Tahimik lang kaming kumakain ngayon habang nandito pa rin sila sa apartment namin. Noong magising kanina si Xyron ay agad niya akong niyakap at nagulat ako nang biglang napaluha ang bata. Nasa trabaho si Tiffany ngayon kaya kaming tatlo lang ang nandito sa bahay. "Xyron..." tawag ni Sir James. Napatingin naman ang bata sa kaniya. Kanina pa kasi ako hindi umiimik at marami talagang bumabagabag sa isip ko ngayon. Ang daming problema na iniisip ko. "We can't stay here all the time. We have to go back since I have a lot to do in the office. Are we clear?" Agad namang sumimangot ang mukha ng bata kay Sir James. Hindi pinansin ni Xyron ang kaniyang ama at ipinagpatuloy lang ang pagkain kaya napa-iling ako. Hindi na rin muna ako nag-open ng personal matter ko kay Sir James dahil ayoko rin n

