TWENTY TWO

1808 Words
HINDI ko alam kung anong balak ni Laurenz. kanina pa kami naglalakad dito sa kakahiyan, pero hindi man niya sinasabi kung bakit kami nandito. Ibang daan na rin ito papunta sa bundok at palayo sa mga kabahayanan. "Laurenz, ano bang ginagawa natin dito?" paulit-ulut na tanong ni Johnson. Sumignal naman si Laurenz at sinabing munang maingay." May sinusundan tayo!" bulong niya sa amin. Kunot-noo naman akong nagtatala kung ano ba ang sinusundan namin dito. May nakita bang kakaiba si Laurenz? Hindi pa kasi ako tapos sa pakikipag-usyoso sa namatay, kaagad na kaming hinila ni Laurenz tungo dito. "Bwisit! Biglang nawala." Tumigil siya at napasampal sa kanyang mukha. "Ang alin ba iyon?" hindi na ako nakapagtimpi at tinanong ko na sa kanya. Humarap naman siya sa amin nang seryoso. Ang mukha niya, parang desperado talaga na mahanap kung ano man ang sinasabi niyang iyon. "Habang naglupong ang mga tao kanina doon, hindi ako nakatingin sa namatay. Pinagmamasdan ko ang paligid at mga tao kung paano sila mag-react sa nangyari. Kaagad akong may napansin sa bandang ito, isang lalaki na pasilip-silip at umaaligid. Nang makita ko, kaagad siyang tumakbo at heto, hindi natin siya mahabol." "Hindi kaya konektado iyon sa namatay?" tanong ni Johnson. Bigla kaming natigilan sa pag-uusapan nang may marinig kaming sigaw. Hindi lang iyon isa, kung hindi lahat ng tao kanina. "Simula nang dumating dito ang mga dayuhang iyon, nagkalat na ang p*****n sa baryo natin! Kailangan na natin silang patayin!" sigaw nila at isa-isa na silang sumusunod sa amin. "Habulin sila!" sigaw ng mga kalalakihan, kaya nagtinginan kami. "Takbo!" sabay-sabay naming sigaw at kahit hindi namin alam ang daan ay patuloy lang ki sa pagtakbo tungo kung saan. Hindi ko na maintindihan ang lugar na ito. Parang sulok na siya nang baryo, dahil habang papalayo kami ay paatas nang pataas ang mga damo na aming dinadaanan. Natatakot lang ako, dahil baka hindi nga ako mapatay ng taong humahabol sa amin, mamatay naman ako sa tuklaw ng mga ligaw na ahas dito. Tsaka isa pa, bakit kami na ngayon ang sinisisi nila? Hindi pa ba sila sanay sa p*****n dito sa kanilang lugar? Bakit, noong dumating lang ba kami ay doon sila nagkakagulo-gulo? "Ayun sila!" rinig kong sigaw ng isang babae nang ituro ako. May kanya-kanya silang dalang mga pamalo. Sa tingin nila ay parang wala kaming ligtas sa kanilang kamay. Parang sila na mismo ang kalaban namin ngayon at nalilito na ako kung sino ba talaga sa kanila ang mamamatay tao sa lugar na ito. Alam kong estratehiya lang nila ito na iligaw kung sino ang pumapatay sa luagr nila, pero hindi naman maaari an pati kami ay patayin nila. "Mellisa dito!" sigaw ni Laurenz nang tumalon siya sa isang medyo malalim na aprte ng kagubatan. Napapikit pa ako dahil medyo malalim iyon at natumba. Mabuti na lang at kaagad niya akong sinalo. Medyo patag na dito at wala na gaanong mga damo, kaya maayos na kaming nakakatakbo. "Nasaan na ba tayo? Tsaka bakit tayo ang hinahabol nila ngayon?!" inis na sambit ni Johnson. "Estratehiya lang nila iyan," bulong ni Laurenz na halatang hinihingal na sa kanyang boses. "Para hindi mahalata na isa sa kanila ang pumatay. Pero malakas talaga ang kutob ko, kung hindi man ang lalaking pasilip-silip kanina dito ang pumatay. Ang tatlong matanda ang may kagagawan niyon. Nakakatawa lang dahil pati sila ay humahabol sa atin." Tama si Laurenz. Malakas din ang kutob ko na ang tatlong maranda ang may gawa nito sa tinderang si Linda. Siguro ay masyado nang malawak ang kaalaman ni Linda, tungo sa lugar na ito kaya bagp pa niya. ibunyag sa amin ang lahat ay pinatay na siya ng