DRAKE ASTHON "Paano po. Nay, Bunso, tuloy na po kami. Ingat kayo rito ha? Kaunting tiis na lang bunso, soon babalik ka ulit sa school," ani ko sa kanya. Nakangiti ako sa kanilang pareho. Nasa gitna nila ako habang naka akbay ang dalawa kong magkabilang braso sa balikat nila. "Ingat ka rin Kuya, aantayin ko po ang soon na 'yon dahil na miss ko na ang mga kaibigan ko kahit din ang crush ko, Hehe," sabi pa ni Darkshin sa akin. Inalis ko ang pagkakaakbay sa kanila ni Nanay at humarap dito sabay pinaningkitan ko ito ng mata. "So, kaya gusto mo makabalik dahil sa crush mo, edi buong taon kang modular," seryoso kong sabi ngunit biro ko lang iyon sa kaniya. Nagreklamo ito. "Kuya! Sige sumbong kita kay Ate Aliana kapag nakita ko iyon ng personal, tss…biro ko lang naman masyado overacting!" Kan

