CHAPTER ONE

1438 Words
"Sweetheart gising bilis!!" Wika ng ama ni Drake Asthon sa dis oras ng gabing 'yon. Mabilis ang kilos na kumuha ng makapal na jacket at isinuot sa naalimpungatan na asawa. "A-ano ang nangyayari Oscar? Bakit ang dami kong naririnig na nagpuputukan sa labas?" bakas ang takot sa mukha na tanong ng asawa sa kaniya. "Listen to me sweetheart, sorry hindi ko natupad ang pangako na palagi ko kayo pro-protektahan ng anak natin, kaya magmadali ka ng kilos habang may oras pa. Mayroon isang tauhan na nag traydor sa 'tin. Kaya please lakasan mo ng loob malalampasan din natin ito hmm," Kumuha siya ng dalawang de kalidad na baril sa cabinet ang isa ay isinuksok sa baywang ng kan'yang pantalon at ang Isa ay hawak sa kanang kamay. "Manatili ka dito at kukunin ko sa kabilang kwarto ang anak natin," bilin niya sa asawa. Mabilis itong tumango sa kaniya kahit naro'n ang takot sa mga mata dahil sa gulong nangyayari sa labas. May pagmamadali ang kilos niya ngunit bago pa siya makarating sa kwarto ng anak, may biglang bumaril sa kanya. Yumuko siya at lumuhod sabay pinaputukan ang tatlong lalaking papunta sa kwarto ng anak niya. "Over my dead body, wise 'ata ito," He whispered and took big steps. Moving quickly, he went to his son's room and immediately picked up his son habang mahimbing itong natutulog. 'Wag sana itong magising habang nasa panganib pa sila. Hangga't maaari ayaw niyang makita ng anak ang gawain niya habang ito ay wala pa sa hustong gulang Pagkalabas ng kwarto halos takbuhin niya pabalik ng master bedroom dahil sa pag-a-alala sa asawa. Nagtagumpay naman siyang walang kalaban na humarang at pagkapasok ng pinto kaagad niyang inilapag ang anak, at muli siyang nagpaalam sa asawa. "Sweetheart, kailangan kong tulungan ang mga tauhan natin sa labas," hinawakan niya ang magkabilang kamay nito at dinala sa labi. "Pakiusap hangga't wala pa ako, hu'wag lalabas ng kwarto natin." mahigpit niyang bilin sa asawa. Kampante siyang hindi basta mawawasak ang pinto ng gano'n kadali dahil gawa ito sa kalidad na materials pinasadya niya ito lalo sa katulad niyang isang Mafia boss ng bansa. Hindi lamang 'yon Isa rin siyang matagumpay na negosyante. Isa itong legal na negosyo mga chain of hotels sa sariling bansa maging sa international. Ikinabit niya ang headset device sa tainga at tinawagan ang pinagkakatiwalaan niyang kanang kamay. "Walter anong situation n'yo d'yan?" tanong niya ngunit agad siyang mahinang napamura nang marinig ang walang tigil na putukan. 'Fvck! Be ready kung sino kang hudas ka I will bury you alive!' He quickly ran down their steep stairs. 'Sh*t ang lakas ng loob n'yong humarang sa dinaraanan ko, pwes ito ang sa inyo,' Padausdos siyang bumaba sa pasimano ng hagdan habang nakikipagpalitan siya ng barilan sa mga kalaban. He smirk. "Adios," ani niya ng mapatumba ang sampung kalaban. 'Hindi pa ipinanganganak ang tatapos sa ka-guwapuhan ko, Tsk!' Muli siyang humakbang patungo sa labas ng bahay bawat madaanan na kalaban ay walang pinapatawad ng kan'yang bala. "Boss! Kailangan mong iligtas ang 'yong sarili at ang pamilya mo, lalo na si Master Ashton," Walter, said. His most trusted Butler. "No. I will not leave you. Hindi ito tungkol sa kung sino ako, kun'di dahil pamilya na tayo. We need to succeed, Walter!" He said it emphatically. "Pero boss!" Sigaw pa nito ngunit hindi nila natapos ang usapan dahil pinauulanan na sila ng bala sa pinagkokoblehang poste. Napasulyap siya sa mga natitira pang tauhan halos marami na ang nalagas sa kanila. 'No,' hindi siya papayag na matapos ang pinaghirapang negosyo at organization. "Damn! Fvck!!" Malakas niyang mura dahil para bang hindi nababawasan ang kanilang kalaban. "Walter!" Malakas niyang sigaw. "Atras tayo bilis! Habang may natitira pang buhay sa 'tin!" malakas n'yang sigaw. Ngunit muli silang niratrat kaya sumigaw siyang magmadali sa pagatras. "Damn! Bilis! Move!" At nauna siyang gumapang papasok sa loob ng mansyon. "Sh*t," naalala niya ang kaniyang mag-ina ng makarating sa kwarto at nakabukas na iyon. "Fvck!" malutong niyang mura ng mayroon humahalakhak sa isang tabi. "Daddy help me..." umiiyak ang asawa at anak na nakagapos ang kamay sa likuran. "Kalagan mo sila kung ayaw mong sumabog ang bungo mo ngayon din!" nagtatagis ang bagang na singhal niya rito. Subalit matigas ang lalake at isang halakhak lamang ang naging sagot sa kaniya. Pero maya-maya ay tumigil naman nang pagtawa pumalit ang pagyayabang sa kaniya. "Tsk! Hindi ko alam na ang isang kinatatakutan na mafia boss ay mabilis na matakot," naaliw nitong wika. Kung hindi sa mag-ina niya kanina pa niya pinasabog ang ulo nito. Siya lamang dapat ang hambogero lalamangan pa siya ng hudas na ito. "Bibilang ako ng tatlo kung hindi mo pakakawalan ang mag-ina ko tss... Magkita na lamang kayo ni satanas at sumenyas sa asawa na takpan ang mata ng anak. Halakhak ang sagot nito sa kan'ya kaya nakisabay siya sa malakas nitong tawa hanggang sa halos maiyak na ito sa katuwaan. Iyon ang pagkakamali ng lalaki dahil isang mabilis na kilos sapol ang noo nito sa mainit niyang bala. "Stupid!" In his silent cursed. Kinalagan niya ang kan'yang mag-ina at sakto pagkatapos ay humahangos ang katiwalang si Walter. "Boss, kailangan n'yo nang tumakas nasusunog ang bahagi ng mansyon!" Wika nito. "What?!" mabilis niyang kinarga ang anak habang nasa kabilang gilid ang asawa. Sa unahan ay ang kanang kamay niyang si Walter. Tinahak nila ang secret door upang paglabas ay nasa kalsada na sila. Bawat nakakasalubong ay pinauulanan sila ng bala ngunit naiilagan nila 'yon. "Walter, mauna kayo ni Drake Ashton sa labas kailangan natin tulungan ang natitira pang tauhan." Mahigpit niyang utos kay Walter. "Pero boss, hindi p'wede! Iligtas mo ang sarili habang may oras pa," suway nito sa kaniya. Subalit nabigla sila ng mayroon tinig na kilalang-kilala niya. "Sino ang may sabi na makakaligtas pa kayo rito?" malakas na halakhak habang Isa-isa silang tinatapunan ng tingin. Nanlaki ang mata nilang lahat at hindi makapaniwala sa bagong dating na lalake. "Ikaw?!" "Oo ako nga kaibigan ko! Or boss right?" Nang-uuyam ang boses na sagot sa kaniya. "Wala akong kaibigan na traydor!" tiim ang bagang na wika niya rito. Malutong na halakhak ang naging sagot nito. "Paalam mahal kong kaibigan," Hinagisan nito ang pinto ng isang gallon na puno ng gas at binuksan ang lighter pagkatapos hindi pa nakontento pinaputukan nito ang pintuan na dapat nilang daanan upang tumakas kaya nagkaroon ng malakas na apoy. "Takbo!" Parang baliw na wika nito sa kanila. "Walter! Makinig ka, isama mo si Master Ashton at si Madame Mara mo, iligtas n'yo ang sarili ako na ang bahala rito," Mariing umiiling ito. "Hindi boss, ayaw ko boss, kaya natin ito," mariing umiiling sa kaniya. "Fvcking sh*t!" nang walang tigil ang pagpapaulan ng bala sa kanila at ang apoy ay palakas nang palakas habang humahalo ang iyak ng kan'yang anak. "Ma-mara-!!" Malakas niyang sigaw ng matamaan ito ng bala. "Fvck you! Damn!" Malutong na mura niya sa nakatama sa asawa. Hinugot niya ang isa pang baril na nakasuksok sa pantalon at sabay na ginamit upang paputukan ang mga kalaban. "Damn! Napaigik siya ng mayroon dumaplis na bala sa kanyang balikat ngunit hindi niya ito pinagtuunan ng pansin tanging sa asawa at anak ang kan'ya nasa isip ang kaligtasan ng mahal na anak at asawa. "W-walter s-undin mo ang asawa ko kilos na... Hindi ko iiwan ang boss Oscar, kaya l-lakad na W-walter, kailangan n'yo mabuhay," nahihirapan na bigkas ng misis niya. Napakuyom siya ng kan'yang kamao dahil sa paghihirap ng mga mahal niya. "Move Walter! Kahit anong mangyari iligtas mo ang anak ko pakiusap!" He ordered, Walter. Umiiling ito at tila wala siyang balak sundin kaya wala siyang pagpipilian kun'di sigawan ito. "That's my order! Sundin mo ang utos ng Master mo!" Kahit-kita sa mukha nito ang hindi pagsang-ayun sa gusto niyang mangyare pero itinulak na niya ito pagtalikod kaya napilitan itong umalis na tumatangis. "Salamat tunay kong kaibigan," mahina niyang sambit nang lumisan ito kasama ang kanyang anak. "Faster! Move!" Pahabol niyang sigaw ng may gustong sumunod na mga kalaban.Hinarangan niya ang lahat na humahabol sa anak at Walter, nang unti-unti humihina ang iyak ng anak niya tanda na nakalayo na ang mga ito 'tsaka lamang siya nakahinga ng maluwag. Binalingan niya ang asawa at kinarga upang umiwas sa mga kalaban. Naghanap siya ng p'wede nilang pagtaguan. "S- sweetheart, h-hindi ko na kaya," mahinang wika ng asawang si Mara. "No! Don't say that. We'll get out of here, that's a promise," ani niya kahit walang kasiguraduhan sa magaganap. Bahala na sandali niyang 'pinikit ang mata upang humugot ng lakas. Subalit hindi niya namalayan na kumalat na ang apoy. We will meet you again, son; that's my promise."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD