Habang nasa byahe ako ngayon ay halos hindi na mag-function ang utak ko dahil sa dami ng iniisip ko. Hindi ko na rin alam kung sino ang uunahin ko sa dami ng problema. Si Xyron ay nakitaan ng symptoms ng food poisoning, si James ay mukhang badtrip sa akin at parang ayaw rin akong akusapin, pagkatapos ngayong kagigising ko lang ay nalaman ko na naman ikinulong si Papa at si James ang nagpakulong. Ano ang nangyayari? “Ayos lang po ba kayo, Ma’am Jewel?” Napabuntong-hininga naman ako at napatinigin kay Manong Fredo. “Marami lang akong iniisip, Manong, but I’m good.” “Makulimlim po ang panahon ngayon kaya siguro nakikisabay lang kayo.” “Siguro nga po…” Napadungaw na lang ako sa labas dahil sa dami ng mga iniisip ko. Sunod-sunod na lang kasi talaga ang lahat at parang hindi ko na alam an

