CHAPTER 18

1104 Words
Sa gitna ng gabi ay nakatayong nakatitig lamang sa langit ang isang magandang babaeng mula sa kaniyang balkonahe. Bilog na bilog ang buwan kaya nagmistula itong liwanag sa gabing iyon na tinatanglawan ang angking kagandahan ng dilag na ito. "Drey!" Mahinang sambit niya habang nakatitig sa buwan na iyon. Siya sa Eriella Deane Forteza o mas kilala sa tawag na "Enday." Nakakamangha mang isipin pero hindi na mababakas ang dating "mangkukulam" na itsura niyang tinatawag sa kanya ng iba sa bago niyang itsura. Tila ba isa siyang mariposang inaalayan ng liwanag ng buwan sa gabing iyon. Subalit siyaman ay nakatitig doon, ang kanyang isipan ay lumilipad lamang sa isang taong himbing na himbing nang natutulog ngayon. Si Drey Silvano. "Drey!" Muling sambit niya. Biglang napadilat ng mata si Drey mula sa pagkakahimbing at napahawak sa dibdib niya. Sobrang bilis ng t***k ng kanyang puso na tila ba may naririnig siyang isang taong tumatawag sa pangalan niya. "What the?-" aniya at napahinga ng malalim. "Hah- Drey!" Hingang malalim ni Enday na tila nahihipnotismo sa ganda ng buwan, subalit isang imahe lamang na nakareplekto sa kanyang utak ang kanyang nakikita. "Why the f*ck is my heart beating like this?" Nagtatakang tanong ni Drey sa sarili at naisipang tumayo at uminom ng tubig upang pakalmahin ang sarili. Naglakad naman si Enday papasok sa sariling silid at humarap sa salamin. Tinitigan niya ang kanyang sariling repleksyon habang binanggit ang pangalan ng lalaking iniibig. Isang makahulugang ngiti ang lumabas sa kanyang labi habang nakatitig sa kanyang itsura. "Drey!" Tila baliw na paulit-ulit na bigkas niya. "Hehehe!" Nakangising tawa niya sa sarili. "Hah! Bakit tila ang init ngayon?" Ani ni Drey matapos uminom ng tubig. Kahit walang suot na pang-itaas ay tila namamawis siya at napatingin mula sa labas ng bintana. "Ah, full moon nga pala. Kaya!" Tila naliwanagan na aniya sa sarili. "Ibig sabihin, hindi siya makatulog, ngayon sa kakaisip sa akin." Dagdag pa ni Drey. 'Connection!' Iyan ang isa sa mga magandang impluwensiya na siyang bahagi ng gayumang ininum ni Deane. Connection mula sa owner and user ng potion ayun doon sa ritwal na binabasa niya tuwing gabi sa probinsiya habang nasa prosesso ng pagawa ng gayuma. Subalit habang nakatitig sa repleksyon sa salamin si Enday ay dumako ang tingin niya sa isang malaking kabinet na nasa kwarto niya. Nakalock iyon at tanging siya at siya lamang ang makakapagbukas mula sa bahay na ito. Naglakad siya papunta doon at binuksan iyon gamit ang password na nilagay niya doon. "Hah, Drey! My Drey!" Tila nababaliw na paulit-ulit na bigkas niya at kinuha ang mga collection niyang gamit doon mula sa lalaking mahal na mahal niya. Sa dingding ng kabinet ay puno iyon ng mga larawan ng lalaking mahal niya mula pa pagkabata. "Hehehe, siguro naman tuluyan ka ng mahuhulog sa akin sa ganda kong ito ngayon." Nakangising ani niya habang hawak ang pinaka latest na collection niya ng larawan ni Drey. "Aaaaahhhhh! Sobrang nakakahiya talagang madikit sayo, Loves. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito sa iyo. Hindi ko alam kung saan ko nakuha lahat ng lakas ng loob ko na lapitan ka, o kung talagang epekto ba ito ng-" Hindi niya itinuloy ang sasabihin sana at napatitig lang sa larawan ni Drey. "Hindi ko na alam ang iisipin o gagawin ko kung talagang nangyari lahat ng plano mo. Kung talagang imbes na ako ay... si Shanaih talaga ang napakain mo ng gayumang iyon." Pagkausap niya sa larawan ni Drey. "Unfair kasi, Loves. Bakit kasi sa magaganda ka nafa-fall yung tipong pang cheering squad na tulad ni Shanaih? Maganda rin naman ako ah? Well, sort of?- Hindi nga lang sa pananamit." Napangiwi si Enday sa sinabi at nagpatuloy na kausapin ang larawan ni Drey. "Hindi mo lang alam, pero ikaw ang dahilan kung bakit ako nagpaturo kay Daddy na maglaro ng basketball. Na simula pa lang nung elementary ay gustong-gusto na kita. Pero... Hindi mo naman ako gusto." Napasimangot si Deane habang tila nasa harap lang na sinisisi si Drey sa walang kaalaman nito sa nararamdaman niya. Maya-maya ay ngumisi siya doon. "Pero buti nalang nalaman ko agad ang plano mo at naagapan iyon. Buti nalang at ako ang nakakain ng gayuma kaya nasa akin parin ang huling halakhak." Parang baliw na ngimisi at tumawa na naman siya sa harapan ng napakaraming kolleksiyon niya mula pa pagkabata. Ang kanyang sekreto at treasure trove na pinakatago-tago niya mula sa iba. Bigla siyang naging alerto at napadako ang tingin sa cellphone niya nang tumunog iyon indikasyon na mag nag text sa kanya. Napakunot ang noo niya doon. "Sino kaya tong istorbo sa moment ko, may gising pa ba ngayong gabi? Mag a-ala-una na ng madaling araw ah." Tanong niya sa sarili. "Matulog kana!" Basa niya sa mensaheng iyon. "Huh?" Takang tanong niya habang binabasa iyon. Galing iyon kay Drey. "Paano nalaman nitong gising pa ako?" Sa tanong niya ay tila narinig iyon mula sa kabilang panig ng kakumunikasyon niya. "Quiet thinking about me. I can't sleep because of you." Said by the other side of her universe. Bigla ay nabitawan ni Deane ang aparatong hawak at napatayo. "Hala! Lakas naman makiramdam." Nakatingin sa cellphone na tanong niya. Bigla ay napatingin sa paligid si Deane at pinagkukuha ang mga gamit saka ibinalik sa pinagtataguan nito. "May secret camera kaya dito? Katakot naman, baka may nakatingin sa akin." Tumunog ulit ang cellphone niya kaya binasa niya ulit iyon. "Tulog na!" Tila utos na sabi nito. Napatext back tuloy siya nang wala sa oras. "Creepy!" Kumento Niya. "See? I know you're still awake as you text back. That's our connection, baby!" He texted back. "Ha? Anong Baby?" Aniya sa sarili na tila nababaliw na dahil sa taong katext. "Grabe kana Drey Silvano, mababaliw ako sayo!" Maya-maya ay kumento niya sa sarili subalit napatigil din at naoakamkt sa ulo nang maalalang matagal na nga pala siyang nabaliw sa kay Drey Silvano, na kahit wala pa man siyang gayumang pinapasok sa systema niya ay hulog na hulog na siya dito. Sadyang wala lang talaga siyang lakas ng loob na lapitan ito. "Matutulog na po, Daddy!" Di napigilang reply niya kay Drey. Napakagat siya ng ibabang labi dahil sa sobrang dami na niyang naipong endearment dito. Baka mamaya ay mapakanta na siya ng "A Gangster Wife" sa bagong idinagdag. 'It's because I love you so much, Daddy. Te quiero mucho mi esposo.' Pagdagdag niya sa utak tungkol sa isang bahagi ng kanta. "Matutulog na po, Daddy!" Basa ni Drey at napangiti. "Naughty, Baby. I'll see you tomorrow!" Aniya at bumalik na sa pagkakahiga sa kama habang may mga ngiting nakapaskil sa labi. To be continued... Not Edited.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD