Miserable Love

561 Words
Episode 1 Tumatakbong wala sa sarili si Adelle,di nya alam kung saan hahanapin ang kanyang ama. Pabalik balik siya sa daan kung saan di niya alam. Mga kapitabahay na nagtatanung ay di nya pinapansin ang gusto niya lang ay hanapin ang kanyang ama. Iyak siya ng iyak halos di nya na makita ang daan dahil sa mga luha niya. At sa wakas nakita niya rin ang kanyang ama. Tumutulong ito sa paggawa ng bahay ng kapit bahay nila para may kita at makabili ng pang araw araw nila na gastusin. Anak bat ka nandito at bakit ka umiiyak? Iyak lang ang sinagot ni Adelle sa kanya, agad na naghinala ang kanyang ama.Agad na binitawan ang timba at tumakbo para makita ang kanyang ina na nakaratay. Buntis ang ina ni Adelle nang apat na buwan sa pangatlo.Kagabi pa iniinda ng ina ang kanyang sikmura pero ayaw nitong magpadala sa hospital,gastos lang daw. Kasi iniisip niya ang panganay na anak na magtatapos ng high school. Pagdating ng ama ni Adelle sa bahay naabutan din nila ang kapatid ng ama na siyang nagbabantay sa Ina,umiiyak na ito... Agad na binuhat nag ama nya ang asawa para dalhin sa ospital at sobrang lamig na nito. Mama,, dadalhin ka namin sa ospital ...kinakausap ito ng ama kahit ayaw na nitong dumilat. Tulong tulong!!! Sigaw ni Adelle sa kapitbahay na may traysikel para madala ng ospital ang kanyang ina.. Pagdating ng ospital, Sorry pero Dead on arrival na ang pasyente, Saad ng Doctor Hindi matanggap ng Ama ni Adelle halos masuntok nya ang Doctor kasi wala daw itong ginawang action... Mga walang kayong silbing Doctor ng makita nyong mahirap lang ang pasyente nyo ganun ganun nalang sasabihin nyong patay na di man lang kayo gumawa ng action para mabuhay ang asawa ko,mga putang ina nyo,hinaing ng kanyang ama. Samantalang c Adelle naglalakad ng wala sa sarili,gusto nyang puntahan ang kapatid na lalaki sa school para ipaalam na wala na ang kanilang ina,buti nalang at nakita sya ng kanyang pinsan na namamasada ng trisekel. Oh!! Adelle anong nangyari sayo?..tanong ng pinsan nyang c Dodong Umiyak si Adelle ng makita nya ang kanyang pinsan, Kuya!!! patay na ang Mama.... sabi nya habang umiiyak Kawawa naman si Ante ,Saad ni Dodong Saan ang punta mo nyan,tanong ni Dodong Pupuntahan ko ang kapatid ko sa school para ipaalam sa kanya ang nangyari kay Mama,sagot ni Adelle Tara sakay ka nalang dito hatid kita sa kanya, sabi ng pinsan ni Adelle Siyam na araw na pinaglamayan ang Mama ni Adelle,sa siyam na araw na iyon iyak lang ng iyak ang Papa ni Adelle. Gusto ng Papa ni Adelle siya ang mag asikaso sa paggawa ng puntod ng kanyang asawa, kahit daw sa huling sandali gusto nya paring pagsilbihan ang kanyang asawa... At dumating na ang araw na ihahatid na sa huling hantungan ang Mama ni Adelle,walang kamag anak na dumating ng kanyang Mama. Ni isa walang dumating nanawagan na ang mga kapatid ng Papa ni Adelle sa radio stations para ipaalam ang pagkamatay ng Mama ni Adelle, Di rin kasi kilala ng Papa ni Adelle ang mga kamag anak ng kanyang asawa.Kaya naisipan nilang manawagan nalang sa radio station pero ni isa walang dumating.. Nasa first year high school si Adelle at nasa labing isang taong gulang ng mangyari ang trahedya at fourth year high school naman ang kanyang kapatid na lalaki...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD