Kanina pa ako napapa-isip dito kung paano nagawa ni Jessica maging witness para sa nangyari kay Andrei. Napapa-isip na rin tuloy ako kung siya ba ang may pakana ng lahat ng mga ‘to. Pero bakit niya naman ipapapatay si Andrei lalo na’t halos ubusin niya na nga ang buhok ko sa pagsabunot last time? Napatingin na ako kay Eunice na kasalukuyang may ginagawa sa kaniyang table. “Ah, Eunice, can I borrow your phone?” “For what?” “Uh, I want to call someone.” “The authority’s telephone is only for emergency. You can’t use it,” aniya. Napa-irap naman ako. “I need to call my lawyer.” Tinitigan niya muna ako ng ilang minuto bago pa ibinigay sa akin ang telepono. I started dialing Tiffany’s number at alam kong maloloka lang ‘yon sa akin kapag nalaman niya ang mga naganap. “Bestie…” Hininaan k

