ALIANA Masaya pa akong nakangiti paglabas ko ng kwarto ng bumungad sa akin si Yaya Molly na balisa. Halos inisang hakbang lang ang pagitan namin upang malapitan niya ako. "Yaya, what happened to you?" nagtataka kong tanong sa kaniya. May pakagat pa si Yaya Molly, sa kuko niya sa daliri habang hindi masabi sabi sa akin kung ano nga ba ang problema nito. Ganito itong matandang dalaga na ito kapag meron bumabagabag sa kaniya. Tinanong ko ulit at mukhang natulala na ito ng tuluyan dahil basta na lamang ito tumayo sa harapan ko. "Ya, what happened? Mukha po kayong namaligno," ulit na tanong ko sa Yaya Molly. Hindi ito nagsalita. Hinawakan lang ako sa kamay ko sabay hinila ako pababa sa hagdan. Nagsalubong ang kilay ko. Anong nangyari sa Yaya ko? Nakaka bahala naman ang kinikilos ni Yaya M

