Tirador Bagets Gang Series 1: Hunter Zamora
Chapter 1
Hunter’s Pov
NAKAUPO ako sa isang open area na coffee shop. Kasama ko ang kaibigan kong si Mage. Nasa loob siya ng shop at inutusan kong umorder ng kape.
May kikitain kami dito dahil nabalitaan ko na dumating na siya sa Pilipinas.
Hinihintay ko lang na lumabas si Mage dala ang kape ko. I want to drink coffee to get rid of my hangover. Magdamag na naman kasi akong nag inom kasama si Maddox.
Ang lokong yun, hinamon ako sa inuman. Eh ang lakas-lakas kong uminom. Ayon, ako ang natumba. Mabuti na lamang at dumating si Kaemon at Mage. Tinulungan nila ako kaninang madaling araw na bumangon. Tangina naman kasi. Mas malakas pala uminom si Maddox sa akin.
Napalingon ako sa kabilang table ng mapansin ko na parang may nakatitig sa akin.
Nakita ko ang isang babae. Nakatitig lang siya sa akin. Kahit nakatingin na ako sa kanya ay malakas pa rin ang loob niya na titigan ako. Iba din ang fighting spirit ng babaeng ‘to.
Napangiti ako at pinalandas ang dila sa ibaba kong labi. Ako na lamang ang umiwas ng tingin dahil napopogian yata sa aking ang babae. Hindi ko naman siya masisi dahil pogi naman talaga ako. Sabi nga ng daddy ko ay mana daw ako sa kanya. Buti daw hindi ko namana ang katabaan ni mommy.
Nilingon kong muli ang babae at nakatitig parin siya sa akin. Tangina! Baka mahimatay ‘to sa kapogian ko.
Ilang sandali pa ay lumabas si Mage na may dalang kape. Kaagad siyang naglakad papunta sa table.
Inilapag niya ang kape sa table na para sa akin saka niya hinila ang upuan. “Dapat ay nasa kompanya ako ngayon.” Sabi pa niya at matalim akong tinignan.
“Pero hindi kita pinilit na sumama. Tama lang na sumama ka sa akin. Para naman maabunan ka ng kagwapuhan ko.” I said with a smirk.
“Tss. No need. Mas lamang ako ng limang paligo sa’yo. Tukmol!” Sagot ni Mage kaya masama ko siyang tinignan. Lamang daw ng limang paligo eh mukha nga siyang hindi naliligo.
“Sus.. nakita ko nung isang araw ang assistant mo na may kasamang lalaki. Sa tingin ko nag da-date sila.” Pang aasar ko sa aking kaibigan. Halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko dahil nag iba ang itsura niya.
“Anong sabi mo?” tanong niya sa matalim na boses.
“Si Poppy. Nakita ko siya nong isang araw na may kasamang lalaki. Siguro boyfriend niya yun no?” patay malisya kong tanong sa kaibigan ko. Kunwari pa kasi ang isang ‘to eh. Ayaw pa aminin na may gusto sa assistant niya. Ayaw yatang pagtawanan dahil sa pagkakaalam ko ay 19 years old ang dalaga. Nag aaral sa kolehiyo.
“Saan mo siya nakita? Alam mo ba anong itsura ng lalaki?” He asked, with a hint of anger in his voice.
“Baliw ka ba? Alangan naman lapitan ko silang dalawa at titigan ang mukha ng kasama niyang lalaki. Minsan hindi mo nakuha ang katalinuhan ng ama mo.” Nakangiwi kong sabi. Matalino ang ama niya. Anak kasi siya ni uncle Morgan at tita Nisse.
“Shut up! Halatang nang aasar ka lang.” Wika niya na ikinatawa ko.
“Halatang may gusto ka sa babae talaga eh. Ayaw mo pang umamin. Tanggapin mo nalang kasi.” Saad ko habang nakangiti sa kanya. Ang sarap talagang asarin ng gago. Ako ang tipo ng tao na madaling mahalata ang isang tao. Sa mata pa lang halata na.
“Hindi ako baliw, Hunter. Mas gusto kong edad ay 26 years old kaya bakit ako papatol sa isang 19 years old. May gatas pa sa labi yun. Baka nga hindi pa marunong mag toothbrush yun.” Aniya sabay inom ng kape niya.
Natawa na lamang ako dahil nilalait na naman niya ang assistant niya. Muntanga talaga ‘to. “Sige, sabi mo eh.” Saad ko upang hindi na patulan ang pag de-deny niya.
Lumingon akong muli sa babaeng nakaupo parin sa kabilang table. Napangiti ako at kinindatan siya. Kunwari pa kasi ang babaeng ‘to. Ayaw pa akong lapitan kung napopogian man siya sa akin. Hindi naman ako suplado.
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Mage sa akin kaya ibinalik ko ang tingin ko sa kanya.
“Kanina pa kasi ako pinagmamasdan ng babaeng ‘yon, pre. Gwapong gwapo sa akin eh. Hindi ko din naman siya masisisi dahil pinanganak naman talaga akong gwapo.” Sabi ko at idinipa pa ang dalawa kong braso.
Malakas naman akong binatukan ni Mage sa ulo. “Aray! Ano ba! Inggitero ka talaga eh.” singhal ko habang hinahaplos ang ulo kong binatukan niya.
“Para ka kasing tanga. Malamang nakatitig yan sa direksyon mo dahil bulag yan. Nakita ko siya kanina. Asawa yata niya ang umoorder ng kape sa loob ng shop. Feelingero kang animal ka!” Sabi ni Mage kaya para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napayuko na lamang ako dahil narinig kong tumawa ang babaeng nasa kabilang table.
Masama kong tinignan si Mage na natatawa sa itsura ko. “Nakakatawa?” Napipikon kong sabi. Itinaas naman niya ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko sa akin. Tangina! Ngayon lang ako napahiya sa buong buhay ko. Nasanay kasi ako na lahat ng pinupuntahan kong lugar ay napapatingin sa gawi ko ang mga babae. Malay ko bang bulag ang babae.
“O, ayan na pala si Rip eh.” Sabi ni Mage kaya napasunod ang tingin ko sa tinuro niya.
Nakita ko ang isa naming kaibigan na kasosyo din namin sa negosyo. Rip ang tawag namin sa kanya. Hindi yun Rest in Peace kundi Reuben Ignatius Philip ang meaning no’n. Masyadong mahaba ang pangalan niya kaya naisipan naming itawag sa kanya ay Rip.
Hinila ni Rip ang upuan at umupo agad. “Hindi niyo man lang ako dinamayan ng kape? Alam niyong darating ako.” Wika niya sa baritonong boses.
Tinuro ko naman si Mage. “Siya ang umorder, pare. Siya ang pagalitan mo.” Nakangisi kong sabi.
“Umorder ka ng sayo do’n. Heto, 20 pesos..” sabi ni Mage na inabutan ng 20 pesos si Rip.
“Aanhin ko ‘tong 20 pesos mo?” tanong ni Rip habang nakaharap kay Mage.
“Ibili mo nalang ng 3in1 na kape. May sukli pa yan kaya ibalik mo sa akin.” Sagot naman ng gago kaya natawa ako.
“Tsk. Hindi ko kailangan ang 20 pesos mo.” Saad naman ni Rip na ayaw patalo kay Mage.
“So, anong balita sa negosyo na binabalak natin? Walang balita mula kay Erebus. Hindi nag re-reply ang gago.” Sabi ko at isinandal ang likod sa upuan.
“Hindi nag re-reply yun sa mga pangit na katulad mo.” Walang buhay na sabi ni Rip sa akin. Masama ko naman siyang tinignan. Gusto yatang makatikim ng upper cut nito eh.
Halata sa mukha niya na bored na bored na siya. Kararating lang niya ng Pilipinas pero parang gusto na niyang bumalik ng Russia. “Hindi ka ba magtatagal dito sa Pilipinas?” tanong ko kay Rip.
“Wala naman akong dahilan para magtagal dito. So, yeah. Uuwi na ako next month.” Sagot niya.
“Sus.. lumabas labas ka kasi sa penthouse mo. Para kang tanga. Nagbakasyon ka na nga lang, hindi ka pa lumalabas. Niyaya ka namin pumunta ng Isla Del Desire ayaw mo naman. Paano ka mag eenjoy niyan.” Nakasimangot kong sabi.
Hindi naman sumagot si Rip at para bang may tinitignan sa paligid. Napasunod ako ng tingin ng makitang may kasama na ang babaeng nasa kabilang table. Napansin namin na para bang pinapagalitan ng lalaki ang dalaga. Nasagi yata ang kape na inorder ng lalaki.
“Ang tanga mo naman eh. Kasasabi ko lang na nasa harapan mo ang kape.” Sabi ng lalaki. Ang lakas ng boses nito. Wala yata siyang pakialam kung marinig namin.
“Sabi ko na kasing wag ka ng sumama dahil pabigat ka lang. Tignan mo ang nangyari! Ayy, oo nga pala, bulag ka nga pala kaya hindi mo makita ang katangahan mo.” Dagdag na sabi ng lalaki kaya para bang pumitik ang ugat ko sa noo. Tangina! Tama bang sabihin niya yun sa asawa niya.
“Hindi ko gusto ang tabas ng dila ng lalaking ya—” hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng mabilis na tumayo si Rip at naglakad papunta sa kabilang table.
“Patay kang bata ka.” Sabi pa ni Mage habang nakatingin din kay Rip na nilapitan ang kabilang table. Nanlaki na lamang ang mata namin ni Mage ng hawakan ni Rip ang batok ng lalaki saka niya malakas na inuntog ang mukha sa mesa. Hindi pa nakuntento ‘to at ginawang pamunas ang mukha ng lalaki sa kapeng natapon sa mesa.
Napangiwi na lamang ako dahil ayaw na ayaw pa naman ni Rip na may inaaping babae. Kaya maraming nagkakagusto sa kanyang babae lalo na kapag natulungan niya. Magaling makipaglaban si Rip dahil ang trabaho niya sa Russia ay isang agent. Pumapatay ng tao ang animal tulad ng ama ko dati. Kaya well-trained makipaglaban si Rip. Kahit ako ay ayaw kong makipaglaban sa kanya. Hindi dahil sa hindi ko siya kaya, ayaw ko lang masira ang gwapo kong mukha kapag natamaan ako ng malakas niyang sipa. Paano nalang ang mga babaeng patay na patay sa kagwapuhan ko kung mapuruhan ako ni Rip.
Author's Note: Palambing po mga mhie. Sa mga bagong napadpad sa story ni Hunter, pa add naman po sa library ninyo upang mag notif bawat update po. Salamat po.