Naisip ko na sa loob ng isang linggo ay may maganda rin namang nangyari sa buhay ko at iyon ang lahat ng efforts namin kay Ate Jen. Masaya namang umalis si Ate Jen kani-kanina lang at alam kong babalik na siya sa trabaho. “Grabe, bestie! Tayo lang pala ang magiging daan para ma-realize ng Ate mo na hindi niya kailangan ang lalaking ‘yon sa buhay niya.” Natawa naman ako kay Tiffany. “Paanong hindi niya ma-realize, kung makalait ka naman kasi kay Mikee ay wagas, ayon nadala.” “Ayos nga ‘yon, atsaka, I was just stating facts,” anito. “So, ano? Balik na ba si Ate Jen sa pagiging flight attendant niya?” Napatango naman ako habang nakangiti. “Yup. I think she will be back after a month sa trabaho niya. Alam ko rin kasi na nasasayangan ang airlines na ‘yon noong nalaman nilang magre-resign na

