ALIANA "Boss, clear wala na sa atin nakasunod," sabi ni Vladimir sa unahan. Sinilip ko ito meron pala siyang earphones sa tainga at tila meron kausap. "Good! Thank you, Vladimir," "Welcome, boss," Binabagtas na namin ang daan pauwi ng farm. Tahimik ang apat na lalaking kasama ko sa biyahe. Ako naman ay kabado bente pa sa nangyari pag-ambush kanina sa amin. Naging kampante lang ako ng makabalik na kami ng farm ng ligtas at walang aberya nangyari. Pero pinagtakhan ko ang kanina pang pananahimik ni Drake Ashton. Lihim ko lang pinag-aaralan ang bukas ng mukha niya ngunit hindi ko talaga iyon mabasa. Tanging pa kwensowelo lang ay sumasagot naman siya sa akin kapag tatanungin ko at kakausapin ko. Pagkatapos noon balik ulit siya sa pagiging tahimik at seryoso. Kahit pag dating at pagpasok n

