At dumating nanaman ang time na hindi nanaman sya nagparamdam..At isang gabi nakita sya ni Cherry na kausap ang kanyang mga barkada sa may kanto.Sa pwesto ng aming bh makikita kung saan sila nag iinuman ng kanyang barkada...
Ade parang si Kuya Bert yun ah,sabi ni Cherry
Asan ?? tiningnan ko ang sinabi ni Cherry at si Bert nga ang nakita nya. I tried to call him in his mobile,at naka ilang ring sinagot nya ito
hello, who's this? sagot nya...Iba kasing number ang ginamit ko kaya di nya nakilala at kung siguro kung number ko ang ginamit ko hindi nya ito sasagutin. Nung nagdaang araw kasi sinubukan ko syang tawagan di nya sinasagot ang tawag ko..
Hello Bert si Adelle to,asan ka? sinubukan kung tanungin sya
Ahhhhh,Adelle ahmmmm nasa byahe pa kasi ako eh,pwede mamaya ka na tumawag,alibi nya sa akin
Tumulo ang luha ko sa sinabi nya..
Ahhh,ganun ba cge mag ingat ka sa byahe ,sinubukan kung hindi mag cracked yung boses ko ng sinabi ko yun
At binaba nya na nga ang tawag,with out saying anything...
Napahagulgol ako sa sakit na nadarama ko sa mga time na iyon,may duda na kasi akong buntis ako at ilang buwan na akong hindi dinadatnan..Gusto ko syang puntahan pero di na kami pwedeng lumabas lagpas curfew na kasi...Iyak lang ako ng iyak habang tinatanaw siya habang nagkakasiyahan sila ng barkada nya..
Tahan na Ade makakasama yan sayo,pang aalo ni Cherry sa akin
Alam na kasi nila ang kalagayan ko.Lahat ng nasa bh alam nila lahat ang ganap ng buhay ko..
Bukas pupuntahan natin sya sa kanila,sasamahan ka namin,sabi ng mga kasama ko sa bh
Salamat sa inyo,umiiyak kung sabi
pumasok ako ng kwarto at natulogan ko na ang pag iyak ko...
Kinabukasan pinuntahan namin si Bert sa bahay nila,ang Mama at pinsan nya lang ang naabutan namin.Maaga kasi silang umalis ng Papa nya para magtrabaho...At sinabi ko sa kanila ang situation ko.At may hinala na pala si Bert na buntis ako,kasi nahata na pala ng pinsan nya nung huli kung punta sa kanila na buntis ako,nagbago kasi daw ang hugis ng balakang ko.At sinabi nya iyon kay Bert,at sinabihan daw sya ni Bert na hindi pa siya handa...Para akong pinagbaksakan ng langit at lupa ng panahon na iyon,iyak lang ako ng iyak kaya pala tudo Iwas sya sa akin ng mga panahong iyon,ang sakit sakit.
Tama na Del,makakasama yan sayo,sabi ng nanay at pinsan ni Bert
Pakisabi nalang po kay Bert na salamat sa lahat lahat at kaya kung buhayin ang anak nya ng wala ang tulong nya,at agad akong tumalikod sa kanila
Adelle,ok ka lang ba...ganun ganun na lang yun matapos kang buntisin ng gagong yun susuko ka na,galit na sabi ni Cherry
I smile at her habang tumutulo ang luha ko, ayaw kung mamilit ng taong ayaw sa akin Che alangan namang ipilit namin ng anak ko sa taong ayaw naman sa amin,malukot kung sabi
Hahay...nagsisi tuloy ako bat pa namin pinakilala si Bert sa iyo,kung alam lang namin na mangyayari to sana hindi ka nalang namin pinilit,lungkot na sabi ni Cherry
Ano ka ba wala kayong kasalanan,choice ko to kaya kakayanin ko to,sabay pahid ng luha ko.
Nagpatuloy ako sa pag aaral hanggang natapos ako sa unang taon..
Umuwi ako sa amin at sinabi ko sa Papa ko ang kalagayan ko.At matagal na pala nyang nahalata.
Alam ko na nak,sa tuwing uuwi ka dito wala kang ibang gawin kundi matulog at ang lakas mong kumain ng manggang hilaw eh hindi ka naman mahilig duon,at meduo halata narin ang tiyan mo at hinihintay ko lang na kusa mong sasabihin sa akin, mahabang lantiya ng Papa ko
Yumuko nalang ako sa kahihiyan. At mag aapat na buwan na pala ang tiyan ko kaya medyo halata na sya..
Ano pang magagawa natin e nandyan nayan alangan namang ipalaglag mo yan eh malaking kasalanan yan sa diyos,mahahalata mo talaga ang lungkot sa mga sinabi ni Papa
Umiyak nalang ako at sinabing
Papa,sorry po wala na akong binigay sa inyo kundi puro nalang pasakit,umiiyak kung sabi
Hahay anak,tama na yan at makakasama yan sayo,tutulungan kita kaya nating buhayin ang magiging apo kahit ayaw kang panindigan ng ama nya,habang yakap nya ako
Salamat po ng marami Papa...sabay yakap ko sa kanya pabalik
Naging laman ako ng bulung bulungan ng mga kapitbahay.Pero binaliwala ko lang sila.
Naging matiwasay ang naging bakasyon ko.Medyo halata na ang tiyan ko kaya di maiwasang pag tsismisan ako ng mga tsismosa.
Kaya kung minsan di nalang ako lumabas ng bahay.Pero palagi naman akong dinadalaw ng mga kaibigan ko.
Adelle!!! sabay tawag ni Cherry at Grace sa akin
Wow,excited parang tagal nyo akong di nakita ah,samantalang dito kayo kahapon..naiirita kung sabi
Eh kasi naman bat ayaw ko bang lumabas sa bahay nyo,nakasimangot na sabi ni Grace
Eh,alangan namang yang mga kapitbahay nyo eh ginawa akong pulutan pag magkukumpulan sila,nakasimangot kung sabi
WOW!!! kapitbahay lang ba namin eh magkalapit lang kaya bahay natin,pasigaw na sabi ni Cherry
Oi,ano ng balita besh? Di pa rin ba komuntak ang tatay nyang nasa tiyan mo,intrigang Saad ni Grace
Hahay,I don't want to talk about it,di ko naman sya pipilitin na gampanan ang obligation nya,kaya ko to nandyan naman ang Papa ko at syempre kayo,naka smile kung sabi
Yeah right nandito lang kami besh,habang niyayakap ako ni Cherry
Nakita ko pala kapatid ni Bert kahapon at tinanung ko kung ano na balita sa kapatid nya.At sabi niya nag away daw si Bert at kanyang ama ng malaman nya ang situation mo,gusto daw ng tatay nya panagutan ka ni Bert,mahabang sabi ni Grace
Hahaha,di ko kailangan ang taong napipilitan lang na gampanan ang obligation nya,Saad ko
Oi mga besh pwede ba akong pasama sa inyo bukas magpapenroll ako,pwede pa naman siguro ako mag aral kahit malaki na tiyan ko July pa naman ako manganganak,excited kung sabi
Sure!!!sabay na sabi ni Grace At Cherry
Pero kaya mo ba,paninigurado ni Grace
What if makita mo si Bert,sigunda ni Cherry
Kaya ko naman,pero kung magkita kami ni Bert...Iwan ko,bahala na alangan namang iburo ko nalang sarili ko dito sa bahay para lang maiwasan sya,may pangarap rin naman ako,smile ko sa kanila
Ok ikaw ang bahala basta nandito lang kami sa likod mo sumusuporta sayo kung ano man ang maging decision mo,sabi ni Grace
Thank you sa inyong dalawa,yakap ko sa kanila