DRAKE "Master Drake, M-master, sorry po hindi ko mapigilan si ma'am Aliana, lumabas ng pinto," pagpasok namin apat na akay nila akong tatlo ni Vladimir. Umiiyak ang kaibigan ni Aliana na si Martha, pabalik-balik sa main door. Ngumiti ako rito kahit masakit ang tiyan at labi ko. "Wala kang kasalanan, Martha," tipid kong sabi. "Master, mababawi pa ba si Ma'am Aliana? Sana makabalik siya ulit dito sa farm," sunod niyang tanong sa akin. "Babalik siya rito, Martha," tumingin ako sa kaniya na puno ng pangako. "Salamat Master Drake," "Wag kang mag-alala my loves, Martha. Gagawin namin ang lahat upang magkasama ulit sila ni Master," wika ni Goliath, na agad ikinalukot ng mukha ni Martha. Mabilis akong nagbaling ng tingin dito. My loves? Kailan pa? Bumalik ang tingin ko kay Martha. Masama a

