Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang mapa-isip kung paano nalaman ni Papa na nagpapanggap lang si James. Alam ko rin naman na mabilis si Papa makalahata sa mga bagay-bagay pero kahit na. "Are you okay?" Napatingin naman ako kay James sa rear view mirror. "A-ah, oo I'm fine. May iniisip lang." "What is it?" "Ah, wala, wala. Work." "What work?" Napataas naman ang kilay ko dahil napakakulit din naman ng lalaki 'to at hindi ako tinitigilan sa mga tanong niya sa akin. Hindi ko na lang ‘to pinansin at napatingin na lang kay Xyron na nakadungaw sa labas. “Xy, do you feel sleepy right now?” Napatigil naman ang bata at napatingin sa akin sabay tango. “Come here, sleep ka rito…” Lumapit na siya sa akin sabay higa sa binti ko. May mga bagay na rin talaga na kahit gaano namin ka-close