matatanda na iyon. "Dito!" rinig kong sabi ng isang lalaki na may malalim na boses. Nabigla pa kami, dahil bigla na lang siyang sumulpot sa aming dinadaanan. Maliit lang ang lalaki, tingin ko ay nasa trenta na ito, itim ang kanyang maliliit na buhok at suot ang itim na dmait na pang-bukid. "Ikaw!" sigaw ni Laurenz na parang nahanap niya ang matagal nang nawawala. Kaagad kaming sumunod sa lalaki. Kahit hindi namin siya kilala at alam kung saan niya kami dadalhin ay sumunod na kami, dahil mukhang mahahabol na kami ng taong bayan. lumusot kami sa isang pader na pagitan ng gubat. Hindi mo aakalain na may butas doon, dahil hianrangan iyon ng mga damo. Paglampas namin doon ay tumambad naman sa amin ang isang malawak na palayan! Gulat at mangha ang naging eksprrsyon ko nang bumungad sa amin iyon. Iyon pala ang nakikita naming palayan sa taas ng bundok, pero habang iniikot ko ang tingin ko, parang may mali akong napansin. Sa gilid niyon, isang bahay lang ang nakatayo at halos lahat mawalak nang sakahan. Sa katabi ng bahay, naroon ang iilang matatayog na puno ng mangga. Masyadong liblib ang lugar, ngunit dahil may-araw pa, napakasarap niyon pagmasdan. "Teka." Tumigil si Johnson sa paglalakad, kaya napatigil din kami. "Sino ka ba? Tsaka bakit mo kami sinasama dito?! Huwag mong sabihin ikaw ang mamamatay tao! Uunahan na kitang patayin ngayon pa lang!" matapang niyang sabi. Humarap naman sa amin ang lalaki na nanggagalaiti. "Tumigil ka! Kung gusto mo pang mabuhay!" anito at naglakad na naman. Ilang metro na lang ang layo namin sa bahay, ngunit parang habang papalapit kamindoon ay nakakaramdam ako ng malakas na kabog ng dibdib. Hindi kaya patibong lang ito para sa amin? Baka naman pagdating namin doon ay naroon na ang tatlong matatanda at hinihintay na lang kami para bitayin? Hindi. Napailing-iling ako habang iniisip ang negatibong bagay na iyon. Kahit nakakatakot ang itsura ng lalaking sunusundan namin ngayon ay susubukan ko pa ring magtiwala. Nang nasa tapat na kami ng barung barong, humarap sa aming ang laki, habang palinga-linga siya sa paligid kung may ankasunodnba sa amin. "Halikayo, pumasok kayo." Walang pag-aalinlangan naman kaming pumasok.Nang pagpasok namin, may isang upuang kahoy ang tumambad kaagad sa amin. Katabi niyon ay gasera na nakasabit sa dingding. Dumiretso kami sa loob at lupa ang nagsisilbi naming apakan. Kumpara sa bahay ninLance, mayroon itong kaunting gamit tulad ng lutuan, mga kubyertos, plato pati na ang emsa at upuan. "Umupo muna kayo riyan," saad ng lalaki sa amin at tinuturo ang upuan sa sala. Siya namana y dumiretso sa loob ng bahay. Nagtitinginan kaming tatlo habang inoobserbahan ang paligid. "Sigurado ba kayong sumunod tayo sa kanya rito?" nag-aalangangbtanong ni Johnson. Bago sumagot si Laurenz siniguro muna niya na hindi iyon naririnig ng lalaki bago siya magsalita. "Hindi ako sigurado," panimula ni Laurenz. "Kahit ako ay nanghihinala din sa lalaking iyan. Noong una, sumisilip-silip lang siya sa atin, tapos biglang susulpot sa harapan natin para isama sa bahay na ito. Pero malay naman natin diba? Matulungan niya tayo. Basta magmasid pa rin tayo." Pagkatapos magsalita ni Laurenz ay sakto namang labas ng lalaki na may dalang itak. Kaagad kaming tumayo at hinanda ang aming mga armas. Sinasabi ko na nga ba! "Teka!" binitawan niya ang itak at nilapag sa mesa. Tinaas niya ang kanyang kamay at tumingin isa-isa sa amin. "Hindi ako ganun tulad ng iniisip ninyo. "Paano mo mapapatunayan sa amin iyan?!" galit na sabi ni Johnson. "Tsaka para saan iyang itak?! Ayusin mo ang sagot mo! Papasabugin ko ang bahay mo!" pananakot niya. Huminga muna nang malalim ang lalaki, bago umupo sa upuang kahoy. "Gusto ko kayong tulungan." "Tulungan?" sabay-sabay naming sabi. "Tulungan saan?" sambit ko. Medyo kumalma na ang pakiramdam ko, kaya tinupi ko na kaagad ang kutsilyo at binulsa iyon. "Nabalitaan ko ang nangyari sa iba niyo pang kasamahan." "P...paano?" tanong ni Laurenz na umupo na rin, kaya sumabay si Johnson. "Matagal nang kumalat ang balitang iyan dito sa baba. Matagal ko na rin kayong sinusundan, upang makakuha sana ng tiyempo at kausapin kayo ngunit masyadong maraming nakabantay." "Nakabantay?" kumunot ang noo ko. "Eh kaming tatlo lang nga ang magkakasama. Parang wala naamang pakialam ang mga tao rito sa mga namamatay," dipensa ko. Tumawa siya nang bahagya. "Diyan kayo hindi nakakasigurado. Sayang lamang dahil binalaan na kayo ng mga tao rito noong una pa, ang kaso ay hindi kayo naniwala kaya inuunti-unti na kayo ng mga mamatay tao." "Mga? Ibig sabihin hindi lang isa?" gulag na tanong ni Laurenz. Kahit ako ay nagulat din. Ang buong akala kasi namin ay iisang tao labg ang gumagawa nito. "Tsaka sino ka ba?" "Ako nga pala si Mario. Matagal na akong naninirahan sa Qari, siguro ay nasa limang taon na rin. Halos araw-araw din binabalita dito na may tinatapong tao galing sa itaas ng bundok. Nakakatawa lang dahil walang pakialam abg mga taga dito sa namamatay. Parang sanay na sila sa kalakaran nila rito. Madalas ang mga turista na nagpupunta dito ay namamatay din kinabukassn. Bilib nga ako sa inyo dahil natagalan niyo rito nang wala pang galos ni isa." "Diretsahin mo na kami! Ano ba ang gsuto mong iparating?!" inis na sabi ni Johnson. "Ang gusto ko lang iparating, hindi na kayo makakaalis nang buhay sa lugar na ito. Nagbigay na sila ng babala sa pagpatay nila kay Linda. Kung san una pa lang ay nakinig na kayo, sana hindi na kayo nadamay sa awayan nf luagr na ito. Masyado silabg mapanganib. Hindi natinalam kung kailan sila sasakalakay." "Teka, naguguluhan ako. Sino ba sila na tinutukoy mo?" tanong ko. "Si..." naputol ang sasabihin niya nang bigla siyang may napansin sa gilid ng kanyang bahay. "Sinasabi ko na nga ba!" inis niyang sabi at kinuha ang kanyang itak tsaka mabilis na lumabas. Sumunod naman kaming tatlo upang makita kung anonang tinutukoy niya. Paglabas namin, laking pasasalamat namin nang isang itim na pusa lang pala ang tinutukoy ni Mario. "Mabuti at pusa lang ito. Maghanda kayo sa susunod ninyong malalaman." Pumasok ulit kami sa kanilang bahay at tumingin siya nang mataman sa amin. "Kalat na ang p*****n sa lugar na ito. Masyadong delikado ang Qari, at kahit pati na gobyerno ay ayaw nang makialam sa problema dito." paliwanag niya. "Pero saan ba talaga ito nanggaling? Tsaka sino ang tinutukoy mong mamamatay tao? Paano mo mapapaliwanag ang nangyari ajy Linda?" sunod-sunod kong tanong. "Nagsimula lang ang p*****n dito sa Qari nang mabalitaan naming may namatay na isang dalaga. Nahulog siya sa bangin at lasog-lasog na ang kanyang katawan nang i-rescue ng mga tao dito. Ang kwento sa amin ng ibang residente, nabaliw daw ang nanay niyon at dumating na sa puntong binenta niya ang kaluluwa niya sa demonyo, para lang mabuhay ang anak niya. Nakakatawa nga 'e. Isang problema lang ang pinag-ugatan ng lahat ng p*****n dito, pero lahat ng tao ay damay-damay na. Hindi pa rin malinaw sa akin kung sino ang iba pa nilabg tinutukoy, pero kilala ko na kung sino ang isa roon." "Sino?" sabay-sabay naming tanong. "Si Ka-Marsing ba? Sabi ko na nga ba 'e!" pinangunahan na ni Johnson. Umiling si Mario. "Hindi si Ka-Marsing." "Eh sino?" "Si Ana. Si Ana ang pumapatay sa lugar na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD