I've been handling my feelings for quite some time now at mas lalo na rin akong naging vulnerable kay James dahil mukhang ganoon din naman ang ginagawa niya. Ilang linggo na rin akong nakatigil dito sa bahay niya at naka-tatlong session na rin si Doc Dominick. Lumipas na rin ang birthday ni Ate Jen na kaming tatlo rin ang dumalo. Hindi na kami umuwi sa bahay at busy din talaga si Ate sa trabaho kaya nagtipon-tipon na lang kami nila Tiffany. "Wifey!" Napalingon naman ako nang bigla niya akong tinawag. "Hindi mo pa rin ako tinitigilan sa kaka-wifey mo na 'yan?" "Don't be mad at or else I'll go to work being sad," anito sabay lapit sa akin. "I'll be home late later, okay? Don't wait for me on dinner na." "Okay." Kasalukuyan kasi akong nag-aayos ng mga damit ko na bagong laba at madali

