Natapos ang araw sa nakakapagod na hapon at ito kami ngayon, nagpapahinga sa sala. Ang dami kasi ng bisita na dumating kanina lalo na ang mga co-teachers ni Papa sa barangay na kasama niya dati sa school kaya naman pati si James ay napatulong na rin sa amin. "Ano, g ba tayo later?" tanong naman ni Ate Jen sa amin. Kaming lima lang kasi ang nandito ngayon at nasa labas naman sila Mama at Papa habang kausap ang mga kaibigan nila. Ang mga pinsan ko pati sila Shaine ay umalis din para pumunta sa perya. Kami na lang nila Tiffany, Daniel, James, at Ate ang nandito sa sala. "Ay, ano pala ang meron mamaya? May live band ba ulit?" Napatango naman si Ate. "Oo, meron na ulit. Ano, punta ba tayo?" Napatingin naman ako kay James at alam kong pagod din siya sa pagtulong kanina kela Mama at Papa p

