Nagising naman ako dahil sa naramdaman kong gumagalaw sa bandang gilid ko. Dahan-dahan ko nang iminulat ang mga mata ko at nagulat ako nang makita kong naglilinis si Xyron gamit ang vacuum. "Good morning, Baby," mahinang sambit ko, hindi pa kasi gising ang kaluluwa ko at kagigising ko lang. "Good morning, Mommy." Halos mapatalon naman ako sa kama nang marinig ko siyang nagsalita nagsalita ngayon lang kaya dali-dali na akong bumangon at lumapit na sa kaniya. "Xy? Did you really speak? James!" bigla kong sigaw kay James. Nagulat naman ako nang biglang may kumalabog sa restroom at tumambad sa amin si James na kasalukuyan pa lang na nagto-toothbrush pero nakabihis na rin siya nang pang-alis. "What is it, Wifey? Is everything okay?" "Xyron has spoken a word..." Hanggang ngayon ay hindi pa

