"Talaga, bestie? Ginulo ka na naman ng bruhang 'yon?" Napabuntong-hininga na lang ako. "Bestie, ako 'yung sinisisi niya sa mga ginagawa ni Andrei sa kaniya pati sa break-up nilang dalawa ay kasalanan ko pa rin." Kailangan na yata ni Jessica ng therapy session at mukhang hindi na talaga siya okay ngayon. "That was over the line, bestie. Sinampal mo ba?" Natawa naman ako sa naging tanong ni Tiffany. "Malamang, hindi, bestie. Bakit ko naman sasampalin 'yon? Besides, alam ko naman kung bakit siya nagkakagano'n, e." "Ako rin naman, bestie. I get it. Siguro ano, she's like insecure talaga sa 'yo dahil alam naman natin na kahit sila ni Andrei ay ikaw naman talaga ang totoong mahal ng loko na 'yon." "Hala! Huwag mo nang ipaalala at masaya na ako ngayon kay James. Happy heart na ako." Si

