Chapter 93 Nagtaka naman ako kung bakit ako hinahanap ni Tita Karen. Wala rin naman kasi akong natandaan na nakapag-usap pa kami simula noong nangyari ‘yon and besides, the last time I remember she doesn’t wanna talk to me. Napatingin na lang ako kay Tiffany at agad na rin tumayo. “Pupuntahan ko lang siya.” “Sigurado ka ba diyan, anak?” Napatango na lang ako kay Mama at agad na ring lumabas ng kwarto ko para puntahan si Miss Karen. I saw her standing in front of the door kaya dahan-sahan na rin akong lumapit. “Uh, Tita…” Nagulat naman ako nang bigla siyang lumapit sa akin sabay yakap habang umiiyak. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Tita Karen pero she seemed to tensed habang ginagawa ‘yon. “Jewel…” Hindi ko halos maintindihan ang mga sinasabi niya kaya unti-unti akong ku

