Habang naglalakad naman kaming dalawa ni James patungo sa kusina ay hindi ko mapigilang mapalingon sa kaniya. "Anong Wifey ang sinasabi mo riyan? Dominick knows we're just faking this marriage." Napangisi naman siya sa akin. "Don't be full of yourself, Jewel. I just said it dahil nandyan ang doktor na 'yan at baka ma-confuse na naman si Xyron sa inyong dalawa." "And so?" ani ko pa. "Of course, to know that you're Xyron's Mom and I'm his Dad. Simple. Now, eat your breakfast and..." Napatingin naman siya sa legs ko. "...magpahinga ka na muna sa kwarto or refrain from walking." Napataas na lang ang kilay ko sa kaniya. "Xyron knows about it naman, eh..." "What did you say?" Narinig niya pala ang ibinulong ko. "Wala. Sabi ko, bumalik ka na ro'n at tingnan ang ginagawa nila. Kaya ko na

