“Boss Z! hindi mo makukuha yan ganyang kagandang babae kung titigan mo lang.” wika ni Alex habang nasa isang night bar sila at nag iinom sa kabilang dulo, 5 mesa mula sa puwesto nila naroon naman ang grupo ni Amara kasama ang mga kaibigan nito na sila Diego, Rodney at Daniel. Habang s'ya naman ay kasama sina Alex, Leo at Marlon ang mga dating grupo niya ng nasa rescue team pa siya. Bagamat umalis na s'ya sa rescue team nanatiling pa rin na kaibigan niya ang mga ito at si Fhyross bihira na nga lang nilang makasama dahil busy ito sa pag aalalaga ng mga babies nito at isa pa ayaw payagan ni Lucas. Malaki pa rin kasi ang selos nito sa kanya kahit wala naman dapat itong ipag selos. “Grabe boss Z! Sa dami ng babae sa mundo piling-pili mo talaga yung kayang-kaya kang i-under.” biro ni Leo na ma

