I am very skeptical as of the moment. Ngayong araw ang birthday ko at wala akong idea sa mga mangyayari tonight lalo na at napapansin ko si Xyron at James na palaging magkasama at bahagya lang akong kinakausap. Ang alam ko rin ay parating na sila Mama at Papa pero si Ate Jen ay hindi naman pwede kaya kami lang muna ngayon. “Mommy? Mommy?” Napatingin na ako sa bandang pinto nang marinig ko ang boses ni Xyron habang kumakatok. Tumayo na ako at tumungo sa pintuan para pagbuksan siya. “Yes, Baby?” “Daddy made this for you, Mommy. We’re still kind of busy so we want you to enjoy yourself while waiting,” anito sabay abot sa akin ng heart-shaped cookies. “Thank you, Baby. Are you going to accompany me again here?” Agad naman siyang napa-iling sa akin. “I’m sorry, I can’t, Mommy. I’m busy rig

