin ng strategy kung paano makakasampa at ang pinaka huli ay Pole na aakyatin gamit ang isang lubid para makuha ang kanya-kanyang flag. Kanya-kanya na silang puwesto habang nag iintay ng putok ng baril ng headmaster ng training. “Umayos ka Gatchalian siguraduhin mong tayo ang mananalo.” “Dapat may reward kapag ginalingan ko.” hirit nito. “At anong reward ang gusto mo.” “How about a torrid kiss tonight.” “Gago ka——- f*ck.” nagulat pa si Amara ng pumutok na ang baril. Tumakbo na s'ya agad pero na iwan si Zian na parang iniintay pa ang sagot. “Lintik ka oo na animal ka talaga.” sigaw ni Amara ngumisi naman si Zian saka mabilis ng kumilos. 'Di napigilan ni Amara na matawa sa bilis ni Zian muntik pa s'yang maiwan dahil sumabit ang damit n'ya sa alambre. Kaya binalikan pa s'ya nito para kalagin ang pagkakasabit n'ya. “Hurry yup! I thought do you wanted to win.” “Masyado ka naman hyper naka drugs ka ba?” tanong ni Amara sabay talon sa brass after doon hinawakan pa s'ya sa kamay ni Zian saka sila sabay na tumalon sa tubig. Muntik pa s'yang humanga kay Zian ng makaahon ito agad s'yang hinila paakyat. Pagkatapos ay wala itong kahirap hirap na naka akyat sa mataas na pader saka inilawit ang katawan para maabot s'ya ng sumalida s'ya ng takbo at abutin nito ang kamay n'ya. Grabe ang lakas ng stamina at parang bata lang s'yang nahila nito pataas napasinghap pa s'ya ng 'di oras ng tumama ang labi nito sa sulok ng labi n'ya kung titingnan aksidente lang iyon pero she doubted it. “Pa advance.” bulong nito saka tumalon pababa saka naman s'ya inalalayan makababa. “Di ko alam kung saan mo hinuhugot ang kapal ng mukha mo Gatchalian.” Asik n'ya rito ng naakyat na sila sa tali para makuha flag. “Kung sa inaakala mo na tutuwad at bubukaka pa ulit ako sa'yo just like before. Mamatay ka sa kakaintay dahil that won't ever happen again.” wika pa n'ya sa matigas na tinig habang hinihingal. “Let’s see to it.” Wika pa nito saka inabot na ang flag at itinaas. Ngumisi naman si Amara ng mahawakan din n'ya ang flag hindi nga lang niya iyon itinaas tulad ng rules. Panalo sana sila kung itinaas n'ya iyon si Daniel at Rodney ang nanalo. “Better luck next time Gatchalian.” “Damn!.” mura pa ni Zian ngumisi naman si Amara saka nag padausdos pababa. ****** “Retarded ka din talaga ano! Panalo sana kayo bakit 'di mo binubot.” sita ni Diego ng naka pila na ulit sila lahat para gawaran ng award ang nanalong team. “Ahhhhh! Binubunot ba yon.” ngisi ni Amara sabay tingin kay Zian na katabi lang n'ya habang nasa likod si Diego na panay ang bulong. “Ewan ko sayo.” wika nalang ni Diego na iiling iling pa. “Okay for agents get ready for the next round this maybe tougher. This is regarding how you trust your partner or co-agent. Gaining trust can boost your strength together. So, Let’s begin.” Agad ng pumuwesto sa mga nakatalagang puwesto ang bawat team. Sa ibabaw ng mesa meron 5 army knife habang isang 5 metro ang layo ng target board but the twist is hindi ang target board ang patatamaan ng ibabatong army knife kundi ang kapareha mo. Ang magkasugat s'ya ang panalo pero malas kung ma dead on the spot ka. Pinag toss coin muna sila lahat bawat team para kung sino unang pupuwesto sa target board. Abot tenga naman ang ngiti ni Amara ng si Zian ang unang sasalang sa kanilang dalawa. “Why do I have this feeling your exicited to cut my throat.” ngumiti naman si Amara. “Halata ba akong masyado..” “Kalmahan mo lang Amara baka sa sobrang galit mo sa akin you found yourself fallen deep in love with me.” Gustong matawa ni Amara sa banat ni Zian. “Gaano kaya ka deep ang baon nito. Aabot kaya ito sa atay mo. Lima to? Saan saan mo gustong bumaon sa'yo to ng malalim. Sa puso, Atay, Baga, Kidney at lalamunan mo.” imbis naman matakot ngumisi din si Zian. “Tiyakin mo lang na babaon sa akin lahat ng yan dahil titiyakin ko sayo. Iba ang ibabaon ko sayo, otso kahaba at otso ka bilog kaya kabahan ka na dahil 9 months from now your will give birth to my child.” banta naman ni Zian. “Iyon ay kung tatayo pa yan.” sumigaw na ang headmaster para pumuwesto na silang lahat. Pagtunog palang ng horn agad ng binato ni Amara ng malakas ang army knife. Damplis iyon sa tenga ni Zian. “Hoy. Amara baka mapatay mo yan ha! Patay ka din sa lolo n'yan.” Ani Diego na katabi n'ya 'di n'ya ito pinansin muli n'yang binato ang kutlisyo. Tumama iyon sa tagiliran nito nakita n'ya ang pag ngibit nito ibig sabihin nadaplisan ulit n'ya ito. Sunod na bato sa braso nito dumaplis. Sunod sa hita at ang panglima lahat ay napasinghap ng bumaon ang kutsilyo sa ilalim ng pundyo ng pants ni Zian na ngayon ay nakapikit na ng mariin. “Sir tinamaan ba si Manoy.” sigaw pa ni Diego napalunok si Zian na tiningnan ang ibabang bahagi ng katawan n'ya at pinakiramdaman kung na injured ba ang manoy n'ya mukha dumaplis lang sa dalawang dragon ball n'ya ang kutsilyo. Literal s'yang napaihi ng bahagya sa pants sa sobrang kaba ng maramdaman n'ya ang pag baon ng kutsilyo sa pundyo ng pants n'ya. Amara is really messing up with him big time. “It payback time.” bulong ni Zian saka umalis na sa puwesto masakit ang lahat ng tama sa kanya ni Amara pera hindi n'ya iyon ipinahalata sa lahat mas marami pa s'yang pinag daanan mahirap doon at mas masakit pa. Ngunit ang pinakamasakit ay iyong nakita mismong ng mga mata n'ya kung paano nawala ang baby nila ni Amara at makita n'ya ang mga dugo sa mga kamay at braso ng buhatin ito papunta sa hospital noon. Alam n'yang malaki ang bahagi ng pagkamatay ng anak nila ang kasalanan n'ya at habang buhay n'ya iyon pag sisihan. Kinukulit at binabalik balikan lang naman n'ya si Amara at iniinis para hindi ito makaramdam ng depression. Mas mabuti ng araw-araw itong magalit sa kanya kesa araw araw itong mag luluksa sa pag kawala ng baby nila. Ganun na din ang pag ka sawi nito ng pag-ibig sa isang lalaki na may asawa na. Alam n'ya kung gaano kabigat ng pinag dadaanan nito after they lost their baby. Kaya kasehoda na kamuhian s'ya nito mas tatanggapin n'ya kesa makita ito na araw-araw na na iiyak dahil sa nangyari. Nagtagumpay naman s'ya sa pang gugulo rito. Ni minsan 'di n'ya ito nakitang nalungkot instead lagi itong galit pero alam n'ya sa tuwing darating ang gabi mag-isa nalang itong umiiyak dahil sa anak nila. Kita n'ya iyon sa tuwing umaga kaya umaga pa lang sinisira na n'ya ang araw nito para makalimot sa nakaraan. Ilang taon na ba n'yang ginagawa iyon 'di na n'ya alam kung kelan s'ya nag umpisa. How he wishes na sana he can turn back time na sana 'di s'ya nagkamali, na sana hindi si Tamara ang babaeng naka relasyon n'ya noon na inakala talaga n'yang si Amara. Ang unang babaeng minahal n'ya sa unang kita palang noon sa training camp ngunit na loko siya ni Tamara at nasaktan niya si Amara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD