Katawan

2413 Words
Hindi maipaliwanag ni Grace ang nararamdaman niyang kaligayahan nang mapansin niya ang mga pulang lobo na hawak ng mga taong unti-unting lumalapit sa kanyang kinatatayuan. May mga puting letra na nakaimprenta sa mga iyon na unti-unti na rin niyang nababasa. W. I. L. L. Y. O. U. Mas lalo pang bumilis ang pintig ng kanyang puso nang pumainlanlang sa buong restaurant ang paborito niyang kanta. I knew I love you before I met you... Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ng kaligayahan nang lumitaw mula sa gitna ng mga taong sa harapan ang kasintahan niyang si Ram. May hawak itong isang malaking bouquet ng mga pulang rosas na agad ibinigay sa kanya nang makalapit ito. Marahang hinawi ni Ram ang mga luha niya at saka ito malayang lumuhod sa kanyang harapan. Inilabas ang isang maliit na kahon at ipinakita ang laman niyon. "Will you marry me, Graciella Rima?" "Yes!" buong puso niyang sagot, "I will marry you, Ramilo Bayabao." Mahigpit silang nagkayakapan at maalab na naghalikan. Halos walong buwan pa lamang silang magkasintahan ni Ram. Una silang nagkakilala nito nang aksidente siyang madulas sa kalsada dahil sa putik na hindi niya sinasadyang maapakan. Sa kabutihang palad ay maagap siyang nahawakan nito sa beywang kaya ito ang nadaganan niya. Dahil sa pagliligtas sa kanya ni Ram ay ito ang mas nagtamo ng maraming gasgas sa mga braso. Bilang pasasalamat ay inalok niyang itong sabay silang magpagamot sa pinakamalapit na clinic o ospital at siya na ang bahala sa mga gastusin. Subalit kabaliktaran ang nangyari, si Ram ang nagbayad dahil nawawala pala ang wallet niya sa bag. Hiyang-hiya siya nang mga sandaling iyon pero unti-unti ring nabawasan dahil sa pagpapagaan nito sa kanyang kalooban. Mula nang araw na iyon ay ilang beses pa silang nagkita ni Ram. Nakakatawang isipin na sa tuwing nakahatag sa kanya ang iba't ibang kapahamakan ay lagi itong nasa tabi niya upang mailigtas siya. Sa pagkakataong iyon ay unti-unti na niyang nararamdamang tila pinagtatagpo talaga sila ng mapaglarong tadhana. Unti-unti na nga silang nagkapalagayan ng loob kaya ipinagkaloob niya rito ang matamis niyang 'oo' makalipas ang isang buwan nitong panliligaw. "Thank you for loving me, Cookie," malambing na sabi ni Ram habang nakatitig sa kanyang mga mata, "I promise that I will never hurt you," dagdag pa nito sa muli siyang hinalikan sa mga labi. "I love you for a lifetime, My One and Only, Creamie," kinikilig pa niyang sagot. Marami man ang magsasabing hindi sapat ang walong buwan nilang relasyon upang mapatunayang karapat-dapat na niyang pakasalan si Ram, babalewalain niya iyon. Sapagkat buong puso niyang nararamdaman na silang dalawang ang itinakdang magsasama hanggang sa kanilang mga huling hininga. GAYA ng inaasahan ni Grace, muling tinutulan ng kanyang mga magulang ang pagpapakasal niya kay Ram. "Bente k'watro ka pa lang, Grace. Kilalanin mo muna siya nang mabuti bago ka magdesisyon. Isa pa, marami ka pang malalaman sa pagkatao niya, na baka 'di mo magustuhan," giit ng ama niyang si Leopoldo na nakahalukipkip pa sa kanyang harapan. Mas lalo pang sumama ang loob niya nang mapagtanto niyang sa kabila ng pagpayag ng mga ito noon na makipagrelasyon niya kay Ram ay tutol pa rin mga ito sa kanilang pagmamahalan. "Tama ang tatay mo, anak," sabad ng kanyang inang si Guadalupe na katabi niya sa upuan. Hawak nito ang kanyang kaliwang kamay at marahang hinahaplos. "Aaminin namin na kaya kami pumayag noon na makipagrelasyon ka sa kanya ay dahil ayaw ka naming panghimasukan ang puso mo. Ayaw ka naming masaktan. Hahayaan naming magkahiwalay kayong dalawa nang hindi ka namin nasasaktan," paliwanag pa nito. Mas lalo pang sumidhi ang sakit na kanyang nararamdaman