The sunny day is complimenting with what I'm feeling right now. Nakalabas na si Papa sa kulungan and we couldn't ask for more. Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay maayos na rin ngayon ang lahat kaya wala na akong hihilingin pa. Ang tanging bumabagabag lang sa akin ngayon ay ang pagkamatay ng Tita ni James. "The food is ready!" Napatingin naman ako sa bandang pinto nang marinig ko ang boses ni Ate Jen. Dito kasi muna namin pinatigil si Papa sa apartment lalo na at ilang linggo pa naman siyang nasa kulungan. "Bestie..." Pumasok na si Tiffany sa kwarto ko. "Bestie..." I faintly groaned. Antok pa rin kasi talaga ako kahit na anong oras na dahil sa sobrang pagod. "Ang aga n'yo naman." "Ano'ng aga? Lahat nga tayo ay tinanghali na ng gising. Halika ka rito, nandito na sila Tita Karen at kaka

