Hindi talaga ako nag-expect na makikita ko rito si Ate Jen. Pagkatapos kasi noong nangyari ay alam kong hinding-hindi na siya magpapakita sa akin. "Je..." she uttered. Her voice was cracked and her eyes were swelling so bad. Makikita mo talaga sa mga mata niyang nasasaktan siya ngayon. Dali-dali na akong lumapit sa kaniya. "Ate...pumasok po muna kayo rito." "Sino 'yan, bestie? May bisita—hala! Ate Jen?" Nagulat din naman si Tiffany kaya agad niyang nilinis ang couch para maka-upo ro'n si Ate. Hindi naman muna ako umimik habang nakatulala lang siyang naka-upo sa couch. Alam ko kasi ang mga nagti-trigger sa kaniya everytime na nagkakaganito siya at ayoko namang magkaroon na naman siya ng panic attacks. "Bestie, water..." sambit ko naman kay Tiffany. "Here." Kinuha ko na ito at ipina