kaya tuluyan nang tumulo ang mga luha na kanina pa niyang pinipigilang ilabas. "Hindi n'yo po ako naiintindihan... Mahal na mahal namin ang isa't isa," aniya sa pagitan ng ilang paghikbi. "Sana maintindihan mo rin kami, Grace. Kung hinayaan ka namin noon, iba na ang kasal kaya hindi namin hahayaang magdesisyon ka nang basta-basta," giit muli ng kanyang ama. "Kilalang-kilala na po namin ang isa't isa kaya buong-buo po ang desisyon naming magsama bilang mag-asawa," mahinahon niyang sagot. Mabilis pa siyang tumayo at marahang lumuhod sa harap ng kanyang ama. "Sana po buksan n'yo ang mga puso n'yo para kay Ram nang makilala n'yo kung sino ba talaga siya," pakiusap pa niya sa kanyang mga magulang. Hindi na nagsalita pa ang kanyang mga magulang bagkus ay nagkatinginan na lamang ang mga ito. Itinayo pa siya ng kanyang ama at mahigpit siyang niyakap. Na sinundan din ng pagyakap ng kanyang ina. TUWANG-TUWA si Grace nang tuluyan nang pumayag ang kanyang mga magulang kaya nang sumunod na gabi ay namanhikan na sa kanilang bahay si Ram at ang pinsan nitong si Bryan. Ulila nang lubos ang mapangangasawa mula nang yumao ang mga magulang at dalawang nakakabatang kapatid nito dahil sa pananalanta ng bagyong Ondoy sa kanilang probinsiya. Itinakda ang kanilang kasal sa August 8, 2018 bilang pagdiriwang na rin ng unang anibersaryo ng kanilang pagmamahalan. MAHIGIT isang buwan na lamang ang magiging paghahanda sa kanilang kasal kaya parehong nag-leave sina Grace at Ram sa kani-kanilang trabaho bilang bank teller at supervisor. Sa bawat araw na lumilipas ay mas lalong tumitindi ang pananabik ni Grace na maikasal sa kanyang mapapangasawa. Sa mga araw na iyon ay mas lalo ring ipinaparamdam ni Ram na tama ang naging desisyon niyang pakasalan ito. "'WAG kang magpakasal sa lalaking katawan mo lang ang gusto." Napahinto sa paglalakad si Grace papasok sa isang coffee shop nang marinig niya ang bulong ng matandang babaeng nakasalubong niya. Hindi siya sigurado kung siya ba ang sinasabihan nito pero nabahala siya sa kanyang narinig. "Ano pong ibig n'yong sabihin?" kunot-noo niyang tanong dito. Hinarap siya ng matandang babae at matama siyang tinitigan. "Hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin niya sa 'yo kaya 'wag mong hayaang mapasakanya ang katawan mo," matalinghaga pa rin nitong sabi. "Hindi ko po kayo naiintindihan pe---" "Papatayin ka rin ni Ramilo gaya ng pagpatay niya sa mga anak ko," gigil na rebelasyon nito na nagpalaki sa kanyang mga mata. "Hindi mamatay-tao ang mapapangasawa ko!" galit na galit niyang sigaw dahil hindi niya matanggap na inaakusahan ng kung sino man ang pinakamamahal niya, "Hindi n'yo siya kilala kaya magsalita ng ganyan!" Pinagtinginan na sila ng ibang mga tao kaya nagpasya siyang umalis na roon. Subalit nang akma na sana siyang maglalakad palayo ay hinawakan naman nito ang kamay niya. "Hindi ko rin kayo kilala kaya tigilan n'yo ako!" sigaw niyang muli at kumawala sa pagkakahawak nito, na naging dahilan ng bahagya nitong pagkadapa sa kalsada. Hindi na siya nag-abala pang lingunin o tulungan ito dahil sa galit sa mga sinabi nito. "Nasa huli ang pagsisisi, Grace. Magsisisi ka ring pinakasalan mo ang lalaking 'yon," sabi pa nito bago siya tuluyang nakalayo roon. ILANG araw na gumulo sa isipan ni Grace ang mga sinabi ng matandang nakausap niya. Sa kabila nito ay napagpasyahan niyang 'wag nang sabihin pa iyon kay Ram dahil sigurado siyang sasama ang loob nito sa kanya. Kahit hindi niya aminin dito, iisipin nitong nagbago na ang desisyon niya kaya kung ano-ano ang pinaniniwalaan niyang sabi-sabi ng ibang tao. Muli silang nagtagpo ng matanda at sa pagkakataong iyon ay hindi na siya nakapagpigil. Ibinuhos niya ang buong galit niya rito nang paulit-ulit nitong sabihin ang mga sinabi nito sa kanya noon. "Mamamatay-tao si Ram! Pinatay niya ang mga anak kong sina Fatima at Raquel!" giit nito kaya mas lalong umalab ang galit niya rito. "Kung wala kayong magawa sa buhay n'yo, tigilan n'yo ang panggugulo sa amin!" sigaw niya saka marahas itong itinulak, na naging upang masagi ito ng isang ten wheeler truck na dumaan sa kanilang harapan. Unti-unting napawi ang galit sa kanyang sistema nang makita niya kung paano naglasug-lasog ang katawan nito nang pumailalim sa nasabing truck. Nanindig pa ang kanyang mga balahibo sa buong katawan nang gumulong pa sa kanyang harapan ang pugot nitong ulo. Nasa huli ang pagsisisi, Grace. Magsisisi ka ring pinakasalan mo ang lalaking 'yon! Tila ba muli niyang narinig ang mga katagang ito nang mapatingin siya sa mga mata nitong titig na titig sa kanya. Hindi na siya nakagalaw pa sa kanyang kinatatayuan dahil sa mananaig ng takot sa buo niyang sistema. Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang nawalan ng malay. Nang muli siyang magising ay nasa ospital na siya at ang nag-aalalang mukha ni Ram ang sumalubong sa kanya. "Kumusta ka na, Cookie? May masakit pa ba sa 'yo?" usisa pa nito habang mahigpit na hawak ang kanyang kanang kamay. Napansin niya ang pangingilid ng mga luha sa mga mata nito kaya naramdaman niya ang matindi nitong pag-aalala sa kanya. Hindi sumagot bagkus ay humingi siya ng tulong upang makabangon. "Ano ba ang totoong nangyari sa 'yo? Sabi ng babaeng nagdala sa 'yo rito, hinimatay ka dahil sa shock nang makita mo ang isang---" "'Yong matanda," putol niya sa sasabihin ni Ram at saka umiyak na lamang. Mahigpit siyang niyakap ng kanyang kasintahan at marahang hinaplos ang likod niya. "'Wag mo nang isipin pa 'yon, Cookie. Ilang araw na lang, ikakasal na tayong dalawa. Ayokong maging dahilan 'yon ng kalungkutan mo," pakiusap sa kanya nito. Bahagya na lamang siyang tumango upang sang-ayunan ang mga sinabi ni Ram. Ayaw niyang masira ang kanilang nalalapit na kasal dahil lang sa taong walang kinalaman sa buhay nilang dalawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya naniniwala sa mga sinabi ng matandang iyon. Hinding-hindi mo 'yon magagawa, Ram. AUGUST 8, 2018. Hindi napigilan ni Grace ang kanyang mga luha nang mapatingin siya kay Ram habang dahan-dahan siyang naglalakad palapit sa kinaroroonan nito. Isang matingkad na ngiti pa ang namutawi sa kanilang mga labi habang magkatagpo ang kanilang mga mata. Habang ginaganap ang kanilang kasal ay tila unti-unti nang napapawi ang mga patuloy na gumugulo sa kanyang isipan. Mas lalo pang umigting ang kanilang kaligayahan nang sabay nilang isuot sa bawat isa ang mga singsing na simbolo ng pagsasanib ng kanilang mga puso. "I now pronounce you husband and wife. You may kiss your bride." Agad na itinaas ni Ram ang belong nagkukubli sa mukha niya upang ihandog ang halik na tuluyang magbibigkis sa kanilang mga buhay. Nakapikit siya nang mga sandali iyon kaya nagtataka siyang napamulat nang hindi niya maramdaman ang mga labi ni Ram. Papatayin ka rin ni Ramilo gaya ng pagpatay niya sa mga anak ko! Napasigaw siya dahil sa sobrang takot nang makaharap niya ang mukha ng matandang babae. AGAD niyang hinanap ang kanyang asawa nang tuluyan siyang magising mula sa bangungot na ilang gabi nang gumagambala sa kanya. Halos isang buwan na silang kasal ni Ram pero hindi pa rin siya tinitigal ng kaluluwa ng matandang iyon. "Ram, nandito ka ba?" Binuksan niya ang kanilang banyo pero wala roon ang kanyang asawa. Saan kaya ito magpupunta nang alas-tres ng umaga? Lumabas siya sa kanilang terasa sa pagbabasakaling nagpapahangin lang ito roon pero wala siyang nakita roon. Nagpasya siyang bumaba sa unang palapag ng kanilang bahay upang hanapin ito roon. "Ram..." Muli siyang nilukuban ng takot nang maramdaman niya ang malamig na hanging dumampi sa kanyang mukha. Luminga-linga siya sa paligid at naagaw ng kanyang pansin ang malamlam na ilaw na mula sa kanilang telebisyon. Halos masuka siya sa kanyang napanood doon kaya nanlulumo siyang napaupo sa sahig. Totoo nga ang sinabi ng matandang babae! Mamamatay-tao si Ram! "Nagustuhan mo rin ba ang mga koleksiyon ko, Creamie?" Nanginig siya sa takot nang marinig niya ang boses ni Ram sa kanyang likuran. Hindi na siya nakapagsalita pa dahil sa pananaig ng takot sa lalaking minahal niya nang lubos. Bigla nitong hinaltak ang kanyang mahabang buhok kaya wala na siyang nagawa kundi magpatangay dito. Nagsisigawa siya sa sobrang sakit hanggang sa makabalik silang muli sa kanilang kuwarto. Ibinalibag siya nito palapit sa kanilang kama kaya marahas na tumama ang bibig niya sa gilid nito. Pumutok ang kanyang mga labi kaya nalasahan niya ang sarilipng dugo. "Maawa ka sa 'kin. 'Wag mo 'kong papatayin, Ram. Mahal na mahal pa rin kita," umiiyak niyang pagsusumamo rito. Umaasa siyang may nararamdaman pa rin itong pagmamahal sa kanya. "Kahit na nalaman mo na ang totoo?" malambing nitong sabi at marahas na hinalikan ang kanyang mga labi. Ninamnam niya ang mga halik nito nang sa gayon ay mapatunayan pa rin niyang mahal na mahal pa rin niya ito. Subalit kusa itong kumalas at malakas siyang sinampal. "Hindi mo 'ko maloloko, Grace. Hindi mo na mapipigilan ang gusto kong gawin sa 'yo," giit nito habang nanlilisik ang mga matang nakatitig sa kanya. Mabilis na kumilos si Ram at ilang beses siyang sinuntok sa tiyan at pinagsasampal kaya nanghihina na siya nang inilapag nito sa kama. Itinali pa niya ang kanyang mga kamay at paa sa apat na sulok niyon. Marahas nitong pinunit ang suot niyang manipis na pantulog at ang mga panloob. "Hindi ko na patatagalin pa ang paghihirap mo, Cookie dahil matagal ko nang inaasam na gawin 'to sa 'yo," ani Ram na mabilis ding nakapaghubad ng mga kasuotan nito. Dahan-dahan itong lumapit sa kanya at dumiretso sa ibabaw niya. Dalawang wire ang ipinang-ipit nito sa kanyang mga utong bago umalis doon. Hanggang sa nakaramdaman na lamang siya ng mahinang boltahe ng kuryente sa kanyang buong katawan. Kung ito na po ang katapusan ng buhay ko, 'wag N'yo na po akong pahirapan pa, pipi niyang panalangin habang iniinda ang kanyang nararamdamang sakit. Tuluyan na siyang napapikit dahil sa pananakit ng kanyang ulo at panginginig ng buo niyang katawan. Naaninag pa niya ang mala-demonyong ngisi ni Ram bago siya tuluyang nawalan ng malay. AGAD na pinaibabawan ni Ram ang katawan ni Grace nang masiguro niyang patay na ito. Una niyang pinaglaruan ang mga malalambot nitong dibdib na may bahid ng mga dugo dahil sa pagkasunog ng mga utong nito. "Akin lang ang katawan mo, Cookie kaya hinding-hindi ka na makakatanggi pa sa mga gusto ko," bulong pa niya habang pinaglalakbay ang kanyang dila pababa sa tiyan ni Grace, hanggang sa pagkababae nito. Matagal na niyang hilig ang pakikipagtalik sa iba't ibang babae... Mga bangkay na babaeng bahagi ng kanyang kakaibang koleksiyon. Si Grace ang ikalabintatlo niyang biktima na kailangan pa niyang pakasalan upang maangkin ang katawan nito. Hilig din niyang kunan ng video ang ginagawa niyang pakikipagtalik na sadya niyang ipinanood kay Grace kanina lamang. Ilang beses niyang narating ang sukdulan ng kanyang kaligayahan dahil sa pagpapaligayang dulot ng katawan ni Grace. Na hinding-hindi na mababawi pa ng pamilya nito dahil walang kaalam-alam ang mga ito na sa malayong lugar sila tumira. Wakas. 2019. Mysterious Eyes | Xerun Salmirro
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD