BIGLA akong nailingat ang katawan ko nang maramdaman na may tumamang bato sa likod ko. Mukhang sa sarap ng tulog ko, hindi ko na ito namalayan na nasa loob na pala ng tent, kaya ngayon nananakit ang likuran ko. Kinuha ko ang batong iyon habang nakasimangot. "Kainis ka naman e! Panira ka ng tulog," usad ko. Tiningnan ko rin ang tent nina Laurenz at Johnson na nakabukas. Nakatulog na rin pala sila kanina habang nagkukwentuhan kami. Hindi ko na alam kung anong oras na ngayon, pero hindi ko pa ramdam ang malamig na hangin dito. Kadalasan kasi ay alas dose hanggang alas kwatro ang lamig sa paligid, siguro ngayon ay nasa alas onse pa lang ng gabi. Nakaramdam naman ako ng panunuyo sa lalamunan, kaya napagpasyahan kong tumayo. Medyo nawala din ang antok ko, kaya sa sobrang inis ko binato ko

