CHAPTER 2

1518 Words
Drey’s POV:  Tulala lang ako habang nakatitig sa swimming pool kung saan binababad ko ang mga paa ko. Umiinom ako ng juice habang iniisip ang mga nangyari kahapon. It’s been a week since we discovered that Shanaih has a crush on Lucas. I’m still in a daze about what happened. Di ko lang talaga inexpect na yung kaibigan ko pa ang magugustuhan niya. Pogi naman ako? Actually, ako ang pinaka pogi sa amin ng mga gago kong kaibigan. Bakit hindi pa sa akin nagkagusto si Shanaih? Naglasing na kami nung nakaraan, di ko na nga nakikita si Lucas na walang suot na maskara dahil lang sa ayaw kong makita ang pagmumukha niya, pero di parin ako maka move on. Masakit pa rin. “Anong problema ng pinaka-pogi kong anak?” Napalingon ako sa Daddy ko habang naglalakad papunta sa akin. “Dad!” Uminom muna ako ng juice habang nakatingin sa kanya. “Nakalimutan niyo atang ako lang anak niyo.” Natawa si Daddy sa sinabi ko at napatingin sa iniinom ko. “Juice?” “Magagalit si Mommy kapag yung collection mong alak ang nilaklak ko.” ani ko. Tumawa lang ang Daddy ko sa sinabi ko. What? Gusto niya atang makitang magalit si Mommy, nakakatakot pa naman nun. “Any problem?” “Yeah!” “Girls?” “Only one, Dad!” “Oh, bat prinoproblema mo yan? Dapat ikaw pinoproblema ng mga babae, hindi ikaw yung namomroblema sa kanila. “Ganun ba dapat? Eh may iba kasi siyang nagugustuhan, Dad. Ang malala ay kaibigan ko pa. Gusto ko munang mag move-on, magpakalayo-layo para kalimutan tong nararamdaman ko.” ani ko. “Bata ka pa anak, marami ka pang kakaining bigas bago mo makilala ang babaeng para sa’yo. O baka nakilala mo na, pero di mo lang napapansin.” “Gaano ka dami, Dad?” Tanong ko sa kanya. “Ha? Di ko alam, inulit ko lang yung sinabi ng Lola mo sa akin nung kasing edad mo palang ako.” “Wala ka namang originality Dad. Isumbong kita kay Grandma ninakaw mo yung sinabi niya. Pakasuhan ka nun ng plagiarism.” “Di yun. Anak niya naman ako eh! Speaking of your grandma, why don’t you go and visit her in the province?” Dad said. “May klase ako at practice sa basketball.” Ani ko. “Akala ko ba gusto mong mag move-on? Saka para saan pa at tayo ang may-ari ng paaralan?” Napaisip ako sa sinabi niya. “Sige na nga, gusto ko rin makita si Grandma at yung maldita.” “Lagot ka sa bunso mong kapatid pag narinig ka niyang nagsalita niya.” “Maldita naman talaga siya, mana siya kay Mommy.” “Sinong Maldita?” Napalingon kami kung saan nanggaling ang boses na yun. “Lagot ka!”- Dad. “Mommy, wala akong sinabi. Si Dad kasi sabi nya maldita ka daw po.” Depensa ko sa sarili ko. “Hoy, di ko sinabi yun ah!” Daddy. “Wag kana magsinungaling Dad. Tahimik lang akong umiinom dito ng juice tas sabi mo bakit di yung alak ang inumin ko, tas sabi mo maldita si Mommy kasi nagagalit siya pag uminom ako nun, kaya sabi ko mana kay Mommy si Bunso, pero di ko sinabing maldita siya. Yun lang lumalabas kasi yun yung sabi mo Dad.” Tuloy-tuloy na depensa ko sa sarili ko. “Drek Silvano?” Mataray na sita ni Mommy kay Daddy. “Hon, promise! Wala akong sinabing ganun!” Itinaas nito ang kaliwang kamay na tila nanunumpa. Kinuha ko ang iniinom kong juice at pasimpleng aalis sana para makatakas kay Mommy. “At saan ka pupunta, Drey Silvano?” opss… Napahinto ako at automatic na napatingin kay Mommy. “Papasok na po at matutulog.” Inosente kong tugon. “Sinabi ko bang pumasok kana?” “Hindi Mommy, sabi mo kasi dati, dapat maagang matulog ang mga bata.” “Bata ka pa ba?” -Mommy. “Hindi yan Hon, nag-iinom nga yan kasi di daw siya crush ng crush niya.” Daddy. “Dad!” Di niya ako pinansin at uminom din ng juice. Di ko alam na mag dala pala siyang baso kanina. Parang sinasabi niyang kasalanan ko kasi sinabi ko iyon kay Mommy. “Ewan ko sa inyo, manang-mana talaga kayo sa isa’t-isa!” Ani ni Mommy habang nakatingin kay Daddy na painosenteng uminom ng juice. “Bakit ako na naman?” Ani ni Daddy nang mapansing siya ang sinamaan ng tingin ni Mommy. “Mana kasi sayo yang anak mo!” “Bat ako lang? Anak mo rin yan nuh.” Daddy. Nagsisihan pa sila. Broken na nga ako dito eh. “Fine, go now and sleep. I’ll tell Nanay Rosa to prepare your luggage tomorrow. You’ll have a week to visit your grandma in the province.” -Dad. “Province? Why?”- Mommy “He wants to forget everything Hon. You know, our son is broken-hearted.”- Tila nang-aasar pa na sabi ng matandang to. “Really? Good for that girl because she will not know how childish you are.”- Ani ni Mommy. “Mom!” I pouted with what she said. “What? It’s true though. Anyway, I’ll go with you to check what your sister’s been doing there and how’s her study there.” “What? Iiwanan mo ako ditong mag-isa?”- Daddy. “Sama ka?”-Mommy. “May work ako, Hon.” “Just a week.” “Okay, let me call my secretary first.” Ani ni Dad at kinuha ang cellphone sa bulsa. “Good! Then it’s settled.”-Mom. Naglakad nalang ako papasok sa loob ng bahay para matulog na. Sana nga makalimutan ko na siya. ***** Tanghali na kami bumiyahe papuntang probinsya. Tinawagan muna ni Mommy sina Grandma na dadalaw kami. Medyo namiss ko din umuwi dito at bumisita sa mga tanim na prutas ni Grandpa. Si bunso nga ay nawili na dito at dito na rin nag-aral sa paaralang pagmamay-ari din ng pamilya namin. Nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko at baka ma miss nila ako. Pero mukhang hindi naman dahil nagawa pang maghabilin ng mga pasalubong daw. Mga siraulo talaga yung mga yun. Ako lang ata matino e. Nakatingin ako sa ulap habang nagba-byahe kami papuntang probinsya. Miss ko na sina Grandma. May bago kaya sa lugar na yun? Nang dumating kami sa lugar ay napangiti agad ako. “Grandma! I miss you!” Hinalikan ko si Grandma sa pisngi at nagmano. “Pagpalain ka ng Diyos, Apo. Aba mas lalo ka atang pumopogi. In love ba ang unico-hijo namin?” Tanong ni Lola habang sinisipat ang aking mukha. “Broken yan, Ma. Kaya nga kami nandito. Gusto niya daw mag pakalayo-layo muna.” Singit ni Daddy na nasa likod ko kasama ni Mommy. Napa-epal talaga nitong matandang to. “Dati na akong pogi Grandma. Saka magpapahinga lang ako dito. Masyadong toxic sa siyudad. Si bunso pala, Grandma? Nasaan?” “Aba wala dito, umalis kasama ng mga kaibigan niya, manunuod daw ng liga.” ani ni Lola. “Hali na kayo sa loob at marami akong pinaluto sa pagdating niyo. Saktong-sakto at mag tatanghalian na.” Pumasok na kami sa loob ng mansion habang ako naman ay dumiretso sa taas kung nasaan ang kwarto ko. Sumunod naman ang mga tauhan nila Grandma dala ang maleta ko. Naalala ko, may liga nga pala na sinabi si Lola. Makapunta nga mamaya para makagala na rin. “Senyorito! Senyorito!” Katok mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Nakilala ko agad ang boses na iyon kaya napatingin ako mula doon. “John, ikaw ba yan? Pumasok ka at bukas yan!” Sigaw ko para marinig niya. Binuksan niya naman agad ang pinto at pumasok sa loob. “Hey bro, musta?” Ani ko sa kanya. “Mabuti naman, senyorito! Mabuti at nakadalaw kayo dito. Nga pala, pinapatawag ka ni Madam sa baba, kumain ka muna daw bago magpahinga.” Anito. “Hm, okay!” Bumangon ako mula sa kama at lumapit kay John. “May gagawin ka ba mamaya, John? Samahan mo akong magala. Nood tayo ng liga. Sabi ni Grandma kanina, meron daw e.” “Ay Oo, meron nga. Doon pumunta sina Senorita. Panunuorin niya ata yung crush niyang si Vincent na maglaro doon e.” Napa-wow ang labi ko sa sinabi niya. “Wow, may crush si bunso dito?” “Meron, crush nga rin siya nung crush niya e.” Kita ko ang pagdilim ng mukha ni John sa sinabi niya kaya napangisi ako. “Selos ka?” Tukso ko sa kanya. “What? F*ck no! Amo ko kayo, saka malabong magustuhan ako niyon.” Tanggi nito pero nahahalata ko sa boses ang konting lungkot at inis na nararamdaman. Tinapik ko nalang siya sa balikat at tumungo na kami papuntang hapag-kainan. “Tara, ikain nalang natin yan!” ani ko sa kanya. Sumunod naman siya sa akin. “Oh, hayan na pala kayo mga apo. Hali na kayo’t umupo para makakain na tayo.” To be continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD